Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag mong kalimutang i-check ang inbox ng iyong email account at maaaring may matanggap kang importanteng email ngayong araw.
Love:
Couples: Kung parehas ang inyong trabaho, mas madali ninyong maiintindihan ang struggles ng isa’t-isa.
Money/Career:
Huwag mong hayaang tamarin ka sa iyong mga ginagawa lalo na kung paulit-ulit lang ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 27
Taurus (Apr 20 – May 20)
Gawin mo ang isang bagay lalo na kung meron kang motivation para rito. Huwag mong hayaang may mga taong pumigil sa iyong gusto.
Love:
Couples: Kung meron kayong away, mas mabuting ikaw na lang muna ang humingi ng sorry lalo na kung gusto mong matapos kaagad ito.
Money/Career:
Mukhang nagiging blessed ka sa ngayon dahil may taong nagdarasal para sa iyo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 24
Gemini (May 21 – Jun 20)
Subukan mong gumawa ng isang bagay kung saan interesado ang ibang tao, lalo na kung gusto mong makuha ang atensyon nila.
Love:
Couples: Panahon na para upuan ninyo ng iyong partner ang mga problema para hindi na lumaki pa ang mga ito.
Money/Career:
Subukan mong i-convince ang iyong mga boss sa isang bagay, lalo na kung makakatulong talaga ito sa performance mo.
Lucky color: Green
Lucky number: 25
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang handa ka na para harapin ang challenges na kaakibat ng iyong goals sa buhay. Huwag ka kaagad sumuko sa mga ito.
Love:
Couples: Huwag kang magduda sa iyong partner, lalo na kung wala naman talagang basehan para pag-isipan mo siya ng masama.
Money/Career:
Huwag ka muna makialam sa problema ng ibang tao para hindi ka nasasabihang epal.
Lucky color: Blue green
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Huwag ka muna makipag-away ngayong araw, lalo na kung ayaw mong masira ang iyong mood at magsuffer ang iyong mga gawain.
Love:
Singles: Kung hindi kayo nagkatuluyan kahit anong pilit mo, mukhang hindi talaga kayo ang nakalaan para sa isa’t-isa.
Money/Career:
Habaan mo ang iyong pasensiya. Subukan mong tawanan na lamang ang iyong pagkakamali sa iyong trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman ang hilig sa pagdodrawing.
Love:
Singles: Bigyan mo ng second chance ang isang tao, lalo na kung deserve naman talaga niya ito. Be considerate.
Money/Career:
Mukhang may matatanggap kang advice ngayong araw para mas lalo mo pang mapaganda ang iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 23
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang maganda ang araw na ito para gumawa ka ng isang bagay na bago para sa iyo. Malay mo, maging magaling ka rito.
Love:
Couples: Maging fair ka sa iyong partner. Huwag mong ipakita sa kanya na selfish ka sa mga simpleng bagay.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magtayo ng iyong sariling business, simulan mo na ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Mukhang maganda ang araw na ito para gumawa ka ng isang bagay na bago para sa iyo. Malay mo, maging magaling ka rito.
Love:
Couples: Maging fair ka sa iyong partner. Huwag mong ipakita sa kanya na selfish ka sa mga simpleng bagay.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magtayo ng iyong sariling business, simulan mo na ito.
Lucky color: Green
Lucky number: 30
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung meron kang gustong ipursue, gawin mo agad ito habang maaga pa. Take note mo lang na talagang mapapagastos ka ng malaki rito.
Love:
Singles: Subukan mong baguhin ang iyong outfit at maaaring maraming tao ang magustuhan ito at tumaas ang iyong confidence.
Money/Career:
Huwag ka muna makipagpartner sa isang tao, lalo na kung feeling mo ay lalamangan ka lang niya sa huli.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 28
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Okay lang naman na may baguhin ka sa iyong buhay, pero tandaan mo na hindi lahat ng pagbabago ay makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Huwag mong ipagmalaki ang isang bagay, lalo na kung hindi mo pa rin naman ito nakukuha o nasasabing sa iyo.
Money/Career:
Habaan mo lang ang iyong pasensiya, lalo na kung nagiging mabagal ang kilos ng iyong mga kasama.
Lucky color: Black
Lucky number: 14
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magpahinga ka naman, lalo na kung masyado nang hectic ang iyong schedule, Bigyan mo ng chance ang katawan mo para makabawi ng lakas.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Gawin mo ang isang bagay na tiyak na ikatutuwa niya.
Money/Career:
Kung masyadong magulo ang iyong isipan, mahihirapan ka talagang magfocus sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 7
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung may taong magbibigay sa iyo ng advice, sundin mo ito dahil tiyak naman na may point ang sinasabi nila.
Love:
Couples: Hindi sapat na mahal lang ninyo ang isa’t-isa. Dapat ay nag-effort kayo para lalong mapaganda ang inyong relasyon.
Money/Career:
May chance na iwan mo ang iyong trabaho, lalo na kung hindi naman talaga ito ang passion mo.
Lucky color: Black
Lucky number: 26