Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mukhang may malaking chance na makita mong muli ang isang taong naging bahagi ng iyong nakaraan. Mukhang may importante siyang sasabihin sa iyo.
Love:
Couples: Huwag ka basta-basta magagalit sa iyong partner, lalo na kung tungkol lang naman ito sa isang maliit na bagay.
Money/Career:
Mukhang marami ka pa ring dapat na gawin ngayong araw, kaya naman kukulangin ka ulit sa pahinga.
Lucky color: Red
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kahit na mukhang mahirap ang naisip mong ideya, subukan mong gawin ito lalo na kung feeling mo ay makakatulong ito sa iyo.
Love:
Couples: Maging positive ka lang, kahit na sadyang marami kayong problema na hinaharap sa ngayon.
Money/Career:
Huwag ka mag-alala sa mga bagay na hindi pa naman nangyayari.
Lucky color: Red
Lucky number: 20
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may matatanggap kang good news ngayong araw at may malaking chance na may kinalaman ito sa iyong bahay.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong seryoso. Hayaan mo na kulitin ka ng iyong partner para naman mabawasan ang iyong stress.
Money/Career:
Ipagpaliban mo muna ang iyong lakad ngayong araw lalo na kung hindi naman ito masyadong importante.
Lucky color: Black
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may mga bagay na talaga namang kokontra sa iyong magandang mood.
Love:
Singles: Magandang ideya na lumabas ka ngayong araw. Yayain mo ang iyong mga kaibigan at magsaya lang kayo buong maghapon.
Money/Career:
Kung meron kang bagay na planong bilhin, mukhang ito na ang tamang panahon para bilhin ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka magpabaya sa iyong mga gawain dahil may malaking chance na magkamali ka rito at uulit ka na naman sa umpisa.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya at huwag ka masyadong mairita sa mga ginagawa ng iyong partner.
Money/Career:
Kung meron kang problema sa iyong mga kasama, subukan mong kausapin sila at baka maayos naman ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 5
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang planong bilhin at meron ka na namang budget para rito, ito na ang tamang panahon para bilhin mo ito.
Love:
Couples: Huwag ka magpaapekto sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa inyong relasyon ng iyong partner.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ka ng lakas ngayong araw para tapusin ang iyong mga gawain.
Lucky color: Orange
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Talented ka naman at maganda ang iyong personality, kaya huwag ka mahiyang magpakitang- gilas sa harap ng iba.
Love:
Couples: May chance na stressed ngayong araw ang iyong partner, kaya naman gumawa ka ng paraan para mawala ito.
Money/Career:
Kung gusto mong dumami pa ang iyong mga naipon, subukan mong magbenta ng mga bagay na hindi mo na masyadong nagagamit.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Habaan mo lang ang iyong pasensiya, lalo na kung feeling mo ay hindi na magiging maganda ang araw mo.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay maghanap na ng taong makakasama mo sa buhay.
Money/Career:
Magrelax ka na muna ngayong araw lalo na kung nakakaramdam ka ng sobrang pagod.
Lucky color: Green
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Gawin mo lang kung ano ang gusto mong gawin, dahil walang bagay ang makakapigil sa iyo once na nasimulan mo na ito.
Love:
Couples: Kung wala ka naman masyadong lakad ngayong araw, mas mabuting magpahinga ka na lang muna.
Money/Career:
Subukan mong tapusin ang iyong chores sa umaga para maaga ka rin matapos.
Lucky color: cream
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung hindi mo kayang mag-isa ang iyong mga gawain, subukan mong humingi ng tulong sa iba. Huwag ka na mahiya.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para ilaan sa inyong mga pamilya. Magbonding muna kayo ngayong araw.
Money/Career:
Huwag ka magpabaya sa iyong trabaho, lalo na kung gusto mong mapromote.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung ayaw mong mapahamak, sabihin mo ang totoo kahit na gaano pa ito kasakit. At least, hindi ka makokonsensya.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo, pero hindi mo siya napapansin dahil nakafocus ka sa ibang tao.
Money/Career:
Huwag ka mawalan ng pag-asa lalo na kung sa tingin mo ay walang patutunguhan ang iyong efforts.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Maraming opportunities ang darating sa iyo, pero kunin mo lang ang sa tingin mong paglalaanan mo ng maraming panahon.
Love:
Singles: May malaking chance na mahulog ang loob mo sa isang foreigner. Huwag kang mag-alala dahil mukhang bagay naman kayo.
Money/Career:
Huwag ka basta-basta gumawa ng desisyon nang hindi mo pinag-iisipan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7