Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung nahihirapan kang gumawa ng isang desisyon, sundin mo kung ano ang tama. Panahon na para tibayan mo ang iyong loob.
Love:
Singles: Kung hindi naman pakikinggan ng ibang tao ang iyong mga sasabihin, mas mabuting huwag ka na lamang magbigay ng effort sa kanila.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang gustong baguhin sa inyong bahay, gawin mo na agad ito kapag nagkaroon ka na ng sapat na budget.
Love:
Singles: Huwag mo na pilitin ang ibang tao sa iyo lalo na kung hindi ka naman talaga niya gusto.
Money/Career:
Kung meron kang hindi naiintindihan, huwag kang mahiyang magtanong para naman maiwasan mo na magkamali.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Tapusin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo, bago mo gawin ang iyong mga gusto lalo na kung ayaw mong mapagalitan.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo, pero kailangan mong talasan ang iyong pakiramdam dahil hindi niya pa ito kayang aminin sa iyo.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong charm lalo na kung gusto mong humingi ng favor sa ibang tao.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 24
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung may event kang dapat na puntahan, pumunta ka nang maaga at huwag ka na tamarin dahil minsan lang naman ito.
Love:
Couples: Huwag mong magmadali sa inyong relasyon. Magdahan-dahan lang kayo para naman hindi kayo mapressure.
Money/Career:
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, gawin mo ito dahil tiyak na hihingi ka rin ng tulong sa kanila balang araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring madelay ang iyong mga gawain ngayong araw, pero huwag kang mag-alala dahil tiyak na hindi naman ikaw ang may kasalanan.
Love:
Couples: Kung medyo tumataba na ang iyong partner, yayain mo siyang sumali sa isang outdoor activity kasama ka.
Money/Career:
Huwag mong utuin ang isang tao para lamang gawin niya ang iyong mga trabaho.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Pwede mo namang bilhin ang mga bagay na gusto mo, pero hinay-hinay ka lang lalo na sa pagbili mo ng mga damit.
Love:
Couples: Kung meron kayong tampuhan, mas mabuting ayusin ninyo ito kaagad at maaaring lumaki ito at maging malala lang ang lahat.
Money/Career:
Kung maganda ang iyong performance sa iyong trabaho, tiyak naman na magiging masaya sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung merong suggestion ang ibang tao para sa iyo, subukan mo muna itong iconsider bago mo ito tanggihan.
Love:
Couples: Maglaan ka muna ng maraming oras sa iyong pamiya, lalo na kung meron kayong problema na hinaharap sa ngayon.
Money/Career:
Huwag ka na magalit sa iyong mga kasama, lalo na kung lagi na lang silang nagkakamali sa kanilang mga gawain. Pagsabihin mo na lamang sila.
Lucky color: Cream
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Bago ka gumala kasama ng iyong mga kaibigan, siguraduhin mo muna na natapos mo na ang mga bagay na inutos sa iyo para hindi ka mapagalitan.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masaya sa inyong relasyon, marahil ay panahon na para wakasan na lang ninyo ito.
Money/Career:
Kung hindi ka na rin masaya sa iyong trabaho, maaaring kailangan mo na maghanap ng ibang mapapasukan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring maging moody ka ngayong araw, kaya naman mahihirapan ulit ang iyong mga kaibigan na pakisamahan ka.
Love:
Singles: Kung hindi mo feel ang isang tao, huwag mo na itong pilitin lalo na kung talagang napipilitan ka lang.
Money/Career:
May malaking chance na mapansin ka na rin ng iyong mga boss dahil sa galing mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 1
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Okay lang naman na utusan mo ang ibang tao, pero huwag mo naman ipagawa sa kanila lahat ng mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang ito na ang tamang panahon para baguhin mo ang pakikitungo mo sa iyong partner lalo na kung medyo boring na ang inyong relasyon.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng good news ngayong araw sa iyong trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 29
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Sorpresahin mo ang ibang tao. Ipakita mo sa mga taong walang bilib sa iyo na kaya mong tapatan ang kanilang expectations.
Love:
Couples: Magfocus ka muna sa concerns ng iyong pamilya ngayong araw, lalo na kung meron itong kinalaman sa pera.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number; 13
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na mahirap ang kailangan mong tahakin na landas, tibayan mo lang ang iyong loob at magtiwala sa iyong sariling kakayahan.
Love:
Couples: Huwag mo agad huhusgahan ang iyong partner dahil lamang meron kang narinig na balita mula sa ibang tao.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang isang bagay, sabihin mo ito nang maayos sa iba para hindi ka na nila pilitin pa.
Lucky color: Green
Lucky number: 16