Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung gusto mong makatapos agad sa iyong mga gawain, dapat ay magfocus ka sa mga ito at iwasan mo na tamarin.
Love:
Singles: Maaaring maging moody ka ngayong araw, kaya naman mas mabuting huwag ka magpaapekto sa mga maririnig mo.
Money/Career:
Kung gusto mong subukan ang isang bagay na in-offer sa iyo, gawin mo ito lalo na kung sigurado ka naman.
Lucky color: Silver
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Piliin mo lang ang bagay kung saan ka mas sigurado. Hindi ito ang tamang oras para manghula ka.
Love:
Couples: Kung gusto mo na i-level up ang inyong relasyon, marahil ay dapat sa ikaw na mismo ang unang kumilos.
Money/Career:
Maaaring makatanggap ka ng isang regalo mula sa isang tao na hindi mo inaasahan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
Malaki ang chance na swertehin ka ngayong araw, lalo na kung tutuparin mo ang iyong ipinangako sa isang tao.
Love:
Singles: Mukhang nakita mo na ang taong nakalaan para sa iyo, pero hindi mo siya napapansin kasi nakafocus ka sa iba.
Money/Career:
Umiwas ka na lang sa mga tao na naaalala ka lang sa tuwing may kailangan sila.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Subukan mong pag-aralan ang isang bagay na bago para sa iyo. Malay mo, maging magaling ka talaga rito.
Love:
Couples: Huwag mo munang awayin ang iyong partner ngayong araw. Pagbigyan mo muna siya sa gusto niyang gawin.
Money/Career:
Kahit na gusto mong magtitipid, tiyak na mapapagastos ka ulit ngayong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Panahon na para kumilos ka. Huwag ka na magsayang ng oras at simulan mo na ang bagay na dapat mong gawin.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para aminin mo sa isang tao ang iyong nararamdaman sa kanya. Huwag mo na ito idelay pa.
Money/Career:
Huwag ka masyadong magreklamo sa mga inuutos sa iyo at ikaw lang ang mapapahamak sa huli.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 17
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magiging okay naman ang araw mo. Kung magkakaroon ka ng maraming oras para makapagpahinga, gamitin mo ito.
Love:
Couples: Maging mapanuri ka sa mga taong nakakausap mo dahil may chance na isa sa kanila ay sumira sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung may taong tumulong sa iyo, huwag mong kalimutan na magpasalamat sa kanya.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maganda ang araw na ito para ilaan mo sa iyong pamilya. Mag-isip ka ng activity kung saan makakapagbonding kayong lahat.
Love:
Singles: Mukhang malapit mo na makita ang taong nakalaan para sa iyo. Huwag ka na lang masyadong mag-expect para hindi ka madisappoint.
Money/Career:
Huwag mong ipilit ang iyong ideya lalo na kung talagang hindi naman pupwede.
Lucky color: orange
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang gustong gawing bago para sa iyong sarili, sabihin mo ito sa ibang tao para suportahan ka nila.
Love:
Couples: Kung merong inaalala ang iyong partner, subukan mo itong alamin at baka meron kang maitulong sa kanya.
Money/Career:
Habaan mo ang iyong pasensiya sa ibang tao, lalo na kung talagang makulit sila sa umpisa pa lang.
Lucky color: Black
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na maging hectic ang schedule mo ngayong araw, kaya naman hindi ka rin masyadong makakapagpahinga.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang mga ikinikilos ng iyong partner, magmasid ka munang mabuti sa kanya.
Money/Career:
Kung merong may sakit sa inyo, alagaan mo muna siya bago ka umalis ng bahay.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Makinig ka sa sinasabi sa iyo ng ibang tao. Huwag na matigas ang ulo at sundin mo na lang sila.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner, lalo na kung masyadong mainit ang kanyang ulo.
Money/Career:
Kung may iooffer sa iyo at sigurado ka naman dito, kunin mo na agad ito bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo ipagkalat ang sikreto ng iyong kaibigan sa ibang tao. Mas mabuting tumupad ka na lamang sa iyong pangako.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, may malaking chance na may taong kumontra sa samahan ninyong dalawa.
Money/Career:
Magiging maganda ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na masyadong gawing kumplikado ang isang simpleng bagay. Pinapahirapan mo lamang ang iyong sarili.
Love:
Couples: Huwag mo munang husgahan ang iyong partner kaagad. Tanungin mo muna siya at baka may point naman siya.
Money/Career:
Iwasan mong mandaya sa iyong mga gawain para lamang masabi mo na natapos mo ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 6