Aries (Mar 21 – Apr 19)
Maganda ang araw na ito para gumimik ka kasama ng iyong mga kaibigan, lalo na kung masyado kang stressed dahil sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kung meron kayong problema, pag-usapan ninyo ito. Huwag ninyo nang hintayin pang lumaki at lumala ito.
Money/Career:
Mag-observe kang mabuti sa iyong paligid at tiyak na may malalaman kang bago tungkol sa isa sa iyong mga kasama.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag ka masyadong mag-alala sa iyong gagawin na desisyon. Kung hindi ka pa rin sigurado, humingi ka ng tulong sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Kung nagiging busy ka na sa iyong trabaho kamakailan, maaaring magtampo sa iyo ang iyong partner kung hindi mo siya bibigyan ng oras.
Money/Career:
Dahil sa iyong kasipagan, hindi malayong purihin ka ng iyong boss.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 18
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may malalaman kang sikreto mula sa iyong kaibigan ngayong araw. Gawin mo ang lahat para hindi ito ipagkalat sa iba.
Love:
Singles: Kung bored ka na, pumunta ka sa ilang events at baka may mameet kang tao na magugustuhan mo.
Money/Career:
Kung hindi ka na masaya sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para maghanap ka ng iba.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 27
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Gamitin mo ang iyong charm sa isang tao, lalo na kung meron kang favor na gustong ipakiusap sa kanya.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na kumain sa labas ngayong araw. Pumunta kayo as inyong fave na resto.
Money/Career:
Kung may matatanggap ka na advice mula sa isang tao, seryosohin mo ito.
Lucky color: Brown
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maaaring makatanggap ka ng isang regalo mula sa isang tao ngayong araw. Huwag mong kalimutang magpasalamat.
Love:
Singles: Kung gusto mo na talaga magkaroon ng kapartner, dapat ay hindi ka nahihiyang makipag-usap sa mga hindi mo kilala.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa isang gawain, humingi ka ng tulong sa ibang tao. Ilibre mo na lang sila pagkatapos.
Lucky color: Pink
Lucky number: 8
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit na mahirap ang haharapin mong problema, makakaisip ka naman ng solusyon para rito. Huwag ka masyadong mag-alala.
Love:
Couples: Mukhang magiging demanding ka ngayong araw at ipagtataka ito ng iyong partner. Mas makakabuti kung pagbibigyan ka na lang niya.
Money/Career:
Okay lang na tawanan mo ang iyong mga pagkakamali. Huwag ka masyadong magpastress at gawan mo na lamang ito ng paraan.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung merong taong tutulong sa iyo at papayuhan ka, sundin mo ito para naman gumanda-ganda ang status mo.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na magkabalikan kayo ng iyong ex, lalo na kung may damdamin pa kayo sa isa’t-isa.
Money/Career:
Mukhang magaling kang magplano ng events kaya kung meron kang balak na gumawa, umpisahan mo na kaagad.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag ka masyadong magpastress ngayong araw. Subukan mong maglibang para naman gumanda-ganda ang iyong mood.
Love:
Singles: Maglaan ka ng maraming panahon ngayong araw sa iyong pamilya, lalo na kung meron kayong balak na pumunta sa malayo.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para humanap ka ng sideline.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung masyadong mabigat ang iyong problema.
Love:
Singles: Kung hindi mo trip ang isang tao, sabihin mo na ito agad sa kanya para hindi na siya umasa.
Money/Career:
Kahit na gusto mo ang iyong trabaho, kung toxic naman ang iyong mga kasama ay mas mabuting lumipat ka na lang sa iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka masyadong mag-isip ng kung ano-ano ngayong araw. Magiging maayos din ang lahat kaya magrelax ka lang.
Love:
Couples: Kung hindi ka pa handa, huwag mong ipressure ang sarili mo. Ipaintindi mo na lamang ito sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang mahihirapan kang mag-ipon sa ngayon lalo na kung sunod-sunod ang iyong paggastos.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magtiwala ka muna sa iyong mga kutob at hinala, dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito ngayong araw.
Love:
Singles: Huwag kang magmadali. Tiyakin mo muna na gusto mo talaga ang isang tao bago mo siya ipursue.
Money/Career:
Ipakita mo sa ibang tao na kaya mong ihandle ang mga problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 12
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung hindi ka masaya lately, gawan mo ito ng paraan lalo na kung nakakaapekto na ito sa iyong mga gawain.
Love:
Couples: Kung meron kayong hindi pagkakaintindihan, pag-usapan na ninyo ito bago pa lumala ang sitwasyon.
Money/Career:
Kung hindi nagiging maganda ang status ng iyong career, marahil ay hindi talaga iyon ang dapat mong ginagawa.
Lucky color: Red
Lucky number: 15