Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang gustong gawin, mas magtatagumpay ka kung ilalaan mo rito ang iyong buong atensyon at panahon.
Love:
Couples: Huwag mong gawing kumplikado ang inyong relasyon. Simple lang naman ang dapat mong gawin kaya huwag ka na mapraning.
Money/Career:
I-treat mo ang iyong sarili ngayong araw, lalo na kung deserve mo naman ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 24
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag masyadong mainitin ang ulo. Habaan mo na lang ang iyong pasensiya para hindi na masira ang iyong mood.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon ka ng partner. Kaya ienjoy mo muna ang pagiging single mo.
Money/Career:
Kung meron kang gustong subukan, gawin mo ito para makita mo kung uubra ba ito o hindi.
Lucky color: Brown
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka muna makipagtalo sa kahit na sino ngayong araw, lalo na kung ayaw mong masira ang iyong mood.
Love:
Couples: Huwag mong susubukan ang pasensya ng iyong partner at maaaring pagsisihan mo ito sa huli.
Money/Career:
Mukhang may chance na mapalayo ka sa iyong trabaho at lumaki ang gastos mo sa iyong pamasahe.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magkakaroon ka ng problema habang ikaw ay nasa byahe, kaya naman dapat ay paghandaan mo ito.
Love:
Couples: Subukan mong yayain ang iyong partner sa isang fitness program lalo na kung madalas siyang stressed.
Money/Career:
May malaking chance na makakuha ka ng isang trabaho abroad.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Makinig ka sa opinyon ng ibang tao, pero hindi naman ibig sabihin na susundin mo kaagad ang kanilang sasabihin.
Love:
Couples: Mukhang marami ka pang kailangang asikasuhin kaya unahin mo muna ang mga ito. Makakapaghintay naman ang iyong partner.
Money/Career:
Kung magulo ang iyong isipan, hindi ka talaga makakapagfocus sa iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung medyo pangit ang mood mo, subukan mong yayain ang iyong mga kaibigan para naman sumigla ka kahit papaano.
Love:
Couples: Kung stable na ang inyong relasyon, mukhang panahon na para kayong dalawa ay magpakasal.
Money/Career:
Kung may balak kang bilhin na alahas ngayong araw, siguraduhin mo munang naka-sale ito bago mo bilhin.
Lucky color: Black
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mong makapag-adjust agad sa isang sitwasyon para hindi ka na nahihirapan kada araw.
Love:
Singles: Huwag mong pilitin ang isang tao lalo na kung wala naman talaga siyang pagtingin sa iyo. Humanap ka na lamang ng iba.
Money/Career:
Mukhang malapit na dumating ang panahon na aani ka rin ng maganda sa iyong career.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 26
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maraming oportunidad ang darating sa iyo, pero piliin mo lamang ang bagay na paglalaan mo ng maraming oras.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bagay tungkol sa iyong partner. Huwag ka masyadong mabibigla sa iyong malalaman.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para gawin mo ang isang bagay na matagal mo nang gustong simulan.
Lucky color: Red
Lucky number: 3
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Yayain mo ang iyong pamilya para gumala ngayong araw. Pagkakataon ninyo na para makapagbonding naman kayo.
Love:
Couples: Kung nagtatampo sa iyo ang iyong partner, mas mabuting lambingin mo siya pero huwag mo rin masyadong kulitin.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng sapat na oras para matapos mo ang iyong mga gawain.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka na lamang kumontra sa mga mangyayari sa iyo ngayong araw. Sumunod ka na lamang sa agos para hindi ka na mahirapan.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong kulitin ang iyong partner, lalo na kung medyo busy siya lately sa kanyang mga gawain.
Money/Career:
Kung hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong career, mas mabuting pag-isipan mo na ang gagawin mong next step.
Lucky color: Purple
Lucky number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mong hayaan na maging bitter ka sa isang experience mo. Mas mabuti kung hindi mo na lamang ito iisipin.
Love:
Singles: Kilalanin mong mabuti ang iyong mga kaibigan. Marahil ay ilan sa kanila ay nagpapanggap lamang.
Money/Career:
Okay lang naman na tumanggi ka sa isang tao, pero dapat ay maganda naman ang iyong rason.
Lucky color: Purple
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang gustong gawin, simulan mo na ito kaagad at maaaring tamarin ka lang kung idedelay mo ito.
Love:
Couples: Subukan mong ishare sa iyong partner ang iyong problema, lalo na kung nahihirapan ka na para mag-isip ng solusyon para rito.
Money/Career:
Habaan mo ang iyong pasensiya tuwing ikaw ay nasa iyong trabaho. Masisira lang ang mood mo kung magpapastress ka sa iyong mga gawain.
Lucky color: Silver
Lucky number: 5