Aries (Mar 21 – Apr 19)
Hayaan mong ang ibang tao na gawin kung ano ang gusto nila. Malalaman din naman nila kung tama o mali ang ginagawa nila.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nahuhulog sa isang tao at mukhang ganun din naman siya sa iyo.
Money/Career:
Dapat ay galingan mo sa iyong trabaho. Magpakitang-gilas ka lalo na kung nanonood ang iyong boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mag-ingat ka sa iyong mga kakainin ngayong araw dahil may malaking chance na sumakit ang iyong tiyan.
Love:
Couples: Mukhang magtatampo na naman sa iyo ang iyong partner, lalo na kung madalas ka na lamang busy sa iyong mga gawain.
Money/Career:
Kahit na boring sa iyong trabaho, hindi ka pa rin dapat nagpapabaya.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kahit na meron kang gustong gawin, hindi mo ito matatapos lalo na kung limited lang talaga ang iyong resources.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para maghanap ka ng iyong magiging partner.
Couples: Kung handa ka na para ilevel up ang inyong relasyon, gawin mo na ito.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong trabaho, huwag kang mahiyang magtanong sa iyong boss.
Lucky color: Red
Lucky number: 2
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung may mga taong kumukontra sa iyo, mas mabuti kung hahayaan mo na lang sila lalo na kung wala namang basehan ang kanilang sinasabi.
Love:
Singles: Huwag ka na masyadong malungkot kung hindi naging maganda ang iyong recent date. Marami pa namang next time.
Money/Career:
Kung kaya mong tulungan ang iyong kasama, gawin mo ito lalo na kung hirap na hirap na talaga siya.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung meron kang kakilala na lilipat na sa malayo.
Love:
Couples: Mukhang may mga ginagawa ang iyong partner na bago para sa iyo. Huwag mo masyadong pansinin ang mga pagbabagong ito.
Money/Career:
Huwag mong dalhin sa iyong trabaho ang iyong mga personal na problema.
Lucky color: Purple
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung merong pinoproblema ang iyong kaibigan, mas mabuting pakinggan mo siya at bigyan mo siya ng payo kung kaya mo.
Love:
Singles: Kung naghahanap ka ng partner, ito na ang magiging lucky day mo.
Couples: Sumubok kayo ng isang bagay na bago para naman hindi maging boring ang inyong pagsasama.
Money/Career:
Gumastos ka lamang sa mga bagay na importante. Huwag ka muna maglaan ng pera sa iyong mga luho.
Lucky color: Red
Lucky number: 8
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang magiging tahimik naman ang araw mo ngayon at hindi ka maiistress masyado. Magkakaroon ka rin ng oras para makapagpahinga.
Love:
Couples: I-treat mo ang iyong partner ngayong araw sa kanyang favorite na resto. Pagkakataon ninyo na para kamustahin ang isa’t-isa.
Money/Career:
Kung meron kang pagkakamali dati, gawin mo ang lahat para hindi mo na ito maulit pa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Subukan mong makipag-usap sa mga taong kaparehas mo ng hilig. Marami kang matutunang bago mula sa kanila.
Love:
Singles: Mukhang magiging close ka sa isang tao na palagi kang pinapatawa. Marahil ay sign na ito para inyong dalawa.
Money/Career:
Hindi pa ito ang tamang panahon para magresign ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Gusto mo ang mga honest na tao. Kaya naman madali mong nalalaman kung nagsisinungaling ba ang isang tao sa iyo o hindi.
Love:
Singles: Kung lagi mong paiiralin ang iyong ego, mahihirapan ka talagang maghanap ng partner na magtitiyaga sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may sariling business.
Lucky color: Blue
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang gustong baguhin sa iyong sarili, gawin mo na ito kaagad at huwag mo na itong patagalin pa.
Love:
Couples: Kung masaya ka sa inyong relasyon, ipagpatuloy mo lang ito. Pero kung palagi ka na lamang stressed, mag-isip-isip ka na.
Money/Career:
Huwag ka na magsayang ng oras sa mga walang kwentang bagay.
Lucky color: White
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may problema ka sa iyong pamilya, ayusin mo muna ito bago mo pagtuunan ng pansin ang ibang bagay.
Love:
Couples: Okay lang naman na maging stressed paminsan-minsan. Ibig sabihin lang nun ay talagang may care ka.
Money/Career:
Huwag ka masyadong madaldal sa iyong trabaho dahil may chance na may masabi kang sikreto sa ibang tao.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka muna sumubok ng bagong paraan ngayong araw. Gawin mo na lang muna ang mga paraan na subok na.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na magustuhan ka ng taong nagugustuhan mo. Huwag ka lang gagawa ng bagay na ikakaturn-off niya.
Money/Career:
Kung masyadong malayo ang iyong trabaho, marahil ay mas mabuti kung lilipat ka muna ng matitirhan.
Lucky color: Green
Lucky number: 29

