Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong mabigla sa mga pagbabago na mangyayari ngayong araw. Magrelax ka lang at makakapag-adjust ka rin kaagad.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang magtampo sa iyo ang iyong partner. Kung meron siyang favor sa iyo, gawin mo ito lalo na kung kaya mo naman.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka, pero siguraduhin mo lang na meron ka pa ring matitira na pera.
Lucky color: Orange
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kahit na maganda naman ang mga ideya mo, may chance na hindi pa rin ito pagbigyan ng ibang tao.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na magkabalikan kayo ng ex mo, lalo na kung single pa kayo parehas.
Money/Career:
Dahil sa galing mo sa iyong trabaho, hindi maiiwasan na may ilang tao na mainggit sa iyo.
Lucky color: Orange
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi ka kayang intindihan ng ibang tao, mas mabuting huwag ka na mag-effort at hindi rin naman sila makikinig.
Love:
Singles: Magpakitang-gilas ka sa iyong crush, lalo na kung gusto mo talagang tumatak ka sa isip niya.
Money/Career:
Kung tinatamad ka sa iyong trabaho, libangin mo muna ang isip mo para hindi ka antukin.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Bago ka manghusga ng ibang tao, alamin mo muna ang buong istorya para hindi ka magkamali ng kakampihan.
Love:
Couples: Kung meron kayong hindi pagkakaintindihan ng iyong partner, ayusin ninyo ito kaagad at huwag ninyo na palakihin pa ang inyong tampuhan.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho at hindi sa crush mo na umaaligid sa iyo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi mo man maintindihan ang isang tao sa ngayon, malalaman mo rin sa huli kung bakit ganun ang pakikitungo niya sa iyo.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang isang bagay na simple lang. Ikaw lang ang nagpapahirap sa iyong sarili.
Money/Career:
Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, sabihin mo ito at huwag ka na magpaligoy-ligoy pa.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 26
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Madali mong malalaman kung nagsisinungaling sa iyo ang isang tao o hindi. Gamitin mo ito para hindi ka magkamali sa pagdedesisyon.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner. Kaso, baka isipin niya na may kasalanan ka sa kanya.
Money/Career:
Mukhang may chance na tumaas ang iyong sweldo, lalo na kung magiging consistent ka sa iyong mga ginagawa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 18
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang marami ka pang bagay na dapat na gawin, pero huwag kang mag-alala dahil magagagawa mo naman ang mga ito nang maayos.
Love:
Couples: Kahit na hindi mo sinasadya, maaaring masaktan pa rin ang iyong partner sa magagawa mo ngayong araw.
Money/Career:
Huwag ka muna sumali sa away ng ibang tao, lalo na kung ayaw mong masisi sa huli.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, kaya naman magiging stressed ka rin dahil dito.
Love:
Couples: May malaking chance na mag-away kayong dalawa ngayong araw at may kinalaman dito ang iyong kapatid.
Money/Career:
Ito na ang tamang panahon para humanap ka ng bagong trabaho na aakma sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Habaan mo lang ang pasensiya mo ngayong araw, kahit na parang feeling mo ay ang bagal-bagal ng takbo ng oras.
Love:
Singles: Kahit na pinapakita mo na gusto mo ang isang tao, mukhang hindi talaga niya dama ang efforts mo.
Money/Career:
Isip-bata ka talaga kaya naman may chance na mapahamak ka sa iyong mga ginagawa.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 23
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ingatan mo ang iyong sarili ngayong araw, dahil malaki ang chance na may makuha kang sakit kung palagi kang nasa labas.
Love:
Couples: Kung nag-away man kayo, huwag ninyong hayaan na magtagal ito dahil makakasira lang ito lalo sa inyong relasyon.
Money/Career:
I-check mong mabuti ang iyong bills at baka may nakalimutan kang bayaran.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang mababawasan na ang iyong mga gagawin kaya naman magkakaroon ka ng dagdag na oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: Mag-ingat kayo dahil may chance na may 3rd party na makialam at sumira sa inyong relasyon.
Money/Career:
Huwag agad iinit ang iyong ulo kung hindi man nasunod ang iyong plano. Matutong mag-adjust na lang at mag-isip ng panibagong plano.
Lucky color: Orange
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang maguguluhan ka ngayong araw lalo na kung sabay-sabay ang pagdating ng problema mo sa iba’t-ibang tao.
Love:
Couples: Kailangan mo munang magrelax. Tanungin mo ang iyong partner kung pwede ka ninyang masahiin para mabawasan ang stress mo sa katawan.
Money/Career:
Kung magkakasakit ka, mas lalong hindi mo magagawa ang mga trabaho na ibibigay sa iyo.
Lucky color: Brown
Lucky number: 30