Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mag-ingat ka ngayong araw, dahil may malaking chance na may masaktan kang tao lalo na kung napakakulit mo.
Love:
Singles: Huwag mong husgahan ang isang tao dahil sa kanyang itsura. Malay mo, siya pala ang makakaintindi sa ugali mo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 1
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging creative ka ngayong araw. Makakaisip ka ng isang solusyon sa isang bagay na talaga namang makakatulong sa iba.
Love:
Couples: Huwag masyadong mainitin ang ulo at baka mailabas mo ito sa iyong partner. Maaari ninyo itong pagtalunan kapag nagkataon.
Money/Career:
Kung may matatanggap ka na advice ngayong araw, sundin mo ito at magpasalamat ka sa kanya.
Lucky color: Purple
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna magpastress ngayong araw. Kung gusto mo, pwede kang sumali sa isang outdoor activity para mabawasan ito.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na may taong magkagusto sa iyo. Kailangan mo lang na talasan ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa service sectors ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang gagawing importante, dapat ay magfocus ka rito nang maiigi para naman hindi ka magkamali.
Love:
Couples: Mukhang hindi ka masyado makakapaglaan ng oras para sa iyong partner, lalo na kung masyadong marami ang iyong mga gawain.
Money/Career:
Mahihirapan kang ibalance ang iyong budget sa ngayon, kaya naman iwasan mo munang gumastos sa mga bagay na pwede mo namang ipagpaliban.
Lucky color: Silver
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring masira ang iyong araw dahil lamang sa maliit na bagay. Kaya hangga’t maaari, habaan mo na lamang ang iyong pasensya.
Love:
Couples: Kung may problema ang iyong partner sa kanyang pamilya, subukan mong tumulong lalo na kung kaya mo naman.
Money/Career:
Kung may ibibigay na bagong proyekto sa iyo, pag-aralan mo itong mabuti para hindi ka mapahiya.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka matakot na subukan ang isang bagay lalo na kung bago ito para sa iyo. Maaaring ito na ang solusyon sa iyong problema.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, mas mabuting gumawa na kayo ng paraan kung paano pa ito mapapatibay.
Money/Career:
Maaaring malugi ka ngayong araw, pero huwag kang masyadong mag-alala dahil mababawi mo rin naman ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Madalas namang tama ang iyong mga desisyon. Pero kung magpapabaya ka, maaaring magkamali ka at maaapektuhan nito ang ibang tao.
Love:
Couples: Kung may lakad kayong dalawa ng iyong partner ngayong araw, may malaking chance na hindi ito matuloy.
Money/Career:
Kung hindi mo naman talaga kailangan pa ang isang bagay, huwag mo na muna ito bilhin.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may malaking chance na makipagtalo ka sa isang tao ngayong araw, lalo na kung hindi siya naniniwala sa mga sinasabi mo.
Love:
Couples: Kung parehas ang trabaho ninyong dalawa, may malaking chance na mas mauunawaan ninyo ang needs ng bawat isa.
Money/Career:
Kung meron kang subordinates, huwag mo sila masyadong paghigpitan para hindi sila mastress sa kanilang gawain.
Lucky color: Orange
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Irespeto mo ang opinyon ng ibang tao. Kung hindi ka talaga pabor sa sinasabi nila, mas mabuting lumayo ka na lang sa kanila.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na may taong nagkakagusto sa iyo. Huwag mo siya agad huhusgahan.
Money/Career:
Mukhang makakakuha ka ng magandang advice mula sa iyong boss at kailangan mo itong sundin para naman mas maging successful ka.
Lucky color: Brown
Lucky number: 27
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may taong may sakit sa inyong tahanan, mas mabuting alagaan mo muna siya para naman mabilis siyang gumaling.
Love:
Singles: May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung may bagay na magpapaalala sa iyo ng isang mapait na nakaraan.
Money/Career:
Huwag ka mag-alala kung may nawala kang pera. Tiyak naman na mababawi mo rin ito someday.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bago mo tanggapin ang isang proyekto, siguraduhin mo muna na may alam ka rito para naman hindi ka mapahiya sa ibang tao.
Love:
Singles: Kung hindi talaga para sa iyo ang isang tao, hayaan mo na lang siyang umalis para hindi ka na masaktan pa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mabilis magbago ang mga bagay sa iyong paligid. Kaya kung hindi ka mabilis mag-adjust, tiyak na mahihirapan ka.
Love:
Singles: Mukhang may chance ka na mapalapit sa iyong crush ngayong araw. Pagkakataon mo na ito para dumiskarte sa kanya.
Money/Career:
Gawin mo agad ang iyong mga gawain para naman hindi ka na matambakan pa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30