Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag kang mangako sa isang tao lalo na kung merong pera na involved dito. Baka mapahiya ka lamang sa huli.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Regaluhan mo siya ng isang bagay na magugustuhan niya.
Money/Career:
Kung merong opportunity na dumating sa iyo, kunin mo ito kaagad at baka maunahan ka pa ng iba.
Lucky color: Green
Lucky number: 12
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung gusto mong gumala mamayang gabi, siguraduhin mo muna na matatapos mo ang iyong mga gawain ngayong araw.
Love:
Singles: Mag-ingat ka sa iyong mga sasabihin ngayong araw dahil may malaking chance na may tao kang maoffend.
Money/Career:
Importante sa iyo ang oras kaya naman ayaw na ayaw mo sa mga taong palaging late.
Lucky color: Orange
Lucky number: 16
Gemini (May 21 – Jun 20)
Dapat ay tinutupad mo ang mga bagay na ipinapangako mo sa ibang tao, lalo na kung ayaw mong magalit sila sa iyo sa huli.
Love:
Couples: Kailangan mo munang mag-adjust sa iyong partner. Kung masama ang pakiramdam niya, huwag mo na lang dagdagan ang kanyang stress.
Money/Career:
Kung meron mang tao na gusto kang pabagsakin, isipin mo na lang na naiinggit lang talaga sila sa achievements mo.
Lucky color: White
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maging honest ka sa mga gawa mo. Huwag ka mandaya para lamang umabot ka sa deadline na ibinigay sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para pumasok sa isang serious relationship. Kailangan mo na lang ipakita na available ka sa lahat.
Money/Career:
Huwag mong tanggapin ang isang bagay na inalok sa iyo lalo na kung feeling mo ay hindi ito legal.
Lucky color: Grey
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magiging confident ka ngayong araw, kaya naman mag-iiba ang tingin sa iyo ng nakararami.
Love:
Couples: Kung hindi ka mag-iingat, maaaring masira ang inyong relasyon at may chance na dahil ito sa isang third party.
Money/Career:
Huwag ka na mainggit sa achievements ng iba. Magsipag ka lang at magiging maganda rin ang status ng iyong career.
Lucky color: Purple
Lucky number: 14
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang walang makakapigil sa mga gusto mong gawin sa araw na ito. Mag-uumapaw ka sa energy kaya naman marami kang bagay na matatapos.
Love:
Singles: Mukhang may kaibigan kang lalapit sa iyo para humingi ng advice tungkol sa current relationship niya.
Money/Career:
Maging consistent ka lamang sa iyong trabaho at iwasan mong tamarin sa mga maliliit na bagay.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 2
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may malaking chance na tumama ang iyong mga kutob at hinala, kaya naman mas mabuting manalig ka muna sa mga ito.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, magmatyag ka muna sa kanyang mga ginagawa.
Money/Career:
Tumulong ka sa ibang tao kung gusto mo, pero huwag mo itong isusumbat sa kanila sa huli.
Lucky color: Green
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Panahon na para i-assess mo ang iyong sarili. Kung lagi ka na lamang disappointed sa mga ginagawa mo, dapat magbago ka na.
Love:
Couples: Hindi mo naman kasalanan kung hindi mo na masyado nakakasama ang iyong partner, lalo na kung sobrang demanding ng iyong trabaho.
Money/Career:
Paminsan-minsan, subukan mo ring kumuha ng
off para naman mabawasan ang stress mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mas mabuti kung susundin mo muna ang iyong mga kutob at hinala ngayong araw, dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Mukhang may tao kang maeencounter ngayong araw at may malaking chance na magugustuhan niya ang iyong personality.
Money/Career:
Kung meron kang plano na mag-invest, gawin mo na ito kaagad para masimulan mo na.
Lucky color: Silver
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magdahan-dahan ka lang. Huwag kang magmadali masyado dahil may malaking chance na magkamali ka kung gagawin mo ito.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Maghintay ka na lang muna.
Money/Career:
Kung may taong nagdi-disagree sa iyo, pag-aralan mong mabuti ang kanyang sinasabi at baka naman may point siya.
Lucky color: Blue
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang magiging okay naman ang umpisa ng araw mo, pero magiging hectic naman ito pagsapit ng hapon.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner na mamasyal sa malayo, lalo na kung matagal mo nang gustong pumunta sa lugar na iyon.
Money/Career:
May malaking chance na swertehin ka ngayong araw sa iyong career, kaya naman gawin mo ang lahat para hindi mawala ang iyong momentum.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 8
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung gusto mo talagang maging healthy, subukan mong lutuin ang iyong mga kakainin para naman macontrol mo ang iyong pagkain.
Love:
Singles: Subukan mong i-date ang isang tao na hindi mo talaga type. Malay mo, magustuhan mo rin siya sa huli.
Money/Career:
Gamitin mo ang pagiging charming mo para mapapayag ang isang tao sa iyong gusto.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 19