Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong maging mayabang sa ibang tao. Mas lalo lang silang maiinis sa iyo at lalayuan ka sa huli.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para magrelax ka kasama ang iyong partner. Kalimutan mo muna ang iyong mga problema kahit sandali lang.
Money/Career:
Kung naguguluhan ka sa isang bagay, huwag kang mahiyang magtanong sa may alam.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may makukuha kang advice mula sa isang tao ngayong araw. Sundin mo ito para naman hindi masayang ang effort niya.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Magplan ka ng something sweet para sa inyong dalawa.
Money/Career:
Huwag mong hayaang mainggit ka sa nakukuha ng ibang tao. Dapat ay makuntento ka sa kung ano ang meron ka.
Lucky color: Pink
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Subukan mong tumaya sa lotto ngayong araw. Malay mo, swertehin ka at makakuha ka ng malaking pera.
Love:
Couples: Kung may atraso sa iyo ang iyong partner, patawarin mo siya lalo na kung nagsisisi siya nang husto.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang kausapin ang iyong boss,lalo na kung may kinalaman ito sa iyong mga gawain.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang mahiyang kunin ang isang chance lalo na kung gusto mo talaga ito. Huwag ka na maghintay pa at baka maunahan ka ng iba.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner lalo na kung palagi na lamang siyang stressed dahil sa kanyang mga gawain.
Money/Career:
Mag-ingat ka dahil may chance na mapagastos ka ng malaki ngayong araw.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mo na iwasan ang isang issue sa iyong buhay. Harapin mo ito para hindi mo na ito pagdaanan pa ulit.
Love:
Singles: Huwag kang magpapadala sa mga regalo na ibinibigay sa iyo. Alamin mong mabuti kung ano ba talaga ang motibo niya.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may malaking chance na isumbong ka ng isang tao sa iyong boss.
Lucky color: Brown
Lucky number: 22
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna magpahiram ng pera kahit na kanino ngayong araw dahil malaki ang chance na hindi niya ito maibalik kaagad.
Love:
Singles: Huwag ka na ma-disappoint kung hindi mo pa rin nakikita ang taong nakalaan para sa iyo. Maaaring hindi pa ito ang tamang oras para roon.
Money/Career:
Kung meron kang plano na mag-invest sa isang bagay, siguraduhin mo muna na napag-aralan mo na ito para hindi ka maloko.
Lucky color: Rose
Lucky number: 12
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na kung ikaw ay mahilig sa art. Marami kang maiisip na mga ideya na makakatulong sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kung meron ka dapat na baguhin sa iyong sarili, gawin mo ito lalo na kung sa tingin mo ay makakatulong ito.
Money/Career:
Subukan mong magsimula kaagad sa iyong mga gawain para pagsapit ng hapon ay konti na lamang ang iyong gagawin.
Lucky color: Gold
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung hindi mo naman sigurado kung gagamitin mo talaga ang isang bagay, huwag mo na muna ito bilhin.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner na lumabas ngayong araw, lalo na kung marami naman kayong free time.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong mga gawain para naman hindi ka na napapagalitan ng iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mag-ingat ka kung meron kang kakausapin na taong hindi mo naman kilala. Pagmasdan mong mabuti ang kanyang mga kilos.
Love:
Singles: Kung merong problema sa inyong pamilya, mas makakabuti kung aayusin ninyo muna ito para wala ka nang inaalala pa.
Money/Career:
Kung hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong trabaho, kailangan mo lang na magpahinga para makapagfocus ka.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Makinig kang mabuti sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa iyo. Huwag mo ito iignore dahil tiyak na makakatulong ito sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Magplan ka ng isang dinner para sa inyong dalawa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gamot ang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Ingatan mong mabuti ang iyong bibig ngayong araw dahil may malaking chance na may masabi kang sikreto sa ibang tao.
Love:
Singles: Maglaan ka muna ng panahon para sa iyong pamilya, lalo na kung meron kayong malaking pinoproblema.
Money/Career:
Ipagpaliban mo muna ang iyong mga lakad at marami ka pang dapat na aasikasuhin ngayong araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung kailangan mo ng tulong, huwag kang mahiyang humingi sa ibang tao. Hindi naman sila mag-iisip ng masama sa iyo.
Love:
Couples: Kung kailangan mong pigilan ang iyong partner sa kanyang gagawin, gawin mo ito pero dapat ay magpaliwanag ka nang mabuti sa kanya.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na may makaaway ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 29