Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi ka sigurado sa sinasabi sa iyo ng ibang tao, huwag ka muna gagawa ng hakbang lalo na kung wala namang ebidensiya.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para patawarin mo ang ilan sa mga taong nagkasala sa iyo, lalo na kung deserve naman nila ito.
Money/Career:
Huwag mong pilitin ang isang tao sa iyong gusto kung ayaw mong makulitan siya sa iyo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Maganda ang araw na ito para ilaan mo sa iyong pamilya, lalo na kung naging busy ka kamakailan at gusto mong bumawi sa kanila.
Love:
Singles: Mukhang may taong magkakagusto sa iyo, pero mag-ingat ka lang at baka meron pa siyang ibang intensyon.
Money/Career:
Kung masaya ka habang nagtatrabaho, tiyak na mababawasan ang work-related stress mo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may mangyayari na hindi maganda ngayong araw kaya naman may chance na maging awkward ka sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Kung meron kang problema, subukan mong kausapin ang iyong partner tungkol dito at baka mapayuhan ka niya ng maganda.
Money/Career:
May malaking chance na makapag-abroad ka, kaya naman ayusin mo na ang iyong mga dokumento.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang bagay na nasimulan, hindi ito ang tamang panahon para sukuan mo ito. Subukan mo itong tapusin.
Love:
Couples: Mukhang kontento ka naman sa takbo ng inyong relasyon, kaya naman ienjoy mo lang ang mga moment na kasama mo ang iyong partner.
Money/Career:
Habaan mo ang iyong pasensiya, lalo na kung hindi mo mapagsabihan ang iyong mga kasama.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mong intindihin ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyong gagawin. Kung gusto mo ito, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo.
Love:
Couples: Huwag ka na magtampo sa iyong partner. Mukhang nagsisisi naman siya kaya patawarin mo na siya.
Money/Career:
Kahit na masipag ka naman sa iyong trabaho, mukhang may chance pa rin na mapagsabihan ka ng iyong boss.
Lucky color: Gold
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Sundin mo muna ang iyong kutob o hinala, dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Yayain mo ang iyong mga kaibigan para gumimik ngayong araw, lalo na kung nakakaramdam ka ng matinding stress.
Money/Career:
Kung meron kang sariling business, mukhang magiging maswerte ka ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 25
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung nahihirapan ka sa isang bagay, subukan mong humingi ng tips sa isang tao na may kaalaman tungkol dito.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa rin nakakamove on sa iyong past relationship, hindi mawawala ang awkward moments sa iyong araw.
Money/Career:
Mukhang palaki nang palaki ang iyong gastusin kada araw, kaya naman panahon na para humanap ka ng trabaho na may mas malaking kita.
Lucky color: Pink
Lucky number: 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Magcommit ka sa isang bagay, lalo na kung nasimulan mo na ito. Hindi ito ang tamang panahon para atrasan mo ito.
Love:
Singles: Mukhang magiging busy ka na naman ngayong araw, kaya mawawalan ka talaga ng panahon para sa iyong love life.
Money/Career:
Kung pinuri ka ng ibang tao, iwasan mong maging mayabang. Maging humble ka palagi.
Lucky color: Blue
Lucky number: 8
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may malaking chance na magkaroon ka ng bisita ngayong araw, kaya naman huwag mong kalimutan na maglinis.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong mainipin. Darating din ang taong nakalaan para sa iyo kaya naman relax ka lang.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang i-meet ang iyong targets ngayong araw, kaya naman humingi ka ng tulong sa iyong mga kasama.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang nagawang kasalanan sa ibang tao, dapat ay aminin mo ito sa kanya at humingi ka ng sorry.
Love:
Couples: Kung medyo bored ka na sa inyong relasyon, sabihin mo ito sa iyong partner para magawan ninyo ito ng aksyon.
Money/Career:
May malaking chance na matapos mo ang lahat ng bagay na iuutos sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag ka muna magpautang sa ibang tao ngayong araw, dahil may malaking chance na hindi niya ito mabayaran kaagad.
Love:
Singles: Kailangan mong maisip na bago ka pumasok sa isang relasyon, dapat ay marunong kang mag-adjust at isantabi ang iyong ego.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagbiyahe ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may matatanggap ka na good news ngayong araw at ikaw na ang bahala kung gusto mo itong ishare sa ibang tao.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung nawawalan ka ng oras sa iyong partner dahil sa iyong trabaho.
Money/Career:
Mukhang may kasama kang aabsent sa trabaho kaya naman kailangan mong gawin ang kanyang gawain.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10

