Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may malaking chance na may matanggap kang maling balita. Kaya bago ka magreact, alamin mo muna kung totoo ito o hindi.
Love:
Singles: Kung masaya ka naman kasama siya, marahil ay ito na ang sign na gusto mo talaga siya. Huwag ka na magdeny.
Money/Career:
Umaksyon ka na dahil kung maghihintay ka pa, maaaring maunahan ka ng iba.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Umiwas ka sa mga taong nega kung mag-isip. Huwag mo ring hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para ikaw ay gumawa ng desisyon sa iyong relasyon. Huwag mo na itong patagalin pa.
Money/Career:
Huwag ka muna magpahiram ng pera kahit na kanino dahil malaki ang chance na hindi mo na ito mabawi.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Gemini (May 21 – Jun 20)
May chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kung meron kang iniiwasang issue, huwag ka na muna makipag-usap sa iba.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Itreat mo siya sa isang date.
Money/Career:
Tawanan mo ang iyong mga pagkakamali, pero dapat ay gumawa ka ng paraan para maitama ang mga ito.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Panahon na para ikaw ay gumawa ng pasya. Kung malakas ang kutob mo na makakatulong ito sa iyo, gawin mo na ito.
Love:
Couples: Maaaring maging makulit na naman ang iyong partner kaya habaan mo na lang ang iyong pasensiya sa kanya.
Money/Career:
Para mainspire ka, makipag-usap ka sa isang professional para lalo pang mag-improve ang status ng iyong career.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may malalaman kang bago ngayong araw at may malaking chance na manggagaling ito sa isang tao na hindi mo kilala.
Love:
Couples: May chance na unti-unti nang nawawala ang tampuhan sa pagitan ninyong dalawa, kaya naman gamitin ninyo ang araw na ito para bumawi sa isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho dahil tiyak na malilintikan ka kapag nahuli ka.
Lucky color: Orange
Lucky number: 27
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung may taong magtatanong sa iyo, dapat ay handa kang mag-explain sa kanya lalo na kung may kasalanan ka.
Love:
Singles: May malaking chance na may taong tumulong sa iyo ngayong araw. Huwag mong kalimutang magthank you sa kanya.
Money/Career:
Kung meron kang gagawin na proyekto, siguraduhin mo na kumpleto ka sa iyong mga gamit.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Gawin mo ang lahat para matapos mo ang iyong mga gawain, kahit pa kulang na kulang ka sa mga materyales.
Love:
Singles: Halata naman kung sino ba ang dapat mong ipursue. Pero kung mo pa feel, hayaan mo na lang muna.
Money/Career:
Maging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung may matatanggap ka na advice mula sa isang tao ngayong araw, gawin mo ang lahat para sundin ito para hindi naman masayang ang effort niya.
Love:
Couples: Mukhang malilito ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Magmasid-masid ka muna at talasan ang pakiramdam.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang magtipid sa ngayon lalo na kung kulang na kulang ang iyong sahod.
Lucky color: Brown
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung walang ibang kikilos, ikaw na ang kumilos para wala na masabi pa ang ibang tao. Maaaring swertehin ka pa kung gagawin mo ito.
Love:
Couples: Supportive naman ang iyong partner kaya huwag kang mahiyang ishare sa kanya ang iyong mga problema.
Money/Career:
Huwag mong balewalain ang iyong mga gawain. Kung kailangan mo ng tulong, magsabi ka.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na may taong bumisita sa iyo ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutang ipaghanda siya.
Love:
Singles: Kung gusto mo talagang gawin ang isang bagay, gawin mo ito kahit na tutol dito ang ibang tao.
Money/Career:
Panahon na para magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho. Ikaw na mismo ang magsimula nito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 26
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang problema, alamin mo muna kung paano at kailan ito nag-umpisa para madali kang makaisip ng solusyon.
Love:
Singles: May malaking chance na maging maswerte ka ngayong araw lalo na kung naghahanap ka ng taong makaka-date.
Money/Career:
Siguraduhin mo na nabayaran mo na ang iyong bills para hindi ka na mahassle pa.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong kalimutan na alagaan ang iyong katawan. Kung kailangan mong magpahinga pa, huwag ka na muna bumangon sa kama.
Love:
Couples: May chance na maging sakit sa ulo ang iyong partner. Hayaan mo na muna siya sa kanyang gusto para hindi ka na mastress pa.
Money/Career:
Huwag mo na isipin ang sasabihin ng ibang tao lalo na kung wala naman silang alam sa iyong ginagawa.
Lucky color: White
Lucky number: 1