Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maging open-minded ka sa suggestions ng ibang tao. Makinig ka sa kanila dahil panigurado na meron silang point.
Love:
Couples: May gagawin ang iyong partner at tiyak na ikaiirita mo ito. Mas mabuting umiwas ka muna sa kanya ngayong araw.
Money/Career:
Hindi nakakapagtaka na blessed ka dahil talaga namang mabait ka sa iyong kapwa.
Lucky color: Grey
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka muna makipagsugal ngayong araw dahil may malaking chance na malasin ka at maubos lang ang iyong pera.
Love:
Couples: Intindihin mo na lamang ang iyong partner. Meron din siyang pinagdaraanan kaya naman hindi maiiwasan na maging moody siya minsan.
Money/Career:
Kung merong opportunity na dumating sa iyo, kunin mo agad ito lalo na kung feeling mo ay kaya mo naman ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 28
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging energetic ka sa araw na ito kaya naman marami kang gawain na matatapos kaagad. Magkakaroon ka rin ng extrang oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: May chance na makatanggap ka ng good news ngayong araw, kaya kung gusto mo magcelebrate, gawin niyo ito.
Money/Career:
Huwag ka masyado maging clingy sa isang tao lalo na kung hindi naman kayo close talaga.
Lucky color: Blue
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mag-ingat ka sa iyong mga sasabihin dahil may malaking chance na may ibang taong makarinig nito at ipagkalat sa iba.
Love:
Singles: Nandiyan lamang siya sa iyong paligid, pero hindi mo siya nakikita dahil busy ka sa ibang tao.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtravel ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag mong hayaang tamarin ka ngayong araw. Marami ka pang dapat na gawin kaya naman kumilos-kilos ka.
Love:
Couples: Mukhang magiging stable naman ang takbo ng inyong relasyon, kaya wala kang dapat ipag-alala.
Money/Career:
Ayusin mo kaagad ang problema mo sa iyong pamilya para hindi na ito makaapekto sa performance mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 2
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag kang gumawa ng isang bagay na ikaiirita ng iba. Tandaan mo na hindi lahat sa kanila ay may mahabang pasensiya.
Love:
Singles: Mukhang may tao kang nagugustuhan at may malaking chance na gusto ka rin niya. Huwag ka maging awkward sa tuwing magkasama kayo.
Money/Career:
Magkakaroon ka ng konting problema pagdating sa pera, pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman ito magtatagal.
Lucky color: Cream
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong mainipin ngayong araw. Habaan mo na lang ang iyong pasensya kung ayaw mong masira ang iyong mood.
Love:
Couples: May demands din naman ang iyong partner kaya kung pwede mo siyang pabigyan ay gawin mo para hindi na siya magtampo.
Money/Career:
Mukhang makakapagdecide ka na rin kung ano ba talaga ang dapat na gawin mo sa iyong career.
Lucky color: Orange
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang makakakuha ka ng advice mula sa isang tao ngayong araw. Sundin mo ang sasabihin niya at huwag na matigas ang ulo.
Love:
Singles: Huwag ka na mag-expect dahil masasaktan ka lang sa huli. Darating din ang tamang panahon para sa iyo kaya magchill ka lang.
Money/Career:
Mukhang mababawi mo rin ang nawalang pera sa iyo kaya naman huwag ka na masyadong malungkot.
Lucky color: White
Lucky number: 18
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Magbehave ka kapag may kasama kang ibang tao, para hindi naman sila maging awkward kapag malapit sila sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang may nagugustuhan ka sa isa sa iyong mga kaibigan. Huwag kang mag-alala dahil mukhang bagay naman kayo.
Money/Career:
Kahit na gusto mong umasenso, may mga tao talaga na mas gugustuhin na bumagsak ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung may opportunity na dumating sa iyo, kunin mo ito dahil may malaking chance na may ibang tao rin na interesado rito.
Love:
Couples: May malalaman kang bago tungkol sa iyong partner ngayong araw. Huwag kang mag-alala dahil hindi naman ito masama.
Money/Career:
Okay lang na sumunod ka sa ibang tao, pero huwag naman sana umabot sa point na nagpapauto ka na.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging maganda naman ang araw mo ngayon. Huwag mo lang istorbohin ang ibang tao lalo na kung busy sila.
Love:
Singles: Kung hindi ka naman pinapansin ng iyong crush, marahil ay panahon na para ibaling mo ang iyong atensyon sa iba.
Money/Career:
Kung may inumpisahan ka, gawin mo ang lahat para tapusin ito bago ka lumipat sa iba.
Lucky color: Silver
Lucky number: 27
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maaaring malito ka mga nangyayari sa iyong paligid, kaya naman bago ka gumawa ng desisyon, isipin mo muna itong mabuti para hindi ka magsisi sa huli.
Love:
Couples: Hindi naman perfect ang iyong partner. Kaya kung nagkamali man siya, huwag kang masyadong magalit lalo na kung hindi niya ito sinasadya.
Money/Career:
Maganda ang araw na ito para sumubok ka ng isang bagay na bago para sa iyo.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 15