Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung sisimulan mo agad ang iyong mga gawain sa umaga, tiyak na magkakaroon ka ng maraming oras sa hapon para makapagpahinga.
Love:
Couples: Subukan mong yayain sa isang fitness program ang iyong partner lalo na kung nagiging chubby na siya lately.
Money/Career:
Maging positive ka lang palagi at tiyak na magiging maganda ang araw mo.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 9
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mag-ingat ka sa mga pwede mong masabi, dahil may malaking chance na may tao kang ma-offend ngayong araw.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para umibig muli, pero hindi mo kailangang magmadali para rito. Take your time.
Money/Career:
Kung nakafocus ka sa iyong career, kailangan mong ipagpaliban ang ilan sa iyong mga plano.
Lucky color: Grey
Lucky number: 25
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maaaring masorpresa ka ngayong araw. Pero huwag kang masyadong mag-alala dahil mukhang maganda naman ito.
Love:
Couples: Naiintindihan ka naman ng iyong partner, kaya huwag ka na dapat mahiya sa kanya. Wala kang dapat ipag-alala.
Money/Career:
Hintayin mo muna na makapag-adjust ang ibang tao bago ka magdemand sa kanila.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 15
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Hindi mahalaga kung nagtagumpay ka man o hindi. Ang importante ay sinubukan mo at binigay mo ang lahat.
Love:
Couples: Mukhang kailangan mo na gumawa ng desisyon tungkol sa isang issue sa inyong relasyon.
Money/Career:
Iwasan mong maging mainitin ang ulo, lalo na kung ikaw ay nasa iyong trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 30
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang balak na bilhin, mukhang ito na ang tamang panahon para gawin ito. Huwag ka na magdalawang-isip pa.
Love:
Singles: Mukhang handa ka na para magkaroon ng love life. Tandaan mo lang na hindi mo kailangang pilitin ang iyong sarili kung ayaw mo pa.
Money/Career:
May malaking chance na may taong kumontra sa iyong mga plano lalo na kung gusto mong lumipat sa ibang company.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kahit ano pa man ang mangyari, dapat ay maging handa ka para rito. Ipakita mo sa ibang tao na madali ka makapag-adjust sa mga bagay-bagay.
Love:
Singles: Iignore mo na lang ang mga taong masyadong negative mag-isip. Hindi mo sila kailangan sa iyong buhay.
Money/Career:
May malaking chance na marami ang mainggit sa iyo lalo na kung maganda ang performance mo sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 28
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Maging honest ka dapat sa iyong mga gawain. Ang importante, malinis ang konsensiya mo kahit tutol ito sa gusto ng iba.
Love:
Singles: May taong makikipagflirt sa iyo, pero dapat ay mag-ingat ka sa kanya lalo na kung masyado siyang clingy.
Money/Career:
Mukhang unti-unti kang nagiging blessed dahil may taong nagdarasal para sa iyo.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 13
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Dapat ay alamin mo na kung ano ba talaga ang gusto mong gawin sa iyong buhay, para naman hindi masayang ang iyong oras.
Love:
Singles: Mukhang may makikilala kang taong may sense of humor. Hindi man siya ang ineexpect mo, mukha namang magki-click kayo.
Money/Career:
Kung meron kang matatanggap na pera ngayong araw, huwag mong kalimutang magpasalamat.
Lucky color: Pink
Lucky number: 15
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Maaaring maguluhan ka sa mga nangyayari sa iyong paligid ngayong araw. Kung hindi mo alam ang dapat mong gawin, sumunod ka na lamang sa agos.
Love:
Couples: Kausapin mong mabuti ang iyong partner lalo na kung meron siyang desisyon na hindi mo nagugustuhan.
Money/Career:
Kung gusto mong magkaroon ng promotion, subukan mong kausapin ang iyong boss tungkol dito.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Magfocus ka sa mga bagay na gusto mong gawin, para naman maging sulit ang araw na ito para sa iyo.
Love:
Couples: Kung meron kayong planong magsimula na ng isang pamilya, gawin niyo ito kung handa na kayo.
Money/Career:
Mukhang may katrabaho kang aalis na sa kanyang trabaho, kaya naman chance mo na ito para irecruit ang kakilala mo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 18
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
May malaking chance na hind mo masunod ang iyong schedule, lalo na kung hindi mo matapos ang iyong mga gawain.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang maging boring ang inyong relasyon. Gumawa kayo ng paraan para makontra ito.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 13
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Magiging maganda ang araw na ito para sa mga taong may kinalaman sa visual arts ang hilig. Chance mo na ito para ipakita ang iyong talento.
Love:
Couples: Suportahan mo ang iyong partner, lalo na kung meron siyang gagawin na mahalaga para sa kanya.
Money/Career:
Huwag mong hayaang makontrol ka ng ibang tao. Gumawa ka ng sarili mong desisyon.
Lucky color: Red
Lucky number: 28