Aries (Mar 21 – Apr 19)
Importante na hindi ka basta-basta gagawa ng desisyon, lalo na kung hindi mo ito pinag-isipang mabuti.
Love:
Couples: Kung may hinihiram sa iyo ang iyong partner, huwag mo itong ipagdamot sa kanya para naman hindi siya magtampo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa paggagamot ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang mapastress masyado sa iyong mga gawain. Maging positive ka lang at tumawa ka para naman gumaan ang loob mo.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para kausapin mo angiyong partner, lalo na kung meron kang gustong ipabago sa kanyang attitude.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may taong magbigay sa iyo ng pera ngayong araw.
Lucky color: Purple
Lucky number: 15
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag kang mahiya na kausapin ang ibang tao. Malay mo ay magustuhan mo ang pakikipag-usap sa kanya.
Love:
Couples: May malaking chance na bumawi sa iyo ang iyong partner ngayong araw lalo na kung naging busy siya kamakailan.
Money/Career:
Kailangan ay mabilis kang mag-adjust sa mga pagbabago sa iyong trabaho para mas lalo kang mapansin ng iyong boss.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka masyadong ma-tense sa mga mangyayari ngayong araw. Magrelax ka lang at makakaya mo naman ang mga ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner, lalo na kung nagtatampo siya sa iyo lately.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuti na huwag ka na munang pumasok.
Lucky color: Brown
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka basta-basta magagalit ngayong araw. Alamin mo muna kung totoo ang iyong narinig bago ka magreact.
Love:
Singles: Kung may plano ka na pumasok sa isang relasyon, huwag mong kalimutan na ipaalam ito sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Magresearch kang mabuti sa iyong mga gawain para naman hindi ka na masyadong mahirapan pa.
Lucky color: Cream
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Tulungan mo ang iyong mga kagrupo sa inyong proyekto. Huwag ka magpetiks habang sila ay busy sa paggawa.
Love:
Couples: Kung hindi mo naiintindihan ang mga kinikilos ng iyong partner, mas mabuting magmasid-masid ka muna sa kanya.
Money/Career:
I-maintain mo lang ang pagiging masipag mo sa iyong trabaho at tiyak naman na magiging maganda ang resulta nito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung may nagtatanong sa iyo, sagutin mo siya nang mabuti para naman maliwanagan siya sa mga nangyayari.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mong muli ang iyong ex. Magchill ka lang at huwag magpaapekto sa mga gagawin niya.
Money/Career:
Mukhang matatapos mo na rin ang iyong mga naiwang gawain kahapon.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may isang bagay na bumabagabag sa iyo, subukan mong ishare ito sa iyong kaibigan para mapayuhan ka niya.
Love:
Couples: Mukhang may pinoproblema ang iyong partner, kaya naman huwag mo muna siya i-stress para hindi na sumakit ang ulo niya.
Money/Career:
Kung may nag-offer sa iyo ng trabaho, pag-isipan mo muna kung tatanggapin mo ito at baka ito ay masyadong malayo sa iyong tahanan.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung kaya mong tumulong sa ibang tao, gawin mo ito. Darating din ang araw na sila naman ang tutulong sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Pwede mo siyang ipagluto ng kanyang favorite food.
Money/Career:
Kailangan mong maging maunawain sa iyong mga kasama, lalo na kung palagi na lang silang stressed sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magiging okay din ang lahat. Kumalma ka muna para makaisip ka kaagad ng paraan para sa iyong problema.
Love:
Singles: May malaking chance na mapalapit ang iyong crush sa iyo. Chance mo na ito para makilala siya nang lubusan.
Money/Career:
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na mapagalitan ka kung hindi ka magfofocus sa iyong mga gawain.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 7
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang malapit mo na makuha ang isang bagay na matagal mo na gusto. Huwag ka na makulit at darating na ito.
Love:
Couples: May good news sa iyo ang iyong partner ngayong araw, kaya naman huwag mo kalimutang magpasalamat sa kanya.
Money/Career:
Huwag ka na muna gumastos sa isang bagay lalo na kung hindi mo naman ito masyadong kailangan.
Lucky color: Rose
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na maganda naman ang intensyon mo, may chance na maging malala lang ang lahat kapag nakialam ka.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo, kaso lang kaibigan talaga ang turing mo sa kanya. Sabihin mo ito sa kanya para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Kung may balak kang umalis sa iyong trabaho, gawin mo ito lalo na kung meron kang job offer sa iba.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 21