Aries (Mar 21 – Apr 19)
Irespeto mo ang opinyon ng ibang tao. Hindi ka naman pipilitin sa mga bagay na sa tingin mo ay hindi tama.
Love:
Singles: Huwag ka mawalan ng pag-asa. Darating din ang taong nakalaan para sa iyo kaya naman habaan mo na lang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 24
Taurus (Apr 20 – May 20)
Okay lang naman kung may mga bagay kang hindi maintindihan. Mas mabuting sumunod ka na lang sa agos kung hindi mo pa alam kung ano ang dapat mong gawin.
Love:
Couples: Huwag ka na magalit sa iyong partner. Lilipas din naman iyan kaya lambingin mo na lang siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Cream
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may taong gustong sumabotahe sa iyo ngayong araw. Magmasid ka muna at bantayan mong mabuti ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago tungkol sa iyong partner at maaaring makatulong ito sa iyong problema.
Money/Career:
Huwag kang matakot na sumugal sa isang bagay lalo na kung maaaring malaki ang pwede mong kitain rito.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang marami na naman ang iuutos sa iyo ngayong araw, pero huwag kang mag-alala dahil magagawa mo naman ang mga ito kaagad.
Love:
Couples: Kung kakaiba ang ikikilos ng iyong partner ngayong araw, magmasid-masid ka muna at pag-aralan ang kanyang mga kilos.
Money/Career:
Kung magpapabaya ka, maaaring mastress ka ulit sa iyong mga gawain.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring maguluhan ka sa mga mangyayari ngayong araw, pero huwag kang mag-alala dahil may taong aalalay sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mong husgahan agad ang iyong partner. Alamin mo muna kung bakit niya talaga nagawa ang isang bagay.
Money/Career:
Maaaring pagbintangan ka sa iyong trabaho kaya naman magpaliwanag ka nang mabuti sa kanila.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 29
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang naman na magsaya ka, pero dapat ay siguraduhin mo muna na natapos mo na ang iyong mga gawain.
Love:
Singles: Kung may makikipagflirt sa iyo, huwag ka muna agad-agad bibigay at baka bored lang siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong gumagawa ng kanilang research.
Lucky color: Cream
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung kaya mo namang tulungan ang ibang tao, gawin mo ito para na rin makuha mo ang kanilang tiwala.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang seryosong relasyon sa iba.
Money/Career:
Mukhang nagiging maganda naman ang takbo ng iyong career, pero hindi talaga maiiwasan na minsan ay magkaroon ng delay.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 21
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Gamitin mo ang iyong charm para maconvince ang isang tao na tulungan ka sa iyong problema, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Bawas-bawasan mo na rin ang pagiging pasaway sa kanya.
Money/Career:
Kahit na masipag ka naman sa iyong trabaho, hindi maiiwasan na tamarin ka rin paminsan-minsan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maging honest ka sa iyong sarili. Kung hindi mo nagugustuhan ang nangyayari, umalis ka na lamang para hindi ka napipilitan.
Love:
Couples: Kung dapat mong pigilan ang iyong partner sa kanyang gagawin, gawin mo ito lalo na kung maganda ang rason mo.
Money/Career:
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw pa rin ang maaapektuhan dito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Maganda ang araw na ito para gawin mo ang isang bagay na bago para sa iyo. Marahil ay magustuhan mo rin ito.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, kaya naman talasan mo ang iyong pakiramdam para malaman mo kung sino siya.
Money/Career:
Kung may balak kang umalis sa iyong trabaho, gawin mo ito lalo na kung handa ka na talaga.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Okay lang naman na mag-enjoy ka paminsan-minsan, lalo na kung masyado ka nang stressed lately sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Mukhang may gagawing bago ang iyong partner. Kahit na anong mangyari, huwag mo siyang tatawanan.
Money/Career:
Huwag mong maliitin ang mga problema na darating sa iyo. Asikasuhin mo na ang mga ito kaagad kung may panahon ka.
Lucky color: Purple
Lucky number: 2
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang magiging maganda naman ang araw mo. Huwag mo lang kalimutang gawin ang mga bagay na inutos sa iyo.
Love:
Singles: Huwag mong hayaang masira ang mood mo dahil sa isang tao. Marami namang bagay ang magpapasaya sa iyo.
Money/Career:
Magrelax ka lang muna kahit na may problema ka. Tiyak naman na makakaisip ka ng solusyon para rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11