Aries (Mar 21 – Apr 19)
Pag-isipan mo muna ang iyong sasabihin sa isang tao dahil may malaking chance na mamali ang kanyang pagkakaintindi rito.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, maaaring may third party na susulpot at gugulo sa inyong relasyon.
Money/Career:
Maaaring maging hectic ang araw mo ngayon, kaya naman kailangan mong bilisan ang iyong mga paggawa para marami kang matapos.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magtiwala ka sa iyong sarili. Huwag mo palaging asahan ang ibang tao na gawin ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kung may ayaw sabihin sa iyo ang iyong partner, huwag mo na lamang siyang pilitin kung ayaw ninyong pag-awayan ito.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong strengths at gamitin mo ito para makagawa ka ng maganda sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 19
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka kaagad magtiwala sa isang tao ngayong araw. Alamin mo munang mabuti kung may katotohanan ang kanyang sinasabi.
Love:
Singles: Makipagkilala ka sa ibang tao at huwag kang mahiya na kausapin sila. Panahon na para palawakin mo ang iyong social circle.
Money/Career:
Mukhang meron kang job offer na matatanggap. Pero kung malayo ito, pag-isipan mo muna bago ka pumayag.
Lucky color: Green
Lucky number: 28
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Subukan mong gawin ang isang suggestion sa iyo ng iyong kaibigan kahit na hindi mo ito gusto. Malay mo, matuwa ka sa magiging resulta nito.
Love:
Couples: Magtiwala ka lang sa iyong partner. Wala siyang gagawin na masama kung talagang mahal ka niya.
Money/Career:
Magfocus ka sa isang proyekto at tapusin mo ito bago ka magconcentrate sa iba.
Lucky color: Blue
Lucky number; 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung may taong bumabagabag sa iyo, subukan mo siyang kausapin para malaman mo ang tunay na dahilan sa likod nito.
Love:
Singles: Ito na ang chance mo para diskartehan ang taong nagugustuhan mo. Mag-ingat ka lang sa iyong mga sasabihin para hindi maging awkward ang lahat.
Money/Career:
Kung ikaw ay naghahanap ng trabaho, maaaring maging maswerte ka sa araw na ito.
Lucky color: White
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo paiiralin ang init ng iyong ulo lalo na kung simple lang naman ang iyong problema. Huwag maging OA.
Love:
Couples: Kung hindi ka pinapansin ng iyong partner, baka nagtatampo siya sa iyo. Pag-isipan mong mabuti at baka may nagawa kang mali.
Money/Career:
Okay lang na magshopping ka ngayong araw, lalo na kung hindi masyadong maganda ang mood mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kausapin mo ang isang tao ngayong araw, lalo na kung halata na meron siyang pinoproblema. Maaaring makatulong ka ng malaki sa kanya.
Love:
Couples: Kung nasa malayo ang iyong partner, huwag ka masyadong mag-alala dahil tiyak naman na miss ka na rin niya.
Money/Career:
Huwag mong iiwasan ang mga bagay na inutos sa iyo. Hindi ito ang tamang panahon para maging tamad.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may taong nagtatampo sa iyo, subukan mo siyang lambingin at baka gusto lang niya na pansinin mo siya.
Love:
Singles: May chance na may taong makikipagflirt sa iyo ngayong araw. Huwag ka kaagad mahuhulog sa kanya at baka meron lang siyang kailangan sa iyo.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho, lalo na kung ayaw mong mawala ang tiwala ng iyong mga kasama sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung medyo naguguluhan ka sa iyong buhay, subukan mong magmuni-muni muna o kaya’y pumunta sa simbahan para humingi ng guidance kay Lord.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong pag-isipan ang mga simpleng bagay. Huwag mo na gawing kumplikado ang mga bagay na madali lang namang ayusin.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong mga gawain dahil may malaking chance na magkamali ka at ikaw ay mapagalitan.
Lucky color: Red
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Subukan mong yayain na gumala ang iyong mga kaibigan o ilang kamag-anak, lalo na kung meron ka talagang gustong puntahan na lugar.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit at tingnan mo ang magiging reaksyon sa iyo ng iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magmadali. Magconcentrate ka sa iyong mga gawain para maiwasan mo na magkamali.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Iwasan mo munang makipag-away ngayong araw, lalo na kung wala ka naman talagang kinalaman sa isang bagay.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang kinikilos ng iyong partner, magmatiyag ka muna sa mga kanyang ginagawa.
Money/Career:
Iwasan mong mainggit sa achievements ng iyong mga kasama. Maging masaya ka na lamang sa kanilang nakuha.
Lucky color: Grey
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka kaagad kikilos lalo na kung hindi mo naman sigurado ang isang bagay. Baka mapahiya ka lang sa dulo kaya naman mag-ingat ka.
Love:
Couples: Kung isip-bata talaga ang iyong partner, habaan mo na lamang ang iyong pasensiya sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na hindi ka makapagfocus sa iyong mga gawain lalo na kung meron kang personal na pinoproblema.
Lucky color: Brown
Lucky number: 9

