Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka muna magpadalos-dalos sa paggawa ng desisyon. Tiyakin mo muna kung may mabuti itong maidudulot sa iyo.
Love:
Singles: Mas mabuting magconcentrate ka muna sa iyong mga gawain o trabaho. Huwag mo muna isipin ang ibang tao.
Money/Career:
Kung merong bagong proyekto ang ibibigay sa iyo, dapat ay ipakita mo na karapat-dapat ka rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 13
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag kang mangako basta-basta sa isang tao lalo na kung hindi mo rin naman sigurado kung kaya mo itong tuparin.
Love:
Couples: Maging malambing ka sa iyong partner ngayong araw. Kung meron siyang gusto, subukan mong ibigay ito sa kanya.
Money/Career:
Kung masyado kang pagod, huwag ka muna umalis ng bahay at irelax mo muna ang iyong katawan.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag mong hayaang tamarin ka ngayong araw. Kung marami ka pang dapat na gawin, simulan mo ang mga ito kaagad.
Love:
Couples: May malaking chance na meron kayong pag-awayan ngayong araw. Mag-ingat ka lang sa iyong mga pwedeng masabi.
Money/Career:
Kung hindi ka satisfied sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para humanap ka ng sideline.
Lucky color: Pink
Lucky number: 22
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Pag-isipan mong mabuti ang iyong mga gagawin at baka magkamali ka at mas lalo pang lumala ang sitwasyon.
Love:
Couples: Panahon na para maging seryoso ka sa inyong relasyon. Iwasan mo na ang pagiging isip-bata.
Money/Career:
Kung talagang sure ka sa desisyon mo, magstick ka rito at huwag mo ito baguhin.
Lucky color: Red
Lucky number: 6
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may chance na maimbitahan ka sa isang malayong lugar, kaya naman mag-ipon ka na para makasama ka.
Love:
Couples: Kahit na hindi mo ito gusto, kailangan mo itong gawin para sa future ng inyong relasyon.
Money/Career:
Kung ikaw ay nasa trabaho, ipakita mo na hindi ka tinatamad at baka mahawa ang iba.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 27
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Maging masayahin ka ngayong araw. Marami kang dapat iappreciate sa buhay kaya doon ka dapat magconcentrate.
Love:
Couples: Kung handa na kayo, mukhang ito na ang tamang panahon para ilevel up ninyo ang inyong relasyon.
Money/Career:
Iwasan mo munang makipagtalo ngayong araw, dahil tiyak na ikaw lang ang maiinis sa dulo.
Lucky color: Black
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang gustong baguhin sa inyong bahay, ito na ang tamang panahon para gumawa ka ng hakbang para rito.
Love:
Singles: Mukhang kung sino pa ung hindi mo ineexpect, siya pa ang magkakagusto sa iyo. Mukhang ito na ang moment mo.
Money/Career:
Mukhang makakatipid ka talaga lalo na kung sa bahay lang ang trabaho mo.
Lucky color: Cream
Lucky number: 2
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may magbabago sa ugali mo at tiyak na maraming tao ang matutuwa rito. Nag-iimprove na rin sa wakas ang personality mo.
Love:
Singles: Kailangan mong alamin kung ano ang bagay na pumipigil sa iyo para makapagmove on at magkaroon ng peace of mind.
Money/Career:
Mukhang magiging hectic ang schedule mo sa mga susunod na araw kaya naman talagang kailangan mo ng pahinga.
Lucky color: Black
Lucky number: 20
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may sikreto ka na gustong sabihin sa iba, mas mabuting ipagpaliban mo muna ito dahil maaari itong mabago.
Love:
Couples: Mukhang stressed ka ngayon dahil sa iyong trabaho, kaya naman mas mabuting magpamasahe ka na lang sa iyong partner.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magtayo ng iyong sariling business, mas mabuting pagplanuhan mo na ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung gusto mong tumulong sa iyong kapwa, dapat ay wala kang hinihingi na kapalit. Kung tutulong, dapat tulong lang.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para bumawi ka sa iyong partner, lalo na kung naging busy ka kamakailan.
Money/Career:
Mukhang magiging stable naman ang iyong finances lalo na kung magiging consistent ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kontrolin mo ang iyong paggastos. Lalo na sa ngayon dahil may paparating kang malaking gastusin.
Love:
Singles: Hindi porke marami kayong similarities ay may chance na para maging kayo. Huwag ka masyadong umasa para hindi ka masaktan sa huli.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao.
Lucky color: Grey
Lucky number: 5
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag kang magmadali. Pag-isipan mo munang mabuti ang iyong mga gagawin para hindi ka magkamali.
Love:
Couples: Maging positive ka lang kahit na marami kayong problema sa ngayon. Tiyak naman na kakayanin ninyo ang mga ito.
Money/Career:
Huwag ka masyadong palautos. Kumilos-kilos ka rin naman minsan.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20