Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong hayaang tamarin ka ngayong araw. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman simulan mo na ang mga ito habang maaga pa.
Love:
Couples: Huwag ka magalit agad sa iyong partner, lalo na kung meron siyang nagawang mali sa iyo. Alamin mo muna kung bakit niya ito nagawa.
Money/Career:
Kung gusto mong magtrabaho na lamang sa bahay, marahil ay panahon na para gawin mo ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Taurus (Apr 20 – May 20)
Marami kang gustong gawin. Pero kung papabayaan mo ang iyong katawan, manghihina ka at hindi mo matatapos ang iyong mga nasimulan.
Love:
Singles: Huwag ka masyadong OA sa mga mangyayari sa iyo ngayong araw, dahil may chance na meron kang ma-offend na tao.
Money/Career:
Hindi mo kailangan iimpress ang iba sa iyong trabaho dahil magaling ka naman talaga sa iyong mga gawain.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong hayaang maipit ka sa isang sitwasyon na wala ka naman talagang kinalaman. Umalis ka kaagad dito habang maaga pa.
Love:
Singles: Mukhang malapit mo na makita ang taong nakatadhana sa iyo. Kailangan mo na lamang magbigay ng atensiyon sa iyong paligid.
Money/Career:
Huwag mong hayaang maging mayabang ka sa iyong mga katrabaho para hindi mag-iba ang turing nila sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 29
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Bago mo gawin ang isang desisyon, subukan mo munang ilapit ito sa ibang tao para malaman mo ang kanilang opinyon.
Love:
Singles: Siguraduhin mo muna kung gusto mo talagang pumasok sa isang relasyon, dahil may mga bagay ka na hindi na magagawa kapag ikaw ay may partner.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap ka na advice mula sa iyong kaibigan ngayong araw. Sundin mo siya dahil meron siyang point.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Ito na ang tamang panahon para bawas-bawasan mo ang iyong paggastos. Huwag ka muna tumingin ng mga nakasale online para hindi ka matrigger.
Love:
Singles: Subukan mo munang makipag-kaibigan sa taong nagugustuhan mo para mas lalo mo pa siyang makilala.
Money/Career:
Huwag mong hayaang ma-stuck ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman talaga gusto.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang may kaibigan kang magsi-share ng sikreto sa iyo. Gawin mo ang lahat para hindi mo ito ipagkalat sa iba.
Love:
Couples: Pagbigyan mo muna ang iyong partner sa kanyang requests para hindi ka na niya kulitin pa.
Money/Career:
Kung naghahanap ka ng trabaho, maaaring merong maioffer sa iyo ang iyong kaibigan.
Lucky color: Black
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maging sensitive ka sa nararamdaman ng ibang tao. Pakinggan mo rin ang sasabihin nila para aware ka sa kanilang feelings.
Love:
Singles: May malaking chance na maging moody ka ngayong araw, kaya naman mahihirapan ang ibang tao na pakisamahan ka.
Money/Career:
Huwag kang magreklamo masyado kapag ikaw ay nasa iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung gusto mong ma-inspire sa iyong buhay, subukan mong magsimba at humingi ka ng guidance kay Lord.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para i-treat mo ang iyong partner. Maaari mo siyang dalhin sa kanyang favorite na resto.
Money/Career:
Sundin mo ang mga bagay na iuutos sa iyo. Huwag ka muna maging pasaway para hindi ka na mapagalitan.
Lucky color: Black
Lucky number: 2
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka muna gumawa ng isang desisyon na hindi mo namang pinag-isipan nang mabuti. Maaaring magsisi ka lamang sa huli.
Love:
Singles: Subukan mong umattend sa events at seminars para marami kang makilalang mga tao. Makipagsocialize ka sa iba.
Money/Career:
kahit na nagtitipid ka, hindi mo pa rin maiiwasan na gumastos kahit papaano.
Lucky color: Green
Lucky number: 20
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may tao na makikibalita sa iyo. May malaking chance na nakikitsismis lang siya sa iyo kaya huwag mo na lamang siya pansinin.
Love:
Couples: Mukhang malulutas mo na ang isang problema na hinaharap ninyo sa inyong relasyon. Gawin mo kung ano ang dapat mong gawin.
Money/Career:
Magiging maswerte ka ngayong araw dahil may chance na mabawi mo na ang perang nawala mo dati.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 13
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Harapin mo ang isang tao, kahit pa magiging awkward ito para sa iyo. Kung ito lamang ang natatanging solusyon, gawin mo na ito.
Love:
Couples: Subukan mong iopen up sa iyong partner ang iyong problema. Malay mo, mabigyan ka pa niya ng isang magandang advice.
Money/Career:
May malaking chance na umalis ka sa iyong trabaho para maghanap ng iba.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magcommit ka sa bagay na talagang gusto mong gawin. Huwag mong hayaang pilitin ka ng iba sa bagay na hindi mo naman gusto.
Love:
Couples: Kung handa ka na para ilevel up ang inyong relasyon, gawin mo na ito habang maaga pa.
Money/Career:
Maging positive ka lang palagi. Mas magiging maganda ang mood mo kung palagi mo itong gagawin.
Lucky color: Clear blue
Lucky number: 30