Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang pupuntahang importanteng meeting ngayong araw, dapat ay iwasan mo na maging late dito.
Love:
Couples: Kung may plano kayo ng iyong partner ngayong araw na umalis, may malaking chance na hindi ito matuloy.
Money/Career:
Kung may opportunity na dumating sa iyo, kunin mo agad ito lalo na at marami kang kakumpitensiya.
Lucky color: Cream
Lucky number: 29
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang mapapansin ka ng isang tao ngayong araw. Huwag ka masyadong masaya dahil malaki ang chance na may kailangan lang siya sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong mag-assume lalo na kung kakausapin ka ng crush mo. Huwag ka rin maging awkward sa kanya.
Money/Career:
Para mabawasan ang stress mo sa iyong trabaho, subukan mong makipagtawanan sa iyong mga kasama.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 13
Gemini (May 21 – Jun 20)
Makisama ka sa ibang tao. Pero kung hindi ka talaga kumportable sa kanilang ginagawa, umiwas ka na lang sa kanila.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para ayusin mo ang iyong mali lalo na kung nakaapekto ito nang malaki sa isang tao.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, magiging maswerte ang araw na ito para sa iyo.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 13
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung nahihirapan ka sa isang bagay, huwag kang mag-alala dahil may mga tao na handang magbigay ng tulong sa iyo.
Love:
Singles: Kung maghahanap ka ng partner, subukan mo ung kaparehas mo ng trabaho para madali kayo makapag-adjust sa isa’t-isa.
Money/Career:
May malaking chance na may matanggap ka ng pera ngayong araw.
Lucky color: Blue
Lucky number: 12
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na may matanggap ka na good news ngayong araw. Kung gusto mo itong ishare sa iyong pamilya, gawin mo ito.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para ayusin ninyo ng iyong partner ang anumang pagtatalo na nangyari kamakailan.
Money/Career:
Iwasan mo munang pumunta sa mall ngayong araw para hindi ka mapagastos bigla.
Lucky color: Violet
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi mo sigurado kung dapat mong gawin ang isang bagay, magtanong ka sa iyong mga kaibigan o sa isang tao na maaasahan mo.
Love:
Couples: Huwag mong susubukan ang pasensiya ng iyong partner, lalo na kung ayaw mong masira niya ang iyong araw.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong naghahanap ng trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 7
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong magmadali. Kung palagi mo itong gagawin, malaki ang chance na magkamali ka sa iyong mga ginagawa.
Love:
Singles: Makinig ka sa sinasabi ng ibang tao, lalo na kung makakatulong ito para mapansin ka ng iyong crush.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa health ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman sasakit ulit ang ulo ng mga tao na kakausap sa iyo.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging sweet ka sa iyong partner. Pwede mo siya masahiin para naman gumanda ang kanyang mood.
Money/Career:
May pagbabago na mangyayari sa iyong career, kaya naman paghandaan mo ito.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Talented ka naman talaga, kaya maganda ang araw na ito para ipagmalaki mo ito at ishare sa ibang tao.
Love:
Singles: Huwag kang makipagharutan sa oras ng trabaho. Maiinis lang ang iyong mga kasama kung palagi ka na lang petiks.
Money/Career:
Kailangan mong mag-adjust kaagad sa mga pagbabago na mangyayari sa iyong career.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag mong iwasan ang iyong mga gawain. Tapusin mo ang mga ito kaagad para magkaroon ka ng maraming free time pagkatapos.
Love:
Couples: Mukhang stable naman ang inyong relasyon. Mas mabuting maging consistent ka na lang sa iyong ginagawa.
Money/Career:
Okay lang naman na gumastos ka ngayong araw, lalo na kung kung gagamitin mo ang bibilhin mo para kumita ng pera.
Lucky color: Green
Lucky number: 17
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may planong kang gumala ngayong araw, yayain mo ang iyong mga kaibigan para mag-enjoy ka pang lalo.
Love:
Couples: Mukhang nagiging seryoso na talaga ang takbo ng inyong relasyon. Kung handa na kayong i-level up ang inyong pagsasama, gawin ninyo na ito.
Money/Career:
Kahit na magaling ka sa iyong trabaho, hindi maiiwasan na madelay pa rin ang iyong mga gagawin.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang kukulangin ka sa iyong mga gamit, kaya may chance na hindi mo matapos ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Huwag mong kalimutang suportahan ang mga desisyon ng iyong partner, kahit na tutol ka sa ilan sa mga ito.
Money/Career:
Ingatan mo ang iyong mga gawain at may chance na siraan ka ng isang tao sa iyong trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 6

