Aries (Mar 21 – Apr 19)
Mag-ingat ka sa mga kakainin mo ngayong araw, dahil may malaking chance na sumakit ang tiyan mo at masira ang araw mo.
Love:
Couples: Mukhang nagbati na kayo kamakailan ng iyong partner. Iwasan ninyo na kasing mag-away lalo na kung tungkol lang ito sa isang simpleng bagay.
Money/Career:
Kahit na kuripot ka, hindi naman masama na itreat mo ang iyong sarili paminsan-minsan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 26
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang makakapagrelax ka pa rin kahit na medyo hectic ang iyong schedule ngayong araw dahil tunay naman na magaling ka.
Love:
Singles: Mukhang ito na ang tamang panahon para ikaw ay maghanap ng taong makakapareha mo sa buhay.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para humanap ka ng bagong raket.
Lucky color: Grey
Lucy number: 23
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi maganda ang iyong pakiramdam, tiyak na mahihirapan kang tapusin ang iyong mga gawain sa araw na ito.
Love:
Couples: Mukhang tama ang kutob mo sa iyong partner. Magbantay ka muna sa kanya para lalo kang makasiguro.
Money/Career:
Kung gusto mo talaga makuha ang isang posisyon, dapat ay maipakita mo na talagang gusto mo itong makuha.
Lucky color: Purple
Lucky number: 11
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kailangan mong maging humble palagi lalo na kung ayaw mong mairita sa iyo ang iyong kaibigan. Bawasan ang pagiging mayabang.
Love:
Singles: Kung may balak kang makipagdate ngayong araw, mag-ingat ka dahil may malaking chance na pumalpak ito.
Money/Career:
Habaan mo na lang ang iyong pasensiya sa iyong mga kasama lalo na kung sobrang tamad nila.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang parami na nang parami ang nakakapansin sa iyo at sa iyong galing. Tandaan mo lang na huwag ka masyadong pakitang-gilas.
Love:
Couples: Huwag ka na makulit sa iyong partner. Gawin mo na lang ang gusto niya para naman hindi na siya mairita sa iyo.
Money/Career:
Kung meron kang gustong trabaho, mag-apply ka rito at baka makuha mo ito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 13
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang inspired ka sa araw na ito, kaya naman marami kang gawain na matatapos kaagad at magkakaroon ka rin ng oras para makapagpahinga.
Love:
Singles: Yayain mo ang iyong mga kaibigan para lumabas ngayong araw dahil may malaking chance na makasalubong mo ang iyong destiny.
Money/Career:
Huwag mong utuin ang isang tao para lamang gawin niya ang iyong gawain.
Lucky color: Orange
Lucky number: 29
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong magmadali. Kahit na marami kang dapat gawin, kung hindi ka mag-iingat, tiyak mauuwi din sa wala ang lahat.
Love:
Couples: Pagbigyan mo naman ang iyong partner na manalo sa inyong argumento para hindi na siya magtatampo sa iyo.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na makapag-abroad ka this year.
Lucky color: Pink
Lucky number: 23
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mong marealize na kung hindi mo ile-let go ang isang bagay, hindi ka talaga makakapagmove on.
Love:
Couples: Mukhang kailangan mo munang suportahan ang iyong partner, lalo na kung meron siyang malaking pinoproblema.
Money/Career:
Kung meron kang vacant time, gamitin mo ito para ikaw ay makapagpahinga.
Lucky color: Gold
Lucky number: 8
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang balak na gawin ngayong araw, simulan mo na ito habang maaga pa at hindi ka pa busy masyado.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging close ka sa iyong partner. Tanungin mo siya tungkol sa kanyang mga sikreto na pwede niyang ishare sa iyo.
Money/Career:
Kung hindi ka magiging updated, tiyak na mapag-iiwanan ka ng iyong mga kasama.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang event na pupuntahan, mas mabuting umalis ka nang maaga para naman hindi ka na ma-late.
Love:
Couples: Kailangan mong iadjust ang iyong attitude sa inyong partner para hindi na siya mastress pa sa iyo.
Money/Career:
Iwasan mong maging mainitin ang ulo tungkol sa mga maliliit na bagay.
Lucky color: Black
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang kailangan mo na gumawa ng desisyon ngayong araw, lalo na kung ayaw mo nang mahirapan pa sa huli.
Love:
Couples: Panahon na para maging seryoso ka sa inyong relasyon. Huwag mo palaging gawing biro ang inyong samahan.
Money/Career:
Kung hindi ka magmamadali, tiyak na matatambakan ka ng mga gawain.
Lucky color: Red
Lucky number: 19
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag ka muna humingi ng opinyon galing sa ibang tao. Ikaw na muna ang gumawa ng desisyon para hindi ka na manisi.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para sorpresahin mo ang iyong partner. Regaluhan mo siya para naman matuwa siya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagmamasahe ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 22