Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang magiging close ka sa isang tao ngayong araw, lalo na kung meron kayong common na gagawin.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang masira ang inyong relasyon dahil sa iyong ego. Gumawa ka kaagad ng aksyon para hindi na lumala ang sitwasyon.
Money/Career:
Mukhang may tao na may balak na isabotahe ka kaya naman magmatiyag kang mabuti.
Lucky color: Red
Lucky number: 17
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyadong makulit tungkol sa isang bagay. Kung hindi ito para sa iyo, huwag mo na ito ipilit pa.
Love:
Singles: Subukan mong magtanong sa iyong mga kaibigan na merong love life kung paano mo mahahanap ang taong para sa iyo.
Money/Career:
Bago ka sumang-ayon sa isang kasunduan, siguraduhin mo muna na hindi ka tatakbuhan ng iyong kinakausap.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mo masyadong dedmahin ang isang tao ngayong araw. Kapag pinagpatuloy mo ito, maaaring magtampo na talaga siya sa iyo.
Love:
Singles: Kung may balak kang pumasok sa isang relasyon, ipaalam mo muna ito sa iyong mga magulang para aware sila.
Money/Career:
Maaaring may chance na mapromote ka this year, kaya naman ipagpatuloy mo lang ang iyong pagiging masipag.
Lucky color: Orange
Lucky number: 8
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag na matigas ang ulo. Sumunod ka na sa sinasabi sa iyo ng ibang tao para naman hindi na sila mahirapan pa sa iyo.
Love:
Couples: Kung hindi ka pinapansin ng iyong partner, pabayaan mo lang siya at siya rin naman ang susuyo sa iyo sa huli.
Money/Career:
Huwag ka na muna makialam sa problema ng ibang tao para hindi ka na madamay pa.
Lucky color: Black
Lucky number: 22
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka masyadong maglaan ng maraming oras sa iyong mga gawain. Maglaan ka rin ng oras sa iyong mga kaibigan at pamilya.
Love:
Couples: Huwag kang magpapressure sa relasyon ng ibang tao. Kung saan kayo kumportable, iyon na lang ang gawin ninyo.
Money/Career:
Maaaring may ma-cancel kang lakad dahil may chance na may biglang mag-appear na problema.
Lucky color: Brown
Lucky number: 27
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka na maghanap ng mali sa ibang tao. Magconcentrate ka na lamang kung paano mo maiimprove ang iyong sarili.
Love:
Singles: Mukhang malalaman mo na kung ano ba talaga ang hanap mo sa iyong future partner. Magstick ka rito para hindi ka na malito.
Money/Career:
Kung proud ka sa iyong trabaho, tiyak na lalabas ito sa iyong mga gawain.
Lucky color: Cream
Lucky number: 27
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto o kaya’y maghanap ng online deals.
Love:
Couples: Mukhang panahon na para ilevel up ninyo ang inyong relasyon, lalo na kung wala naman kayong pinoproblema.
Money/Career:
Ito na ang tamang oras para bilhin mo ang isang bagay na matagal mo nang pinag-iipunan.
Lucky color: White
Lucky number: 4
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mong gawin ang isang bagay na dapat ay matagal mo nang sinimulan at maaaring matapos mo rin ito kaagad.
Love:
Singles and Couples: Maglaan muna kayo ng panahon para sa inyong pamilya ngayong araw. Mag-isip ka ng activity na pwede ninyong gawin.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagsusulat ang trabaho.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 24
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka kaagad magpanic sa mga nangyayari sa iyong paligid. Hindi mo man gusto ang ilan sa mga ito, hindi mo dapat ito ipahalata sa iba.
Love:
Singles: Kung may pagtingin ka talaga sa isang tao, dapat ay habaan mo ang iyong pasensiya sa kanya.
Money/Career:
Kung may balak kang bumili ng isang property, mukhang ito na ang tamang panahon para gawin mo ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang maraming tao ang handang tumulong sa problema mo. Mamili ka lang kung sino sa kanila ang pinakamaasahan mo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para bumawi ka sa iyong partner sa mga panahon na naging busy ka.
Money/Career:
Huwag mo agad ijudge ang isang bagay lalo na kung hindi ka naman talaga pamilyar dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Huwag mo na ipilit ang isang bagay kung hindi mo naman talaga ito kaya. Ipaubaya mo na lamang ito sa iba.
Love:
Couples: Mukhang may malaking chance na maging stable ang inyong relasyon, kaya naman makakapagrelax ka kahit na papaano.
Money/Career:
Sulitin mo ang makukuha mong free time ngayong araw. Gamitin mo ito para makapagpahinga ka.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 27
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Subukan mong ischedule ang iyong mga gawain para naman hindi ka nalilito kung alin sa mga ito ang dapat mong unahin.
Love:
Singles: Kung naghahanap ka ng iyong magiging partner, subukan mong umattend sa mga event at baka makita mo siya roon.
Money/Career:
Huwag ka masyadong confident sa iyong sarili na matatapos mo ang isang bagay kung hindi mo naman ito sinisimulan kaagad.
Lucky color: Purple
Lucky number: 22