Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may taong lalapit sa iyo para humingi ng tulong. Kung kaya mo naman itong gawin, pagbigyan mo siya.
Love:
Singles: Kilalanin mong mabuti ang mga tao sa iyong paligid. Marahil ang ilan sa kanila ay nagpapanggap lamang.
Money/Career:
Hindi ito ang panahon para maging tamad ka. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos ka na.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Panahon na para idevelop mo ang iyong talent. Gamitin mo ito at maaaring makatulong ito sa iyong pag-asenso.
Love:
Couples: Sundin mo muna ang sinasabi ng iyong kutob o hinala kung ikaw ay merong gagawing desisyon na may kinalaman sa iyong partner.
Money/Career:
Maging masipag ka lamang sa iyong trabaho at tiyak naman na bibilib din sa iyo ang iyong boss.
Lucky color: Black
Lucky number: 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging maganda ang araw na ito para sa iyo. Meron kang magagawang bagay na tiyak na ikatutuwa ng iba.
Love:
Singles: Ingatan mo ang mga salita na iyong sasabihin ngayong araw para wala kang taong ma-offend.
Money/Career:
Huwag kang mahiya na makipag-usap sa iba. Kailangan mong palawakin ang iyong social circle.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang taong dapat na harapin ngayong araw, tandaan mo lang na makipag-usap ka nang maayos at mahinahon.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman pinapansin ng iyong crush, marahil ay panahon na para magfocus ka sa ibang tao.
Money/Career:
Maaaring maging hectic ang iyong schedule sa mga susunod na araw kaya naman magpahinga ka kung magkakaroon ka ng oras.
Lucky color: Gold
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huminahon ka lang. Huwag mong pairalin ang init ng iyong ulo kung hindi mas lalong magiging malala ang sitwasyon.
Love:
Couples: Kung meron kang gustong baguhin sa iyong pananamit, subukan mong magtanong sa iyong partner at baka may suggestion siya.
Money/Career:
Tapusin mo muna ang mga bagay na inutos sa iyo bago ang ibang bagay.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Panahon na para bigyan mo ng oras ang isang bagay na matagal mo na nasimulan. Magfocus ka rito para matapos na rin ito.
Love:
Couples: Kung gusto mong gumanda ang inyong relasyon, dapat ay hindi mo pinapairal ang iyong ego.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maingay ngayong araw lalo na kung maraming tao ang makakarinig sa iyo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Manigurado ka muna ngayong araw. Huwag ka muna sumubok ng ibang bagay na walang kasiguraduhan ang resulta.
Love:
Couples: Kung merong sakit ang iyong partner, subukan mo siyang alagaan lalo na kung marami ka namang free time.
Money/Career:
Huwag mong maliitin ang iyong sarili. Maniwala ka sa iyong sariling kakayahan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mag-ingat ka sa mga maaari mong masabi ngayong araw para wala kang ma-offend na tao. Kung may narinig kang sikreto, huwag mo rin itong ipagkalat sa iba.
Love:
Singles: Yayain mo ang iyong mga kaibigan na gumala. Maganda ang araw na ito para mag-enjoy kasama sila.
Money/Career:
Huwag kang matakot lalo na kung marami kang tao na dapat kausapin. Tatagan mo ang iyong loob.
Lucky color: Black
Lucky number: 9
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka na magalit sa isang bagay na mababaw lang. Mas mabuting palipasin mo muna ang init ng iyong ulo kung sakali.
Love:
Singles: Kung yayayain ka ng iyong mga kaibigan na lumabas, huwag mo silang tanggihan. Huwag ka na tamarin.
Money/Career:
Ilayo mo na lamang ang iyong sarili sa mga taong wala namang bilib sa iyong kakayahan.
Lucky color: Black
Lucky number: 4
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang magagawa mo na solusyunan ang isang problema ngayong araw, kaya naman mababawasan na ang sakit ng iyong ulo.
Love:
Couples: May malaking chance na maging sweet sa iyo ang iyong partner. Huwag kang mag-alala, wala naman siyang kasalanan.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Panahon na para gawin mo ang mga bagay na pinagplanuhan mong gagawin. Huwag mo na ito ipagpaliban pa.
Love:
Couples: Kung handa na kayo para i-level up ang inyong relasyon, gawin ninyo na ito para na rin tumibay ang inyong samahan.
Money/Career:
Kung meron kang sakit, mas mabuting manatili na lamang sa bahay. Huwag ka na umalis.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magagawa mo na tapusin ang isang proyekto na matagal nang naka-pending. Panahon na para gumawa ka ng ibang bagay.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong ayos o pananamit ngayong araw. Malay mo, magustuhan ito ng marami.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 29