Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ingatan mo ang iyong sarili ngayong araw, dahil may malaking chance na may makuha kang sakit kung palagi kang nasa labas.
Love:
Singles: Bago ka maghanap ng kalinga sa ibang tao, dapat ay marunong ka munang mahalin at alagaan ang iyong sarili.
Money/Career:
Magiging okay naman ang araw mo sa iyong trabaho at mukhang wala pa ring chance na tumaas ang iyong sinasahod.
Lucky color: Red
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Isa kang simpleng tao, kaya naman medyo nahihirapan kang mag-adjust lalo na kung masyado na kumplikado ang isang sitwasyon.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong mga kaibigan na gumimik lalo na kung naging busy ka masyado nitong linggo.
Money/Career:
Mag-ingat ka dahil meron kang katrabaho na may balak na siraan ka sa iyong boss.
Lucky color: White
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang mag-eenjoy ka naman ngayong araw. Kung meron kang naisip na activity para sa iyong pamilya, gawin mo ito.
Love:
Singles: Kung hindi mo gusto ang taong nirerecommend sa iyo ng iyong mga kaibigan, huwag mong pilitin ang iyong sarili sa kanya.
Money/Career:
Makinig ka sa iyong kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 23
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung meron kang pinoproblema ngayong araw, mas mabuting gawan mo na ito ng paraan para hindi na ito lumala pa.
Love:
Couples: Subukan mong ishare sa iyong partner ang ilan sa iyong mga problema at baka meron siyang maisip na solusyon sa mga ito.
Money/Career:
Huwag mong pilitin ang iyong sarili sa isang desisyon na hindi mo naman talaga gusto.
Lucky color: Purple
Lucky number: 26
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung galit ka, huwag kang gagawa ng desisyon dahil may malaking chance na pagsisihan mo ito sa huli.
Love:
Singles: Subukan mong lumabas kasama ang isang tao na hindi mo naman talaga type. Malay mo, maging maayos naman ang kahihinatnan nito.
Money/Career:
Magrelax ka lang. Huwag mong hayaang magpadala ka sa init ng iyong ulo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kailangan mo na kalimutan ang isang pangyayari sa iyong nakaraan, lalo na kung hindi naman ito nakakatulong sa pag-unlad mo.
Love:
Couples: Magconcentrate ka sa mga bagay na meron ka. Huwag kang magfocus sa isang bagay na hind mo pa naman nakukuha.
Money/Career:
May malaking chance na mastress ka ngayong araw lalo na kung marami kang nakatambak na trabaho.
Lucky color: Silver
Lucky number: 11
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung marami ka pang gagawin, subukan mong simulan ang mga ito sa umaga para naman magkaroon ka ng motivation na tapusin ang lahat ngayong araw.
Love:
Singles: Okay lang kung may mga bagay kang pinagsisisihan na ginawa. Mas mabuting magfocus ka na lamang kung paano ka makakapagmove on dito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung may malaking problema ang isa sa iyong pamilya.
Love:
Singles: Kaya mo namang alagaan ang iyong sarili, pero wala namang masama na maghanap ka ng partner na masasandalan mo.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho sa mga susunod na araw, kaya naman maghanda ka sa mga ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi mo gusto ang nangyayari sa iyong paligid, gawan mo na ito agad ng paraan bago pa lumala ang lahat.
Love:
Couples: May malaking chance na may good news na ishare sa iyo ang iyong partner, kaya naman maging happy ka sa kanya.
Money/Career:
Kung may oportunidad na dumating sa iyo, kunin mo agad ito lalo na kung sawa ka na sa iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang proyekto na ginagawa, mas mabuti kung magfofocus ka rito para naman hindi ka masyadong magkamali.
Love:
Couples: May malaking chance na mahirapan sa iyo ang iyong partner, lalo na kung palagi ka na lamang busy sa iyong mga ginagawa.
Money/Career:
Ayusin mong mabuti ang iyong pananalita lalo na kung nakikipag-usap ka sa iyong mga boss.
Lucky color: Purple
Lucky number: 25
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging maganda naman ang araw mo ngayon, kaya kung may balak kang gumala kasama ng iyong barkada, gawin mo ito.
Love:
Singles: Kung nag-eenjoy ka kasama ang isang tao kahit na wala naman kayong ginagawa na importante, marahil ay siya na nga ang hinihintay mo.
Money/Career:
Magconcentrate kang mabuti sa iyong mga gawain para naman hindi ka napapagalitan ng iyong boss.
Lucky color: Orange
Lucky number: 14
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
May tao na magpaparamdam sa iyo ngayong araw at mukhang may dala siyang good news para sa iyo. Maging handa ka para rito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Subukan mo siyang itreat sa kanyang favorite na resto.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 20

