Aries (Mar 21 – Apr 19)
Okay lang naman na tumanggi ka sa isang bagay. Mag-explain ka na lang kung bakit para hindi masyadong sumama ang kanyang loob.
Love:
Couples: Bago pa lumalal ang inyong tampuhan, magpaliwanag ka na sa kanya bago pa siya mag-assume.
Money/Career:
Kung hindi mo talaga gusto ang iyong trabaho, maaaring hindi ka rito magtagal.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Bago ka magdesisyon tungkol sa isang bagay, dapat ay kalmado ka muna para makagawa ka ng tamang pasya.
Love:
Couples: Magiging okay naman ang status ng inyong relasyon, kaya huwag ka na muna magpastress sa inyong mga problema.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong merong ginagawang research.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Gawin mo kung ano ang gusto mo ngayong araw. Pero dapat ay hindi ka maging careless para wala kang masaktan na ibang tao.
Love:
Couples: Magconcentrate ka muna ngayong sa iyong trabaho, lalo na kung medyo hindi maganda ang nangyayari rito.
Money/Career:
Bago mo tanggapin ang offer ng ibang tao, siguraduhin mo muna kung legit ito o hindi.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maganda ang araw na ito para gumala ka kasama ng iyong pamilya. Magdinner kayo para naman makapagbonding kayo.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong masungit sa iyong partner dahil lalo lang siya maiilang sa iyo at magiging awkward ang lahat.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong career kaya naman humanda ka.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang meron kang dating kaibigan na makakatulong sa problema mo ngayon. Magreach out ka sa kanya kung talagang kailangan mo.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay magkaroon ng love life. Maghintay ka pa ng konti.
Money/Career:
Kung proud ka sa iyong trabaho, lalabas at lalabas ito sa iyong mga gawa.
Lucky color: Brown
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung gusto mo talagang pumasok sa isang kasunduan, gawin mo ito basta sigurado ka sa ginagawa mo.
Love:
Couples: Mukhang malilito ka sa mga ikikilos ng iyong partner. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman ito masama.
Money/Career:
Dahil sa iyong galing sa iyong trabaho, ilan sa iyong mga kasama ang talaga namang naiinggit sa iyo.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 1
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may chance na magkaroon kayo ng problema ngayong araw at mukhang may kinalaman dito ang isa sa iyong mga kamag-anak.
Love:
Singles: Mukhang may taong magpaparamdam sa iyo. Huwag ka muna mag-assume ng kung ano at mag-observe ka muna.
Money/Career:
Pag-isipan mong mabuti ang iyong gagawin na desisyon dahil maaaring makaapekto ito sa future ng iyong career.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang marami kang maiisip na gawin ngayong araw. Pero mukhang mahihirapan ka kung alin sa mga ito ang dapat mong unahin.
Love:
Singles: Kung hindi talaga para sa iyo ang isang tao, huwag mo na ito pilitin. Humanap ka na lang ng iba.
Money/Career:
Kung magulo ang iyong isip, hindi ka rin makakapagfocus sa iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Pwede kang tumaya sa lotto o kaya mamasyal sa mall at baka may makita kang magandang bagay na naka-sale.
Love:
Couples: Bumawi ka sa iyong partner. Dapat ay maging malambing ka rin sa kanya para naman gumanda ang mood niya.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod ka sa gusto ng iba, pero huwag mong hayaang utuin ka nila.
Lucky color: Grey
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may taong gustong sumabotahe sa iyo. Kaya naman mag-ingat ka at huwag ka muna magtiwala basta-basta.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong merong sariling business.
Lucky color: White
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging emosyonal ka ngayong araw. pero huwag kang mag-alala dahil makakarecover ka rin naman kaagad.
Love:
Couples: Subukan mong sorpresahin ang iyong partner, lalo na kung gusto mong bumawi sa kanya.
Money/Career:
Isipin mo naman ang mararamdaman ng ibang tao. Huwag laging puro sarili mo ang iyong iniintindi.
Lucky color: Orange
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging maganda ang araw mo ngayon dahil tiyak na mapapansin ng ibang tao ang efforts na ibinibigay mo.
Love:
Singles: Subukan mong maghanap ng partner na kaparehas mo ng trabaho, para tiyak na naiintindihan ninyo ang isa’t-isa.
Money/Career:
Kung meron kang plano na bumili ng lupa, mukhang panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: White
Lucky number: 5