Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung nagtitipid ka, mas mabuting itodo mo na ito at huwag ka na muna sumama sa mga gimik ng iyong barkada.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipagtalo sa iyong partner ngayong araw lalo na kung panay ang kulit niya sa iyo.
Money/Career:
Magaling ka talaga sa iyong trabaho, kaya naman medyo sikat ka sa office ninyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 16
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung ano pa ang biglaan, iyon pa ang natutuloy. Kaya minsan mas mabuting hindi na lang magplano para hindi masayang ang oras mo.
Love:
Couples: Mukhang may problema kayo na paparating kaya naman mas makakabuti kung magiging mas matatag pa kayo.
Money/Career:
Maging mabait ka na lamang sa haters mo at tiyak na magsasawa rin sila sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung may balak kang simulan, gawin mo na ito habang maaga pa. Kung hindi mo ito sisimulan kaagad, baka tamarin ka lang sa huli.
Love:
Couples: Huwag mo masyadong i-spoil ang iyong partner at baka maging demanding siya paglipas ng panahon.
Money/Career:
May malaking chance na matapos mo ang mga gawain na ibibigay sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Orange
Lucky number: 4
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Lahat ng nakikilala mo ay may role sa iyong buhay. Pangit man o maganda ang kanilang dala, may idudulot silang lesson sa iyo.
Love:
Singles: Huwag ka na magpakahirap sa paghahanap ng taong makakasama mo dahil nandiyan lamang siya sa iyong paligid.
Money/Career:
Mukhang magiging tahimik naman ang araw mo sa iyong trabaho, kaya makakapagfocus kang mabuti sa iyong mga gawain.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 24
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Singles: Kung handa ka na para pumasok sa isang relasyon, gawin mo ito pero magpaalam ka muna sa iyong mga magulang.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mong sumali sa isang investment, magresearch ka muna rito bago ka pumayag.
Lucky color: Blue
Lucky number: 13
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung hindi ka satisfied sa mga nagawa mo sa ngayon, gawan mo na ito ng paraan habang may oras ka pa.
Love:
Couples: Huwag ka muna makipag-away sa iyong partner. Manatiling tahimik ka na lang para hindi na lumala pa ang sitwasyon.
Money/Career:
Bago ka gumawa ng desisyon sa iyong career, subukan mong humingi ng opinyon sa ibang tao.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi mo sigurado ang isang bagay pero gusto mo pa rin itong subukan, gawin mo ito at i-test mo ang iyong swerte.
Love:
Singles: Mukhang panahon na para kalimutan mo ang mga nangyaring masama sa iyo para na rin makamove-on ka na sa iyong buhay.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maingay dahil baka may makarinig sa iyong ibang tao at ireport ka.
Lucky color: Green
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kilalanin mo muna ang isang tao bago ka magtiwala sa kanya. Maniguro ka para hindi ka magsisi sa huli.
Love:
Singles: Kung may taong nakikipagflirt sa iyo, bantayan mong mabuti ang mga kilos niya at baka may balak lang siya na masama sa iyo.
Money/Career:
Kahit na mahirap ang iyong trabaho, magtiis ka na lang dahil makakatulong naman ito para sa iyong future.
Lucky color: Purple
Lucky number: 17
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Hindi makakatulong ang tigas ng iyong ulo para solusyunan ang isang problema. Maging open-minded ka naman sa ideya ng ibang tao.
Love:
Couples: May malaking chance na maging aggressive ang iyong partner ngayong araw. Subukan mo muna na pagbigyan siya sa mga gusto niya.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para magkaroon ng pagbabago sa iyong career.
Lucky color: Cream
Lucky number: 24
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Ito na ang tamang panahon para kumuha ka ng break sa iyong trabaho at subukang magpahinga para makabawi ang iyong katawan.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na makita mo na ang taong nakatadhana sa iyo. Huwag ka na lang magexpect ng sobra-sobra.
Money/Career:
Huwag mong ipush ang opinyon mo sa ibang tao dahil maiinis lang sila sa iyo kapag ginawa mo ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung may bagay na bumabagabag sa iyo, solusyunan mo na ito kaagad para hindi na sumakit ang iyong ulo sa kakaisip.
Love:
Couples: Kung may gala kayo ng iyong partner, may chance na hindi ito matuloy kaya huwag ka na masyadong maexcite.
Money/Career:
Habaan mo ang iyong pasensya sa iyong mga kasama dahil madalas hindi nila ginagamit ang kanilang common sense.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kahit na marami kang gawain, siguraduhin mo pa rin na magkakaroon ka ng oras para sa iyong pamilya.
Love:
Couples: Sanay ka namang ayusin ang iyong mga problema. Pero kung hahayaan mong tulungan ka ng iyong partner, mas magiging madali ang lahat.
Money/Career:
Maaaring may makita kang dating classmate at may chance na may ialok siya sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12