Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung may inutos sa iyo, gawin mo na ito kaagad. Huwag mo na ito idelay kung ayaw mong matambakan ka ng gagawin.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para itreat mo ang iyong partner. Ilibre mo siya sa kanyang fave na resto.
Money/Career:
Kung may balak kang magresign sa iyong trabaho, gawin mo ito lalo na kung sure na meron kang malilipatan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mahirap man ang buhay mo sa ngayon, tibayan mo lang ang iyong loob dahil darating din ang time na makakapagrelax ka.
Love:
Singles: Kung hindi mo talaga gusto ang isang tao na nagkakagusto sa iyo, marahil ay ipaalam mo na ito sa kanya kaagad para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag kang mahiya sa isang bagay na ikaw ang gumawa. Kung hindi mo gusto ang resulta nito, dapat ay ginagawan mo ito ng paraan.
Love:
Couples: Mukhang ito na ang tamang panahon para ilevel up ninyo ang inyong relasyon. Pero kung hindi ka pa handa, ipaalam mo ito sa iyong partner.
Money/Career:
Kung hindi mo naman talaga gusto ang iyong trabaho, may malaking chance na hindi ka magtagal rito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag kang mag-alala sa gawain ng ibang tao. Tiyak naman na alam nila ang kanilang ginagawa kaya magrelax ka lang.
Love:
Couples: Kung meron kang gusto, sabihin mo ito sa iyong partner. Pero huwag ka masyadong malungkot kung hindi ka niya kayang pagbigyan.
Money/Career:
Huwag mong hayaang masira ang araw mo lalo na kung wala talagang common sense ang iyong mga katrabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May chance na maging emosyonal ka ngayong araw. Kaya naman iwasan mo munang magkwento sa ibang tao at baka hindi mo mapigilan ang iyong bibig.
Love:
Couples: Kung nakukulangan ka sa status ng inyong relasyon sa ngayon, marahil ay panahon na para gumawa ka ng paraan.
Money/Career:
Tiyak na mahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain lalo na kung panay ang istorbo sa iyo ng ibang tao.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 10
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may makukuha kang pera ngayong araw. Mag-ingat ka lang at baka magastos mo ang lahat ng ito at wala ng matira sa iyo.
Love:
Couples: Kung masyadong demanding ang iyong partner, pagsabihan mo siya para naman hindi na sumakit ang iyong ulo.
Money/Career:
Kung meron kang hindi naiintindihan, huwag kang mahiyang magtanong sa iyong boss.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maaaring magkaroon ka ng problema sa ilan sa iyong mga gawain, kaya naman may chance na hindi mo matapos ang mga ito on time.
Love:
Singles: Panahon na para i-let go mo ang isang bagay na pumipigil sa iyo para makapagmove on. Kaya mo iyan, tiwala lang.
Money/Career:
Maaaring may makuha kang payment ngayong araw sa isang bagay na iyong ginawa.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maging honest ka sa sarili mo. Huwag mong pagtakpan ang isang tao lalo na kung malaki ang kanyang kasalanan.
Love:
Singles: Kahit na naghahanap ka ng partner, kung palagi ka namang busy, hindi ka rin magkakaroon ng sapat na oras para sa kanya.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa mga pwede mong masabi ngayong araw para wala kang maoffend na tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong mahilig sa art. Panahon na para ipakita mo ang iyong talent sa mas maraming tao.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero mag-ingat ka lang dahil mukhang hindi mo kakayanin ang attitude niya.
Money/Career:
Kung meron kang problema sa pera, gawan mo ito kaagad ng paraan para hindi na ito lumala pa.
Lucky color: Brown
Lucky number: 24
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may matatanggap ka na good news tungkol sa iyong bahay. Marahil ay panahon na para magparenovate kayo.
Love:
Couples: Maganda na meron pa rin kayong privacy sa inyong relasyon. Hindi mo kailangang alamin ang lahat ng bagay tungkol sa iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa alahas ang trabaho.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung nahihirapan kang gumawa ng desisyon, magdoble ingat ka dahil maaaring maging malaki ang epekto ng gagawin mong pasya.
Love:
Couples: Kailangan mong mag-adjust na muna sa iyong partner. Nahihirapan siya sa ngayon kaya naman huwag ka muna maging demanding masyado.
Money/Career:
Subukan mong tapusin ang iyong mga gawain sa umaga para pagsapit ng hapon ay halos wala ka ng gagawin.
Lucky color: Grey
Lucky number: 22
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Hindi mahalaga kung nanalo ka man o natalo. Ang importante ay binigay mo ang lahat ng iyong makakaya at hindi ka sumuko.
Love:
Couples: Kung meron kang problema sa ngayon, mas mabuting ayusin mo na ito bago pa lumala ang lahat.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka, pero siguraduhin mo na meron pa ring matitira na budget in case na merong emergency.
Lucky color: Green
Lucky number: 5