Aries (Mar 21 – Apr 19)
Madali mong nalalaman kung sino ang mga taong hindi honest sa iyo, kaya naman napipili mong mabuti kung sino ang iyong mga kakaibiganin.
Love:
Couples: Kung may balak kayo na bumili ng bahay, pag-isipan ninyo itong mabuti para hindi masayang ang inyong pera.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na mapromote ka sa iyong trabaho, lalo na kung palagi kang consistent na magaling.
Lucky color: Rose
Lucky number: 14
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung gusto mong makakuha ng magandang advice, subukan mong humingi sa taong pinakaseryoso sa iyong barkada.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan ninyo sa inyong mga magulang. Itreat ninyo sila para makapagbonding kayo.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang magtipid sa mga susunod na araw kaya naman iwasan mo munang gumastos ngayong araw.
Lucky color: Pink
Lucky number: 11
Gemini (May 21 – Jun 20)
Sundin mo muna ang iyong mga kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Magbehave ka muna ngayong araw para naman hindi sumama ang tingin ng ibang tao sa iyo.
Money/Career:
Kung nakukulangan ka sa nakukuha mong pera, subukan mong maghanap ng sideline.
Lucky color: Grey
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para simulan mo ang isang proyekto na matagal mo na dapat nagawa.
Love:
Singles: May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman iwasan mo munang makipagtalo sa iba.
Money/Career:
Mukhang may pagbabagong mangyayari sa iyong trabaho, kaya naman maghanda ka rito.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 27
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, gawin mo ito. Huwag ka ring humingi ng kapalit sa mga gagawin mo.
Love:
Couples: Mas makakabuti kung hindi ka muna gagawa ng desisyon sa ngayon. Pag-aralan mo muna ang sitwasyon para hindi ka magkamali.
Money/Career:
Kung hindi ka titigil sa paggastos sa mga bagay na hindi naman masyadong importante, mahihirapan kang makapag-ipon ng malaki.
Lucky color: Black
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman sasakit talaga ang ulo ng mga taong makakausap mo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para itreat mo ang iyong partner sa kanyang favorite na resto o kaya’y pwede kayong manood ng pelikula.
Money/Career:
Huwag ka mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao, lalo na kung nagmamadali ka sa iyong mga gawain.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Hindi ito ang panahon para maging tamad ka. Kumilos ka na at marami ka pang dapat na gawin sa araw na ito.
Love:
Singles: May malaking chance na makita mo na ang taong type mo. Gawin mo ang lahat para mapansin ka niya.
Money/Career:
Kung anong meron ka, mas mabuting iyon na lang muna ang bigyan mo ng importansiya kaysa magbaka-sakali ka.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang matatambakan ka ng mga gawain ngayong araw, pero may chance naman na matapos mo ang lahat ng mga iuutos sa iyo.
Love:
Couples: Kung may sakit ang iyong partner, alagaan mo muna siya dahil tiyak na mahihirapan siyang kumilos na mag-isa.
Money/Career:
Kahit na sisiw lang sa iyo ang iyong trabaho, hindi mo pa rin maiiwasan na makaramdam ng pagod.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag mong hayaang masayang ang oras mo sa mga bagay na hindi naman gaano kaimportante. I-schedule mo ang iyong mga gawain para mamonitor mo ang mga ito.
Love:
Singles: Mukhang magiging busy ka na naman dahil sa dami ng events na iyong pupuntahan. Huwag mong kalimutang makipag-usap sa iba para dumami ang iyong mga koneksyon.
Money/Career:
Kung kapos ka sa budget, subukan mong umutang sa iyong mga magulang at may chance na meron silang maibigay sa iyo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
May malaking chance na hindi mo matapos ang iyong mga gawain, lalo na kung kapos na kapos ka sa resources para rito.
Love:
Singles: Huwag kang magpapauto basta-basta sa ibang tao, kahit na crush mo pa sila. Gamitin mo ang iyong isip.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang investment, tanungin mo muna ang iyong mga kaibigan at baka may maipayo silang maganda sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang makakapagrelax ka ngayong araw dahil may chance na hindi na masyado maging hectic ang iyong araw.
Love:
Couples: Hindi maiiwasan na may pagtalunan kayo ng iyong partner. Siguraduhin mo na lang na mag-uusap pa rin kayo sa huli.
Money/Career:
Huwag ka muna mag-invest sa isang bagay kung hindi ka naman masyadong pamilyar dito.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
I-check mo nang mabuti ang iyong schedule at may malaking chance na may makalimutan kang gawain.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong mga kaibigan na kumain sa labas o kaya’y manood ng pelikula.
Money/Career:
May malaking chance na ma-stress ka sa iyong mga gawain, kaya namang kung may pagkakataon kang magpahinga, gawin mo ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 25