Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang tao na dapat kausapin, lapitan mo siya kaagad lalo na kung importante ang iyong sasabihin.
Love:
Couples: Kung merong problema ang iyong partner, huwag mong kalimutan na suportahan siya at tulungan siya sa kanyang mga dapat na gawin.
Money/Career:
Kung meron kang balak na maghanap ng bagong trabaho, marahil ay panahon na para simulan mo ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 22
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyado maging mayabang, lalo na kung kasama mo ang iyong mga kaibigan. Maiinis lang sila sa iyo kung magyayabang ka lang.
Love:
Couples: Wala kang dapat na ipag-alala sa inyong relasyon, lalo na kung meron kang tiwala sa iyong partner.
Money/Career:
Kung nag-apply ka sa isang trabaho, maaaring makatanggap ka na ng balita soon.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang marami kang matatapos na mga gawain ngayong araw, kaya naman marami rin ang matutuwa sa iyo.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na mag-exercise, lalo na kung napapansin mo na tumataba na siya lately.
Money/Career:
Maganda naman ang ginagawa mo, kaya naman maging consistent ka na lang sa iyong mga gawain.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao, dahil may chance na hindi nila magustuhan ang sasabihin mo.
Love:
Couples: Maging sweet ka sa iyong partner ngayong araw. Pwede mo siyang kantahan lalo na kung magaling kang kumanta.
Money/Career:
Umiwas ka na lamang sa mga taong masyadong naiinggit sa achievements mo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyadong mabalisa ngayong araw. Magiging maayos din ang lahat kaya naman magrelax ka lang at magpahinga na muna.
Love:
Singles: Huwag kang mawalan ng pag-asa kung hindi mo pa nakikita ang taong nakatadhana para sa iyo. Darating din siya.
Money/Career:
Galingan mo sa pagbudget mo ng iyong pera para naman hindi maubos ang iyong mga naipon.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang kailangan mo na talaga gumawa ng desisyon. Huwag mo na ito patagalin pa para hindi ka na mahirapan.
Love:
Singles: Huwag kang matakot na i-share sa iyong kaibigan kung ano talaga ang pakiramdam mo tungkol sa isang pangyayari.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Bago ka tumulong sa ibang tao, siguraduhin mo muna na talagang meron kang maitutulong at baka makaistorbo ka lang.
Love:
Couples: Mukhang magiging demanding ngayong araw ang iyong partner, kaya kung kaya mo siyang pagbigyan, gawin mo ito.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magpagod sa iyong trabaho dahil may malaking chance na magkasakit ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 21
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na matuwa sa iyong mga gawain ang ilang tao, kaya naman magiging masaya ka dahil dito.
Love:
Singles: Huwag mong hayaang maging bitter ka, lalo na kung hindi talaga naging maganda ang past experience mo.
Money/Career:
Kung may dumating sa iyo na oportunidad, kunin mo ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang alam mo na kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa iyong buhay. Magfocus ka rito para magtagumpay ka kaagad.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para patawarin mo ang isang taong nagkasala sa iyo, lalo na kung deserve niya naman ito.
Money/Career:
Huwag ka masyadong matakot sa gagawin mong desisyon, lalo na kung alam mong tama ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 14
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mo madaliin ang isang bagay, lalo na kung naninibago ka pa rito. Take your time at masasanay ka rin.
Love:
Singles: Kung ayaw mong maging boring ka sa kanyang paningin, dapat galingan mo sa iyong mga diskarte.
Money/Career:
Hindi ito ang tamang oras para maging tamad ka sa iyong trabaho. Kumilos ka at marami ka pang tatapusin.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi ka makakapag-adjust kaagad sa mga bagay na nangyayari sa iyong paligid, tiyak na mapag-iiwanan ka.
Love:
Singles: Huwag kang masyadong mag-alala sa status ng iyong love life. Tiyak na darating din ang taong nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Huwag mong takasan ang iyong trabaho dahil lamang sa tinatamad ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Ingatan mo ang iyong mga kilos para hindi mawala ang tiwala ng ibang tao sa iyo. Galingan mo rin sa iyong mga ginagawa.
Love:
Singles: Mukhang may taong magpaparamdam sa iyo. Talasan mo ang iyong pakiramdam para malaman mo kung sino siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5