Aries (Mar 21 – Apr 19)
May malaking chance na may taong magalit sa iyo ngayong araw dahil sa isang bagay na hindi mo sinasadya.
Love:
Couples: Kung meron kayong away, mas mabuting palamigin ninyo muna ang inyong mga ulo bago kayo mag-usap.
Money/Career:
Okay lang naman na sundin mo ang ibang tao, pero huwag mo naman palagi silang pagbigyan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang balak na simulan ngayong araw, tandaan mo lang na dapat ay tapusin mo ito at huwag mo na ipagpabukas pa.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para magrelax ka kasama ng iyong partner, lalo na kung naging hectic masyado ang inyong sched.
Money/Career:
Dumiskarte ka sa iyong mga gawain para naman mabilis mo matapos ang mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
Bago mo simulan ang isang bagay, pagplanuhan mo muna itong mabuti para naman may malaking chance na ito ay magtagumpay.
Love:
Singles: Maaaring may taong tumulong sa iyo ngayong araw. Huwag mo kalimutang ibalik sa kanya ang tulong na iyon.
Money/Career:
Kailangan ay galingan mo ang pakikipag-usap mo sa iyong mga kasama para naman maconvince mo sila sa isang bagay.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Bago ka umaksyon, isipin mo muna kung ano ang magiging epekto nito sa ibang tao. Baka naman ay mas lalo silang mainis sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang napakasimpleng bagay. Pinapahirapan mo lamang ang iyong sarili.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at tiyak na makukuha mo rin ang isang bagay na matagal mo nang inaasam.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 15
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Okay lang naman na ibigay mo ang iyong opinyon, pero huwag mo itong ipagpilitan sa ibang tao dahil maiinis lang sila sa iyo.
Love:
Couples: May malaking chance na masorpresa ka sa gagawin ng iyong partner ngayong araw. Ikaw lang ang makakapagsabi kung magugustuhan mo ito o hindi.
Money/Career:
Kung gusto mo na lumipat sa ibang company, gawin mo ito lalo na kung masyadong toxic ang iyong working environment sa ngayon.
Lucky color: Silver
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi masyadong maganda ang iyong pakiramdam ngayong araw, huwag ka na muna magkikilos para hindi mabinat ang iyong katawan.
Love:
Singles: Mukhang mapapalapit ka sa isang tao ngayong araw at may chance na mahulog ang loob mo sa kanya.
Money/Career:
Huwag kang kakabahan kung meron ka dapat na harapin ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mo akuin ang kasalanan na hindi mo naman ginawa, dahil tiyak na mas lalo ka lang maiipit sa isang sitwasyon na hindi mo naman ginusto.
Love:
Singles: Gawin mong available ang iyong sarili sa ibang tao. Huwag mong iparamdam sa kanila na mahirap kang pakisamahan.
Money/Career:
Kahit na masipag ka sa iyong trabaho, may chance pa rin na magkamali ka kung hindi ka mag-iingat.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 5
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may problema ang iyong kaibigan, subukan mong tanungin siya kung ano ito at baka mabigyan mo siya ng isang magandang payo.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay maghanap ng partner, lalo na kung kinukulit ka na rin ng iyong mga magulang.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka sa takbo ng iyong career, subukan mong humingi ng payo sa iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo ngayong araw, dahil may malaking chance na may masabi kang sikreto sa kanila.
Love:
Singles: Ito na ang tamang panahon para ikaw ay sumama sa iyong mga kaibigan para gumimik at maghanap ng taong magugustuhan mo.
Money/Career:
Okay lang naman na magparty ka, pero dapat ay huwag mong ubusin ang lahat ng iyong pera.
Lucky color: Green
Lucky number: 12
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang importanteng gagawin ngayong araw, siguraduhin mo na magfofocus ka rito para hindi ka gaanong magkamali.
Love:
Singles: Subukan mong yayain sa isang date ang taong hindi mo gaano ka-type. Malay mo, maging maganda naman ang resulta nito.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para ipakita mo ang talent mo sa ibang tao.
Lucky color: Brown
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bago mo payuhan ang isang tao, siguraduhin mo muna na aayon ito sa kanya at baka ikaw lang ang sisihin niya sa huli.
Love:
Singles: Huwag mo na pilitin ang isang tao kung ayaw naman niya. Maghanap ka na lamang ng taong may gusto.
Money/Career:
Maaaring tamarin ka ngayong araw sa iyong trabaho lalo na kung paulit-ulit na lamang ang iyong ginagawa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag kang magdalawang-isip sa isang bagay lalo na kung confident ka naman sa gagawin mo. Magtiwala ka sa iyong sarili.
Love:
Couples: Huwag ka na mahiya sa iyong partner lalo na kung nagkamali ka sa isang bagay. Tiyak naman na maiintindihan niya ito.
Money/Career:
Huwag mo hayaang maging negative ka sa iyong trabaho dahil sa iyong ibang mga kasama.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 10