Aries (Mar 21 – Apr 19)
Bago ka gumawa ng aksyon, subukan mo muna itong ipakonsulta sa iba para malaman mo ang kanilang opinyon.
Love:
Couples: Panahon na para magdagdag ka ng oras para sa iyong partner. Huwag mo na hintaying magtampo siya sa iyo.
Money/Career:
Maglaan ka naman ng oras sa ibang bagay at hindi lang puro sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Magiging maswerte ka ngayong araw, lalo na kung may plano kang ilibre ang ilan sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Ayusin ninyo na agad ang issues sa inyong relasyon, lalo na kung gusto ninyong magtagal ang pagsasama ninyo.
Money/Career:
May chance na mabigyan ka ng advice ng isa sa iyong mga dating kaklase. Sundin mo ang sasabihin niya.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Gemini (May 21 – Jun 20)
Gamitin mo ang pagiging charming mo para matulungan ka ng isang tao sa isang bagay na hirap ka.
Love:
Singles: Kung sa tingin mo ay makakatulong sa iyo ang isang desisyon, gawin mo na ito kahit gaano man ito kakumplikado.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagsusulat ang trabaho.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 26
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang magagawa mo na solusyunan ang isang issue sa inyong pamilya, kaya naman mababawasan na ang sakit ng iyong ulo.
Love:
Couples: Intindihin mo muna ang iyong partner, lalo na kung meron siyang mabigat na pinagdaraanan.
Money/Career:
Magbudget ka muna sa ngayon, dahil may chance na may darating ulit na malaking paggastos.
Lucky color: Pink
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Gumawa ka ng something na bago ngayong araw, para naman hindi ka masyadong ma-bore at tamarin.
Love:
Couples: Kung may susubukang outfit ang iyong partner, huwag mo siyang pagtawanan at umagree ka na lang sa kanya.
Money/Career:
Kung wala ka pang trabaho, mukhang may darating na opportunity sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magtiwala ka muna sa iyong mga kutob at hinala ngayong araw dahil may malaking chance na magkatotoo ang mga ito.
Love:
Singles: Talasan mo ang iyong pakiramdam dahil may taong nagkakagusto sa iyo. Magmasid kang mabuti sa iyong paligid.
Money/Career:
Bago mo gawin ang isang bagay, isipin mo muna kung worth it ba itong gawin.
Lucky color: Purple
Lucky number: 26
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kailangan mong mag-ingat lalo na kung gagawa kang desisyon ngayong araw. Pag-isipan mo muna itong mabuti.
Love:
Singles: Mukhang may makikilala kang tao at tiyak na mahuhulog agad ang loob mo sa kanya. I-relax mo lang ang iyong sarili.
Money/career:
Mukhang poproblemahin mo ulit ang pera sa mga susunod na araw, kaya naman maghanda ka na.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 8
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Maaaring may mga pagbabagong dumating sa buhay mo. At kahit na anong gawin mo, hindi mo mapipigilan ang mga ito.
Love:
Singles: Kung may taong humingi sa iyo ng second chance, pagbigyan mo siya lalo na kung nagbago na talaga siya.
Money/Career:
Kung nahihirapan ka sa iyong mga gawain, huwag mo itong ipakita sa iyong boss. Humingi ka na lang ng tulong sa iyong mga kasama.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may balak kang iparenovate ang inyong bahay, mukhang ito na ang tamang panahon para simulan mo ito.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner at may chance na makatulong ito sa inyong problema.
Money/Career:
Huwag mong iwasan ang mga mahihirap na gawain. Gamitin mo ito bilang chance para magpasikat sa iyong boss.
Lucky color: Grey
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang marami ka pang dapat asikasuhin sa inyong pamilya, kaya naman isa-isahin mo na ang pagtapos sa mga ito.
Love:
Couples: Pagbigyan mo muna ang iyong partner sa kanyang gusto, kahit na masyado na siyang nagiging pasaway.
Money/Career:
Kahit na gusto mong umangat, may mga tao talaga na pipilitin kang hilahin pababa.
Lucky color: Blue
Lucky number: 16
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Bilisan mo ang pagtapos sa iyong mga gawain. Mukhang yakang-yaka mo naman ang mga ito lalo na kung magfofocus ka talaga.
Love:
Couples: Kung may ibibigay na advice ang iyong partner sa iyo, gawin mo ito lalo na’t makakatulong naman ito sa iyo.
Money/Career:
Maaaring ma-delay ang perang hinihintay mo, pero sure naman na darating ito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 21
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magconcentrate ka sa iyong mga gawain at magagawa mong makatapos nang maaga para naman maging mahaba-haba ang iyong pahinga.
Love:
Couples: Subukan mong baguhin ang iyong pananamit at may malaking chance na magustuhan ito ng iyong partner.
Money/Career:
Kung meron kang exam na haharapin, tandaan mo lang na kailangan ay maging confident ka sa iyong mga nalalaman.
Lucky color: Pink
Lucky number: 13