Aries (Mar 21 – Apr 19)
Baka ka gumawa ng desisyon, subukan mo munang iimagine kung may malaking chance ba na makatulong ito sa iyo.
Love:
Couples: Kung wala kayong gagawin sa gabi, mas maganda kung magrelax na lamang kayo para makabawi ang inyong katawan.
Money/Career:
Mukhang may magandang oportunidad na paparating sa iyo. Kailangan mo lang mapansin ito kaagad.
Lucky color: Brown
Lucky number: 7
Taurus (Apr 20 – May 20)
Igalang mo ang opinyon ng ibang tao. Okay lang naman na hindi mo sundin ang sinasabi nila, kaya huwag ka na lang magreact.
Love:
Singles: Nandiyan lang ang taong nakatadhana para sa iyo. Kailangan mo lang marealize iyon at huwag mo na pilitin ang taong wala namang pake sa iyo.
Money/Career:
Bago ka gumastos, siguraduhin mo muna na kailangan mo talaga ang bagay na bibilhin mo.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 23
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may taong magagalit sa iyo ngayong araw at may malaking chance na hindi mo alam ang dahilan kung bakit.
Love:
Couples: May chance na may third party na sumira sa inyong relasyon, lalo na kung isa sa inyo ay hindi faithful.
Money/Career:
Unahin mo muna ang problema sa inyong pamilya, para makapagconcentrate ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Tatagan mo lang ang iyong loob at tiyak naman na kahit pagsubok na darating sa iyo ay makakaya mo.
Love:
Couples: Kung bibigyan ka ng advice ng iyong partner, sundin mo na ito at huwag ka na kumontra pa.
Money/Career:
Huwag ka magpapressure sa iyong pamilya. Kung hindi ka pa handa, huwag mong pilitin ang iyong sarili.
Lucky color: Blue
Lucky number: 14
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang plano sa buhay, simulan mo ito kaagad para naman hindi masayang ang oras at efforts mo.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bago sa iyong partner at huwag ka muna magpanic sa matutuklasan mo.
Money/Career:
Kung tinatamad ka sa iyong trabaho, masamang sign ito at maaaring bumagsak ang iyong performance.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magagawa mong solusyunan ang isang problema at marami ang bibilib sa iyo dahil dito.
Love:
Couples: Huwag kang masyadong OA sa mga problema sa inyong relasyon. Magrelax ka lang at huwag mo gawing kumplikado ang lahat.
Money/Career:
Maaaring mapagbintangan ka sa isang kasalanan na hindi mo naman ginawa.
Lucky color: Green
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Pagplanuhan mong mabuti ang iyong mga gagawin, para hindi ka na nalilito kung ano ba dapat ang iyong inuuna.
Love:
Couples: Huwag ka maghanap ng problema sa inyong relasyon kung wala naman talaga. Huwag mong pahirapan ang iyong partner.
Money/Career:
Magpahinga ka muna ngayong araw. Huwag ka na muna gumala at magrelax na lamang sa bahay.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 13
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang may makakasalubong kang tao ngayong araw at may malaking chance na maging awkward ka sa kanya.
Love:
Couples: Kung meron kang hindi nagugustuhan sa iyong partner, subukan mo siyang kausapin nang mahinahon tungkol dito.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magtayo ng iyong sariling business, mabuting simulan mo na ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 13
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang project na gustong simulan, gawin mo na kaagad ito para naman matapos ka nang maaga.
Love:
Couples: Huwag kang mahiya sa iyong partner. Tiyak naman na susuportahan ka niya sa iyong mga gustong gawin.
Money/Career:
Kung kaya mong mag-adjust sa iyong mga katrabaho, gawin mo na lang ito para hindi ka na mahirapan pa.
Lucky color: Pink
Lucky number: 6
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magmuni-muni ka muna ngayong araw, lalo na kung medyo naguguluhan ka sa mga nangyayari sa iyong buhay.
Love:
Couples: Kung meron kang problema, ishare mo ito sa iyong partner at baka makatulong siya at mabigyan ka ng magandang payo.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maging clingy sa ibang tao, dahil baka maturn-off sila sa iyo.
Lucky color: Green
Lucky number: 24
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Subukan mo munang ilayo ang iyong sarili sa social media, lalo na kung masyadong toxic ang nakikita mo lately.
Love:
Couples: Kung meron kang hindi pagkakaintindihan ng iyong partner, pag-usapan ninyo ito kaagad para hindi na lumaki pa ang problema.
Money/Career:
Mukhang unti-unti nang nagiging maganda ang performance mo sa iyong trabaho, kaya naman may chance na mapromote ka in the future.
Lucky color: Red
Lucky number: 26
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang nagbago ka na nga talaga. Hindi ka na pasaway at nakikinig ka na rin sa sinasabi sa iyo ng ibang tao.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang lumaki pa ang inyong problema. Pag-usapan ninyo ito kaagad at matutong makinig sa bawat isa.
Money/Career:
Maging maingat ka sa iyong trabaho lalo na’t may pagbabagong darating dito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 25