Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung hindi ka na masyadong masaya sa isang bagay, dapat ay gumawa ka na ng paraan para masolusyunan ito.
Love:
Singles: Mukhang alam mo na sa iyong sarili kung ano nga ba talaga ang hinahanap mo sa isang tao na magiging iyong partner.
Money/Career:
Tandaan mo, huwag ka mandaya sa iyong mga gawain para lamang matapos ka kaagad.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung may taong kokontra sa iyo, huwag ka muna magalit sa kanya. Intindihin mo muna ang kanyang sinasabi at baka may point siya.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo pag-uusapan ang inyong mga problema, may malaking chance na mauwi lang sa hiwalayan ang inyong relasyon.
Money/Career:
Maghanda ka dahil meron sa iyong ibibigay na mabigat na gawain sa mga susunod na araw.
Lucky color: Green
Lucky number: 21
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang magiging energetic ka ngayong araw, kaya naman marami kang matatapos na mga gawain at magkakaroon ka pa ng oras para makapagpahinga.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong itsura o pananamit at baka sakaling may taong makapansin dito at purihin ka.
Money/Career:
Ayusin mo muna ang iyong budget bago ka maglaan ng pera sa isang investment.
Lucky color: Silver
Lucky number: 18
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kahit na subukan pa ng mga kaaway mo na pabagsakin ka, hindi nila ito magagawa dahil talaga namang matatag ka.
Love:
Singles: Hindi porke may concern siya sa mga ginagawa mo ay may gusto na siya sa iyo. Huwag masyadong mag-assume at baka masaktan ka lang.
Money/Career:
Hindi ka masyadong magkakaroon ng panahon magpahinga sa mga susunod na araw, kaya naman sulitin mo na sa ngayon.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may issue ka na dapat ayusin muna ngayong araw, para naman hindi na tumagal pa ang iyong stress.
Love:
Singles: Nandiyan lang ang pag-ibig sa iyong paligid. Kung nahihirapan kang hanapin ito, huwag kang mag-atubiling magtanong sa iyong mga kaibigan.
Money/Career:
Huwag mong takasan ang iyong trabaho dahil may malaking chance na mapagalitan ka ng iyong boss.
Lucky color: White
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magiging busy ka sa araw na ito, kaya naman umpisahan mo na habang maaga ang iyong mga gawain.
Love:
Singles: Kung meron kang gustong baguhin sa iyong sarili, gawin mo ito nang dahan-dahan para hindi naman mabigla ang ibang tao.
Money/Career:
Minsan, nakakabuti rin na meron kang inaaway para naman maliwanagan ka sa mga nangyayari sa iyong paligid.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
May malaking chance na maging awkward ka ngayong araw na ito sa harap ng isang tao. Baka dahil meron kayong past experience sa isa’t-isa.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang seryosong relasyon.
Money/Career:
Kung nagsisimula ka pa lang sa iyong career, maging consistent ka lang palagi sa iyong mga ginagawa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Huwag mong pakinggan ang mga tao na wala namang bilib sa iyong kakayahan. Maniwala ka sa iyong sarili.
Love:
Couples: Umuwi ka nang maaga at maghanda ka ng isang sorpresa para sa iyong partner. Pwede mo siyang ipagluto kung magaling ka.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at baka tamaan mo ang jackpot.
Lucky color: Black
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may malaking chance na tamarin ka at maging pasaway ka ngayong araw. Magiging sakit ka talaga sa ulo para sa ibang tao.
Love:
Couples: Hindi sapat na mahal ninyo lang ang isa’t-isa. Dapat ay may plano kayo para sa inyong relasyon.
Money/Career:
Kung sa tingin mo ay makakabuti sa iyo ang isang desisyon, gawin mo na ito kaagad.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may mga bagay na kokontra sa iyo ngayong araw, kaya habaan mo na lang ang iyong pasensya para hindi na masira ang iyong mood.
Love:
Couples: Importante na may maganda kayong communication ng iyong partner para maiwasan ang inyong pag-aaway.
Money/Career:
Kahit na matipid kang tao, nagagawa mo pa rin namang regaluhan ang iyong sarili paminsan-minsan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 11
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang katanungan, huwag kang mahiyang magtanong sa iba lalo na kung wala ka talagang ideya.
Love:
Singles and Couples: Maglaan kayo ng oras para sa inyong pamilya. Hindi porke busy kayo ay hindi na kayo mag-effort na mangamusta.
Money/Career:
Kung medyo nalulugi ka na lately, mukhang panahon na para gumawa ka ng paraan.
Lucky color: Grey
Lucky number: 2
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may chance na madelay ang iyong mga gawain. Huwag kang mag-alala dahil hindi mo naman ito kasalanan.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong maging demanding sa iyong partner. May mga bagay din siya na kailangang gawin kaya maghintay ka.
Money/Career:
Huwag ka masyadong mag-alala kung gusto mong magparty muna. Marami ka namang ipon eh.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 13