Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka matakot na sumubok ng isang bagay na bago para sa iyo. Humingi ka ng tulong o guidance sa iba para sigurado.
Love:
Singles: Kung hindi talaga para sa iyo ang isang tao, huwag mo na ito pilitin dahil tiyak na masasaktan ka lang.
Money/Career:
Maaari kang humingi ng payo sa iyong boss lalo na kung nahihirapan ka sa ilan sa iyong mga gawain.
Lucky color: Black
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung maglalaan ka ng maraming oras sa iyong gawain, tiyak na may malaking chance na magtagumpay ka rito.
Love:
Singles: Huwag ka mag-expect sa isang tao lalo na kung hindi mo naman sigurado kung may feelings siya sa iyo.
Money/Career:
Magtipid ka muna sa ngayon. Huwag ka muna pumatol sa mga sale na nakikita mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang malapit mo na matapos ang isang proyekto na matagal mo na nasimulan. Maging consistent ka lang sa iyong ginagawa.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin mo ang iyong partner. I-treat mo siya sa isang lunch o dinner.
Money/Career:
Bago ka gumala, siguraduhin mo muna na natapos mo na ang mga dapat mong gawin sa inyong bahay.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung nalilito ka sa isang bagay, huwag mo muna itong ipahalata sa iba. Mag-observe ka muna at makukuha mo rin ito sa huli.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang relasyon. Tandaan mo lang na dapat ay maging honest ka sa iyong sarili.
Money/Career:
Mukhang may good news ka na matatanggap ngayong araw ay may chance na may kinalaman ito sa iyong bahay.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Hindi madali sa iyo na maipit sa isang kumplikadong sitwasyon, kaya naman mas makakabuti sa iyo kung iiwas ka kaagad rito.
Love:
Couples: Huwag kang maging OA sa iyong partner. Kung meron kang nais klaruhin, tanungin mo siya nang maayos.
Money/Career:
Kung hindi na masyadong malaki ang kinikita mo sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng iba.
Lucky color: Blue
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Marami ka pang dapat na gawin sa inyong tahanan, kaya naman kumilos ka na kaagad para na rin hindi ka mapagalitan.
Love:
Couples: Kung gusto mong bumawi sa iyong partner, subukan mong bigyan siya ng regalo o kaya’y ipasyal siya sa kanyang favorite na lugar.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang kinikita mo sa ngayon, marahil ay panahon na para maghanap ka ng isa pang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka padalos-dalos sa pagsasalita. Maaaring makasakit ka ng iyong kapwa nang hindi mo namamalayan.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para umibig muli. Kailangan mo lang na tandaan ang iyong mga natutunan para hindi ka na masaktan pa.
Money/Career:
Mukhang may offer sa iyo na trabaho, pero pag-isipan mo muna ito dahil tiyak na malalayo ka sa iyong pamilya.
Lucky color: Rose
Lucky number: 9
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na malito ka sa ilang mga bagay ngayong araw. Mag-ingat ka lang para hindi ka makagawa ng maling desisyon.
Love:
Couples: Mukhang meron kayong pag-aawayan ngayong araw, kaya naman huwag mo pairalin kaagad ang init ng iyong ulo.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ka ng chance na makapagtrabaho abroad, kaya naman ayusin mo na ang iyong mga papeles habang maaga pa.
Lucky color: Black
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may taong lalapit sa iyo para humingi ng tulong. Kung kaya mo naman siyang pagbigyan, gawin mo ito.
Love:
Couples: Kung stable na naman ang inyong relasyon, marahil ito na ang tamang panahon para kayo ay magpakasal.
Money/Career:
Huwag ka na muna makipagtalo sa kahit na sino, lalo na kung ayaw mong masira ang iyong araw.
Lucky color: Silver
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo na ito kaagad para hindi ka na maunahan pa ng iba.
Love:
Couples: Huwag mong susubukan ang pasensiya ng iyong partner, lalo na kung ayaw mong masira ang iyong araw.
Money/Career:
May mga bagay talaga na nangyayari na hindi mo gusto, kaya mas makakabuti sa iyo kung mag-aadjust ka na lang.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Subukan mong gawin ang isa sa iyong mga hobby, para naman mabawasan ang stress sa iyong katawan ngayong araw.
Love:
Singles: Kung hindi ka pa nakakapagmove on sa iyong ex, ayos lang naman iyon. Masasanay ka rin hanggang sa makapag-let go ka.
Money/Career:
Kahit na gusto mong mag-improve sa iyong career, may mga tao talaga na hihilahin ka pababa.
Lucky color: Red
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mong kalimutan na magpahinga, lalo na kung sobrang stressed na ang iyong katawan at isipan.
Love:
Couples: Kung wala ka naman masyadong gagawin ngayong araw, maaari kang tumulong sa mga gawain ng iyong partner.
Money/Career:
May malaking chance na siraan ka ng isa sa iyong mga katrabaho sa iyong boss, kaya naman maging handa ka.
Lucky color: Cream
Lucky number: 29