Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka masyadong sensitive sa mga sinasabi sa iyo ng ibang tao. Maaaring hindi naman talaga sila seryoso sa kanilang sinasabi.
Love:
Singles: Huwag ka muna makialam sa love life ng ibang tao, lalo na kung ayaw mong madamay sa kanilang away.
Money/Career:
Kung meron kang planong pumasok sa isang investment, mas makakabuti kung ipagpapaliban mo muna ito.
Lucky color: Rose
Lucky number: 28
Taurus (Apr 20 – May 20)
Umiwas ka muna sa mga malalamig na pagkain, lalo na kung ayaw mong sumakit ang tiyan mo. Magdahan-dahan ka rin muna sa pagkain.
Love:
Couples: Mag-isip ka ng activity kung saan makakabonding mo ang iyong partner para naman hindi siya magtampo sa iyo.
Money/Career:
Tulungan mo rin ang mga taong tumutulong sa iyo. Dapat ay marunong ka ring makisama.
Lucky color: Blue
Lucky number: 6
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung merong bagay na gumugulo sa iyong isipan, subukan mo itong ishare sa iyong kaibigan at baka mapayuhan ka niya ng tama.
Love:
Couples: Huwag mong hayaang magbago ang iyong partner para lamang sa iyong pansariling interes. Dapat ay tanggap mo siya kung sino siya talaga.
Money/Career:
Iwasan mo munang gumastos ng malaki ngayong araw. Ipagpaliban mo muna ito.
Lucky color: Blue
Lucky number: 29
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring may matanggap kang magandang balita ngayong araw at may chance na matuwa rito ang iyong pamilya.
Love:
Couples: Kontrolin mo ang iyong emosyon, lalo na kung ayaw mong mailabas ito sa iyong partner. Huminahon ka lang kasi.
Money/Career:
Mukhang mapapagastos ka na naman ngayong araw, pero ito ay dahil sa gusto mo lang at hindi dahil sa ito ay kailangan mo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may taong makikibalita sa iyo. Mag-ingat ka dahil mukhang gusto niya lang makasagap ng tsismis galing sa iyo.
Love:
Couples: Kung may taong nagfiflirt sa iyo, huwag mo na lang itong pansinin. Dapat ay maging faithful ka sa iyong partner.
Money/Career:
Gumastos ka lamang sa mga bagay na talagang kakailanganin mo.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magkakaroon ka ng maraming idea ngayong araw. Pero sa dami nito, mahihirapan ka naman kung alin ba sa mga ito ang dapat mong simulan.
Love:
Couples: Subukan mong hingin ang tulong ng iyong partner para masolusyunan ang kasalukuyan mong pinoproblema.
Money/Career:
Kahit na magaling ka naman sa iyong trabaho, hindi talaga maiiwasan na tatamarin ka rin minsan.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 26
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Ipakita mo sa ibang tao na seryoso ka at hindi ka nagbibiro. Ito na ang panahon para sila ay pabilibin mo.
Love:
Couples: Mukhang may paparating ka na problema at tiyak na mahihirapan kayong dalawa na gawan ito ng solusyon.
Money/Career:
Kung gusto mong maging successful pa at hindi ito kayang ibigay ng iyong current company, marahil ay panahon na para lumipat ka sa iba.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kailangan mong magtiwala sa isang tao ngayong araw, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Couples: Huwag kang masyadong OA. Simple lang naman ang dapat mong gawin, kaya huwag ka na mag-isip pa ng kung ano-ano.
Money/Career:
Kailangan mong mag-effort pa ngayong araw dahil may malaking chance na maging hectic ang iyong schedule.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 23
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka aaksyon kung hindi ka naman sigurado sa magiging epekto nito. Pag-aralan mo muna ang sitwasyon.
Love:
Couples: Tulungan mo ang iyong partner na mag-adjust sa mga pagbabago sa inyong samahan. Habaan mo rin ang iyong pasensya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang bagay na talagang gusto, dapat ay ibigay mo ang best mo rito para makita ng iba na worth it talaga ito.
Love:
Singles: Mukhang kahit anong gawin mo ay hindi ka pinapansin ng iyong crush. Mabuting ibuhos mo na lang ang iyong atensyon sa iba.
Money/Career:
Dahil sa iyong kasipagan sa trabaho, may malaking chance na may matanggap kang bonus.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung hindi ka mag-iingat, maaaring maubos ang iyong mga naipon bago mo pa mabayaran ang mga bagay na importante.
Love:
Couples: Gawin ninyong special ang araw na ito. Panahon na para i-level up pa ninyo ang inyong relasyon.
Money/Career:
Umiwas ka muna sa paggastos dahil tiyak na may darating ka na namang bayarin.
Lucky color: Black
Lucky number: 17
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Marami ka ngang kaibigan, pero konti lang naman sa kanila ang totoo sa iyo. Maging mapanuri sa mga taong makakasama mo.
Love:
Singles: Magconcentrate ka muna sa iyong mga gawain dahil mukhang mas kailangan mo ito kaysa sa magkaroon ng love life.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang magtanong lalo na kung may mga bagay ka na hindi naiintindihan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10