Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maging maingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na mauto ka ng isa sa iyong mga kaibigan. Huwag ka masyadong magpaniwala muna sa kanila.
Love:
Singles: Kailangan mong galingan ang iyong pagdiskarte lalo na kung gusto mo talagang mapansin ka ng crush mo.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may taong magbayad na ng kanyang utang sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Hindi ito ang tamang oras para ipahiram mo ang iyong pera sa ibang tao. Magpass ka na lang muna sa kanila.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago ngayongaraw at may chance na may kinalaman ito sa mga ginagawa ng iyong partner.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mayabang sa iyong trabaho, dahil tiyak marami ang magiging kalaban mo.
Lucky color: Rose
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may matatanggap ka na good news ngayong araw. Ikaw na ang bahala kung gusto mo itong ishare sa ibang tao.
Love:
Couples: Mukhang malalaman mo na rin ang dahilan kung bakit parang kakaiba ang ikinikilos ng iyong partner sa mga nagdaang araw.
Money/Career:
Ibudget mo muna ang pera mo dahil may chance na kailangan mo ito sa mga susunod na araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung marami kang gamit na nakatambak na lamang, ibigay mo na ito sa ibang tao o kaya ay ibenta mo na lang.
Love:
Singles: Mukhang meron ka ng karibal sa iyong crush at may malaking chance na isa ito sa iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Kung pinaghihirapan mo talaga ang iyong mga gawain, tiyak na meron kang paparating na bonus.
Lucky color: Black
Lucky number: 22
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Magconcentrate kang mabuti sa iyong mga gawain at tiyak na matatapos ka nang maaga. Huwag ka magpapaistorbo sa iba.
Love:
Couples: Kung may sakit ang iyong partner, alagaan mo siya lalo na kung marami ka namang free time.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag mo na patagalin pa ang iyong mga gawain. Umpisahan mo na ang mga ito kaagad para naman marami ka pang bagay na magawa.
Love:
Singles: Kung merong mag-aya sa iyo sa isang party, sumama ka para naman marami kang ma-meet na ibang tao.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mainggit sa achievements ng iyong mga kasama. Mas mabuting galingan mo na lamang sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring maging iritable ka ngayong araw, kaya naman mas mabuti kung lalayuan ka muna ng mga taong makukulit para hindi ka mainis.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner. Malay mo, meron siyang ibigay sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi ka mag-iingat sa iyong pera, tiyak na mapapagastos ka ng malaki at wala ng matitira sa iyong mga naipon.
Love:
Couples: Maaaring mastress ka ngayong araw, pero gawin mo ang lahat para hindi mo ito mailabas sa iyong partner.
Money/Career:
Kung meron kang dapat idiscuss sa iyong boss, gawin mo na ito kaagad.
Lucky color: Violet
Lucky number: 1
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag agad iinit ang iyong ulo kung parati na lamang nagkakamali ang taong inuutusan mo. Pagsabihan mo na lang muna siya nang mabuti.
Love:
Singles: Mas mabuting maglaan ka ng maraming oras sa mga kaibigan mong single din para naman gumaan ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Hindi maiiwasan ang obstacles sa iyong career. Ang importante ay hindi ka susuko kaagad.
Lucky color: Green
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may taong tutulong sa iyo ngayong araw, huwag mong kalimutang magpasalamat lalo na kung wala siyang hinihinging kapalit.
Love:
Couples: Kung handa na kayong dalawa, maaaring panahon na para kayo ay magsimula ng inyong sariling pamilya.
Money/Career:
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw ang pinakamaapektuhan dito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may taong manlilibre sa iyo sa isang galaan, sumama ka na dahil minsan lang ito at baka magsisi ka kapag hindi ka sumama.
Love:
Couples: Kausapin mo ang iyong partner lalo na kung halata na meron siyang problema. Maging supportive ka sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka muna pumayag sa offer ng iba lalo na kung promise nila na kikita ka agad ng malaki.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 24
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may taong magkukwento ng kanyang problema sa iyo, huwag mo muna siya bigyan ng payo at baka mali ang maibigay mo.
Love:
Couples: Ayusin ninyo agad ang mga issue sa inyong relasyon para naman hindi na lumaki pa ang mga ito.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho at hindi sa katrabaho mong crush mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 25