Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung gusto mong gumaan ang iyong mga trabaho, humanap ka ng makakapartner mo para dalawa kayong naghahati rito.
Love:
Couples: Kung merong achievement na nakuha ang iyong partner, huwag mong kalimutang bigyan siya ng regalo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagsusulat ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo masyadong kwestiyunin ang mga bagay na nangyayari sa iyo, lalo na kung wala ka namang magagawa para kontrahin ito.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang activity kung saan mag-eenjoy kayong dalawa.
Money/Career:
Kung meron kang planong i-convince ang isang tao ngayong araw, may malaking chance na mapapayag mo siya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring maging emosyonal ka tungkol sa isang bagay. Kung ayaw mo itong pag-usapan, mas maganda kung huwag mo itong ipahalata sa iba.
Love:
Couples: Kung bago pa lamang ang inyong relasyon, dapat ay gumagawa na kayo ng paraan para maging matatag ang inyong relasyon.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na mawalan ka ng pera ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag ka masyadong maging strict sa iyong sarili. Kung gusto mong magchill-chill, gawin mo ito.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo. At kahit na hindi mo siya type, subukan mong pagbigyan siya at baka magbago ang isip mo.
Money/Career:
Siguraduhin mo na wala kang nakalimutan na bills na dapat bayaran.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Bantayan mo ang iyong mga kakainin ngayong araw, dahil may malaking chance na sumakit ang iyong tiyan.
Love:
Singles: Huwag ka kaagad mahuhulog sa mga matatamis na salita galing sa ibang tao. Maaaring inuuto ka lamang nila.
Money/Career:
Maaaring may matanggap kang good news ngayong araw lalo na kung naghahanap ka ng trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka muna maging negative ngayong araw, para naman hindi masira ang iyong mood pati na rin ang sa iba.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan kang maglaan ng maraming oras sa iyong partner lalo na kung masyado kang busy ngayong araw.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga estudyanteng nagtatrabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi ito ang tamang panahon para maging tamad ka. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos ka na.
Love:
Singles: Maglaan ka muna ng maraming oras sa iyong pamilya. Itreat mo sila sa isang dinner para naman makapagbonding kayo.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho at huwag sa katrabaho mong crush mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 12
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Panindigan mo kung ano ang sasabihin mo. Iwasan mong magpabago-bago ng isip dahil mahihirapan kang pagkatiwalaan ng ibang tao.
Love:
Couples: Mukhang ito na ang tamang panahon para gumawa kayo ng desisyon tungkol sa isang bagay na matagal ninyo na pinoproblema.
Money/Career:
Huwag ka masyadong malungkot kung hindi gaano nagiging successful ang iyong career. Kailangan mo lang ng konti pang panahon.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 6
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may malaking chance na may matanggap ka na regalo mula sa isang tao na talaga namang special para sa iyo.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, hindi pa ito ang tamang oras para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa iyong paggastos dahil tiyak na mauubusan ka rin ng pera.
Lucky color: Cream
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung may taong nagpapasakit ng iyong damdamin.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para tapangan mo ang iyong sarili at subukan mong sabihin ang iyong nararamdaman sa isang tao.
Money/Career:
Huwag ka na magpaligoy-ligoy pa. Diretsuhin mo na ang isang tao ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bago mo lapitan ang isang tao, dapat ay maging aware ka muna sa kanyang mga kilos para na rin maging handa ka.
Love:
Couples: Huwag mo na pagdudahan ang iyong partner dahil wala naman siyang ginagawa na masama kapag malayo kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Maging confident ka, lalo na kung kailangan mong humarap sa iyong boss ngayong araw.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 15
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may matutulungan kang tao ngayong araw at mukhang bibigyan ka niya ng pera dahil sa iyong nagawa.
Love:
Couples: Mukhang maiistress ang iyong partner ngayong araw kaya naman kailangan mo munang habaan ang iyong pasensiya sa kanya.
Money/Career:
May malaking chance na mapromote ka sa iyong trabaho lalo na kung nagsisikap ka talaga.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28