Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung masyado kang magpapagod sa iyong trabaho, may malaking chance na madali kang mairita sa mga taong kukulit sa iyo.
Love:
Couples: Kung meron kayong event na pupuntahan, mas mabuting pumunta nang maaga roon para makaiwas kayo sa traffic.
Money/Career:
Huwag mong hayaang lumaki ang isang problema. Ayusin mo na ito kaagad.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung gusto mong humanga sa iyo ang isang tao, dapat ay ibigay mo ang lahat ng iyong effort sa iyong gagawin.
Love:
Couples: Mukhang mawawala na ang pagdududa mo sa iyong partner. Gumawa ka ng isang bagay para bumawi sa kanya.
Money/Career:
Kung merong concern sa iyo ang isang tao, bigyan mo siya ng pansin at huwag mong dedmahin.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 30
Gemini (May 21 – Jun 20)
Iparamdam mo sa isang tao na tanggap mo siya kahit na gaano pa kakumplikado ang kanyang buhay. Damayan mo muna siya.
Love:
Singles: Magaling kang makipagflirt sa taong gusto mo. Pero kung lagi mo itong gagawin, iisipin niya na madali ka lang makuha.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa marketing ang trabaho.
Lucky color: Green
Lucky number: 16
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, gawin mo ito. Mas lalo kang magiging blessed dahil dito.
Love:
Couples: Kung feeling mo ay wala na talagang mapupuntahan ang iyong kasalukuyang relasyon, marahil ay panahon na para tapusin mo ito.
Money/Career:
Huwag mong ipakita sa ibang tao na naguguluhan ka. Dapat ay makita nila na confident ka.
Lucky color: Blue
Lucky number: 26
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang magkakaroon ka ng motivation ngayong araw para tapusin ang isang bagay na matagal mo na nasimulan.
Love:
Singles: Maaaring maraming tao ang gusto ka lang maging kaibigan dahil gusto nilang maambunan sila ng iyong yaman.
Money/Career:
Huwag mong hayaang mainggit ka sa iyong kapwa. Maging kuntento ka sa kung anong meron ka.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 20
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Huwag ka na kumontra sa mga nangyayari sa iyong paligid. Kung hindi mo alam ang dapat mong gawin, sumabay ka na lamang sa agos.
Love:
Couples: Maaaring maging pasaway ka ngayong araw kaya naman may chance na mairita sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Kailangan ay maging updated ka sa mga bagay-bagay lalo na kung ayaw mong mapag-iwanan.
Lucky color: Green
Lucky number: 12
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may matatapos kang gawain ngayong araw at tiyak na ikatutuwa ito ng ibang tao at maaaring bumilib sila sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang malapit mo na makita ang taong nakatadhana sa iyo. Hindi mo kailangang magmadali dahil sure naman na darating siya.
Money/Career:
Mukhang mas suswertehin ka sa iyong career lalo na kung may kinalaman ito sa art.
Lucky color: Pink
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Gawin mo kung ano sa tingin mo ang tama. Pero kung hindi ka sigurado, humingi ka ng opinyon sa iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Para hindi maging boring ang inyong relasyon, sumubok kayo ng isang bagay na bago at sa tingin ninyo ay masaya.
Money/Career:
Huwag ka muna pumasok sa isang investment ngayong araw dahil may chance na maloko ka.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung may taong magbibigay sa iyo ng negative remark, huwag ka muna magalit. Tanungin mo muna siya kung bakit.
Love:
Couples: May chance na maging mainitin ang iyong ulo ngayong araw, kaya maaaring mailabas mo ito sa iyong partner.
Money/Career:
Ayusin mo ang pakikipag-usap mo sa tao. Huwag kang masyadong mayabang magsalita.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Subukan mong puntahan ang isang lugar na memorable sa iyo lalo na kung medyo bored ka na sa ginagawa mo lately.
Love:
Couples: Huwag mo na masyadong kontrahin ang iyong partner. Hayaan mo muna siya sa gusto niyang gawin.
Money/Career:
Magiging maswerte ang iyong career lalo na kung ikaw ay gumagawa ng charity work.
Lucky color: Pink
Lucy number: 22
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Hindi naman maipagkakailan na charming ka talaga. Kaya gamitin mo ito lalo na kung gusto mong humingi ng favor sa iba.
Love:
Couples: Huwag mo na masyadong pahirapan ang iyong partner. Hayaan mo muna siyang makapag-adjust.
Money/Career:
Maaaring maganda ang araw na ito para mag-isip ka ng isang bagay na pwede mong pagkakitaan.
Lucky color: White
Lucky number: 23
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mag-ingat ka ngayong araw dahil may chance na may makain ka at sumakit ang tiyan mo dahil dito. Umiwas muna sa pagkain sa labas.
Love:
Couples: May malaking chance na may nakahandang sorpresa iyo ang iyong partner. Huwag ka muna masyadong ma-excite.
Money/career:
Kung masaya ka sa iyong trabaho, may malaking chance na hindi ka masyadong makakaramdam ng stress dito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 3

