Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang naisip at sa tingin mo na ito ay isang magandang ideya, huwag kang mahiyang gawin ito o kaya’y isuggest sa iba.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Magplan ka ng isang intimate dinner para sa inyong dalawa.
Money/Career:
Seryoso ka sa iyong trabaho. Pero minsan, kailangan mo ring tumawa para mabawasan ang iyong stress sa katawan.
Lucky color: Silver
Lucky number: 20
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may haharapin kang sitwasyon ngayong araw na kakailanganin mong asikasuhin. Huwag mong hayaang lumaki pa ito.
Love:
Couples: May malaking chance na mairitia ka sa mga ikikilos ng iyong partner ngayong araw. Pagsabihan mo siya lalo na kung naiinis ka na.
Money/Career:
May malaking chance na may tulong na dumating sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka matakot gumawa ng desisyon. Kung malakas naman ang kutob mo na gagana ito, subukan mo itong gawin.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero malaki ang chance na kaibigan lang talaga ang turing mo sa kanya.
Money/Career:
Kung may malaking opportunity na dumating sa iyo, kunin mo ito kahit pa kakailanganin mong iwan ang iyong kasalukuyang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Nakikita na sa mukha mo na talagang pagod ka na. Kung magkakaroon ka ng pagkakataon para makapagpahinga, gawin mo ito.
Love:
Couples: Huwag ka muna magmadali sa paggawa ng desisyon. Pag-isipan mo muna itong mabuti para hindi ka magsisi sa huli.
Money/Career:
Kung may balak kang pumasok sa isang investment, siguraduhin mo muna na legit ito para hindi ka ma-scam.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka magpanic sa mga pagbabago na nararanasan mo ngayon. Magrelax ka lang at makakasanayan mo rin ang mga ito.
Love:
Couples: Okay lang naman na maging busy ka sa iyong mga gawain, pero huwag mong kalimutan na kamustahin kahit papaano ang iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may taong magbigay sa iyo ng isang regalo ngayong araw.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magtiwala ka muna sa iyong mga kutob at hinala, dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Matagal mo na siyang kilala, pero may malalaman kang bago tungkol sa kanya na magpapabago sa turing mo sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa kotse ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may taong idadamay ka sa isang problema. Kaya kung meron kang chance na makaiwas dito, gawin mo ito habang maaga pa.
Love:
Couples: Iwasan mo na maging pasaway sa iyong partner para naman hindi na siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang iexpress ang sarili mo sa ibang tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka muna mainip dahil tiyak na magkakaroon ka ng chance sa isang bagay na talagang gustong gusto mong gawin.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong iinvade ang privacy ng iyong partner. Maganda sa isang relasyon na meron pa rin kayong space para sa isa’t-isa.
Money/Career:
Kung kailangan mong magsimula ulit sa umpisa, gawin mo ito lalo na kung makakatulong ito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kailangan mo munang mag-adjust sa isang tao ngayong araw, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para magmahal muli, pero hindi mo naman kailangang magmadali para rito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Makinig ka sa sinasabi ng iyong mga kutob at hinala, lalo na kung meron kang problema na may kinalaman sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Mukhang kailangan mo munang asikasuhin ang ibang bagay na importante bago ka magbigay ng atensyon sa iyong partner.
Money/Career:
Kung pataas nang pataas ang pamasahe mo kada-araw, marahil ay mas maganda kung sa bahay ka na lamang magtatrabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang may magandang balita ka na matatanggap ngayong araw. Ikaw na ang bahala kung gusto mo itong ishare sa iyong pamilya.
Love:
Singles: Kung naging busy ka kamakailan, mukhang magkakaroon ka na ng panahon ngayong araw para makapagrelax kahit papaano.
Money/Career:
Kung hindi na nakakatulong sa iyo ang isang tao, marahil ay panahon na para siya ay iyong pakawalan.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mag-ingat ka sa iyong mga kilos ngayong araw, dahil may malaking chance na meron kang taong masaktan.
Love:
Singles: Mukhang makikita mo ang taong nakalaan para sa iyo sa isang event na iyong balak na puntahan.
Money/Career:
Makakaisip ka na rin sa wakas ng paraan kung paano ka kikita ng mas marami pang pera.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 28