Aries (Mar 21 – Apr 19)
Subukan mo munang sundin ang isang suggestion sa iyo ng isang tao. Malay mo, umayon sa iyo ang magiging resulta nito.
Love:
Couples: Kung palagi na lang kayong nag-aaway ng iyong partner pero ayaw mong makipaghiwalay sa kanya, mas mabuti kung lalayo ka na lang muna kahit sandali para makapag-isip ka.
Money/Career:
Kung magpapadala ka sa init ng iyong ulo, tiyak na hindi mo matatapos nang mabuti ang iyong mga gawain.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi ito ang tamang panahon para maging tamad ka. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos ka.
Love:
Singles: Kung gusto mo na pumasok sa isang relasyon, dapat ay ipaalam mo muna ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Para hindi ka malito kung ano ang dapat mong unahin, gumawa ka ng schedule para rito.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong mga kutob at hinala, dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad maniniwala sa pinapakita sa iyo ng ibang tao. Kilalanin mo muna silang mabuti para makasiguro ka.
Money/Career:
Kung meron kang naisip na idea, huwag kang mahiyang sabihin ito sa iyong mga kasama at baka magustuhan nila ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Bago mo subukan ang isang bagay, humingi ka muna ng feedback mula sa ibang tao para hindi masayang ang effort mo.
Love:
Couples: Nanalo ka nga sa argument ninyo, pero tiyak na magtatampo sa iyo ang iyong partner. Masakit talaga sa ulo kapag ganyan ang scenario.
Money/Career:
Para naman gumanda ang kalalabasan ng iyong mga gawain, dapat ay ibigay mo ang buong atensyon mo rito.
Lucky color: Red
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na gawing kumplikado ang mga simpleng bagay. Madali lang naman ang solusyon para rito kaya huwag ka na masyadong mag-isip.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na gumala sa isang malayong lugar, lalo na kung gusto ninyong makapagrelax kahit minsan lang.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para ikaw ay maghanap ng dagdag na trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 18
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung maliit lang talaga ang maiaambag mo, huwag kang mahiya lalo na kung ibibigay mo pa rin ang best mo para rito.
Love:
Singles: Marahil ay may mga taong nagkakagusto sa iyo, pero nag-aalangan sila dahil may chance na masyadong malakas ang iyong personality.
Money/Career:
Kung may reklamo ang isang tao tungkol sa iyo, pakinggan mong mabuti kung ano ito para naman magawan mo ito ng aksyon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong mag-expect ng ibang resulta kung palagi na lamang parehas ang iyong mga ginagawa.
Love:
Couples: Okay lang na pagbigyan mo ang iyong partner, lalo na kung gusto mo talaga na hindi kayo mag-away.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para gawin mo ang isang bagay kung saan ka nahihirapan. Malay mo, bigla mo itong magawa nang maayos.
Lucky color: Purple
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Umiwas ka muna sa malalamig na pagkain ngayong araw, dahil may chance na sumama ang pakiramdam mo pagkatapos.
Love:
Singles: Huwag ka mawalan ng pag-asa. Makikita mo rin siya basta hindi mo ititigil ang paghahanap.
Money/Career:
May chance na maging hectic ang iyong schedule ngayong araw, kaya naman magconcentrate kang mabuti para hindi ka magkamali.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 10
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang naisip na idea, gawin mo na ito kaagad bago ka pa man maunahan ng ibang tao. Ito na ang iyong chance.
Love:
Couples: Kung medyo lumalayo ang loob ng iyong partner sa iyo, marahil ay may nagawa kang mali kaya naman klaruhin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Kung magdedevote ka ng maraming oras sa iyong trabaho, magkakaroon ito ng positive feedback sa iyong performance.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na may taong bumisita sa iyo ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang maglinis ng bahay.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang kinikilos ng iyong partner, tiyak na meron siyang hindi sinasabi sa iyo.
Money/Career:
Kung kukulangin ka sa pera, huwag kang mahiyang humiram muna sa iyong pamilya.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Gamitin mo ang iyong charm para mapapayag ang isang tao na pahiramin ka ng pera lalo na kung talagang kailangan mo ito.
Love:
Singles: Kung may lakad ang iyong barkada, sumama ka lalo na kung marami ka namang free time. Ienjoy mo lang ang araw na ito.
Money/Career:
Kung meron kang pinoproblema sa iyong pamilya, tiyak na mahihirapan kang magfocus sa iyong trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 2
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo muna husgahan ang isang tao. Kilalanin mo muna siya at maaaring mag-iba ang isip mo sa kanya.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo na ang taong nakalaan para sa iyo, iyan ay kung hindi ka tatamaring lumabas ng bahay.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka sa iyong mga gawain, tumigil ka muna at mag-isip nang maiigi bago magpatuloy.
Lucky color: Brown
Lucky number: 12