Aries (Mar 21 – Apr 19)
Ingatan mo ang iyong sarili ngayong araw dahil may malaking chance na sumakit ang iyong tiyan habang ikaw ay nasa labas.
Love:
Couples: Okay lang naman kung sasabihin mo ang iyong problema sa iyong partner. Malay mo, makaisip siya ng solusyon para rito.
Money/Career:
Hindi naman ikaw ang may gawa ng problema, pero ikaw ang siyang maaapektuhan nito.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Huwag mo agad ijudge ang ibang tao, lalo na kung hindi mo naman alam ang buong istorya. Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo sa iba.
Love:
Couples: Ipakita mo sa iyong partner kung gaano siya ka-special sa iyo. Pwede mo siyang regaluhan para naman kiligin siya.
Money/Career:
Kung binigyan ka ng chance, huwag kang mahiyang kunin ito lalo na kung makakatulong ito sa iyong career.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 8
Gemini (May 21 – Jun 20)
Maging handa ka dahil hindi titigil ang haters mo para pabagsakin ka. Kaya naman, maging consistent ka lang sa iyong mga ginagawa.
Love:
Couples: Kung may problema kayo, pag-usapan ninyo ito. Huwag ninyong hayaang lumaki pa ito at maging grabe pa lalo ang sitwasyon.
Money/Career:
Bago ka pumasok sa isang investment, humingi ka muna ng opinyon galing sa iyong mga kaibigan.
Lucky color: Purple
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mong hayaang masayang ang iyong oras sa mga bagay na hindi naman importante. Magfocus ka sa mga dapat mong gawin.
Love:
Singles: Mukhang pwede ka naman magkaroon ng partner, pero may chance na wala ka talagang time na malalaan para rito sa ngayon.
Money/Career:
Maaaring magkaroon ng pagbabago sa iyong trabaho. Maging handa ka para rito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 23
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kung meron kang dapat asikasuhin sa iyong bahay, gawin mo na agad ito para hindi mo na ito problemahin pa.
Love:
Singles: May chance na suyuin ka ng ex mo para magkabalikan kayo ulit. Ikaw lang ang makakapagdecide kung papayag ka ba o hindi.
Money/Career:
Ito na ang tamang oras para magtake ka ng risk sa iyong mga desisyon.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 23
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang nagbago ka na talaga. Hindi ka na pasaway at nakikinig ka na rin sa sinasabi sa iyo ng ibang tao.
Love:
Singles: Kung hindi mo masyadong feel ang isang tao, huwag ka na muna magpromise at may chance na hindi mo ito tuparin.
Money/Career:
Mag-iimprove ang iyong finances kung babawas-bawasan mo ang paggastos mo sa mga bagay na pwede mo namang ipagpalibang bilhin.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 16
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka mawalan ng pag-asa. Hangga’t nakakaisip ka pa ng solusyon sa iyong problema, huwag mo itong susukuan.
Love:
Couples: Kahit na gusto mong makipagbonding sa iyong partner, hindi mo ito magagawa kung masyado kang busy sa ibang bagay.
Money/Career:
Ganyan talaga ang buhay. May mga tao talagang nabubuhay para makita kang nahihirapan.
Lucky color: Gold
Lucky number: 17
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung maliit lang naman ang issue, huwag mo na itong palakihin pa at gawin itong kumplikado. Huwag mo na pahirapan pa ang iyong sarili.
Love:
Singles: Kahit na hindi kayo magkatuluyang dalawa, tiyak naman na magiging mabuting kaibigan siya sa iyo.
Money/Career:
Kung may plano kang lumipat sa ibang company, ito na ang tamang panahon para gawin ito.
Lucky color: Orange
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
May chance na hindi masyadong maganda ang mangyayari sa iyo ngayong araw. Pero huwag ka mag-alala dahil lilipas din naman ito.
Love:
Couples: Mukhang mahihirapan kang kausapin ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung medyo malabo siyang mag-isip.
Money/Career:
Mukhang paganda nang paganda ang performance mo sa iyong trabaho, kaya parami rin nang parami ang naiinggit sa iyo.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 9
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Okay lang naman na gumastos ka, siguraduhin mo lang na hindi mo mauubos ang lahat ng iyong mga naipon.
Love:
Couples: Hindi mo kailangang alamin ang lahat ng sikreto ng iyong partner. Maganda sa isang relasyon na may privacy pa rin kayo.
Money/Career:
Kung gusto mong umalis na isa isang partnership, gawin mo ito kaagad lalo na kung nalulugi ka na.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang motivation para gawin ang isang bagay, tiyak na hinding-hindi ka mahihirapan dito.
Love:
Couples: Huwag mo muna awayin ang iyong partner, dahil mahihirapan ka na namang amuhin siya kapag nagtampo na siya.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho. Gawin mo kung ano ang dapat.
Lucky color: Cream
Lucky number: 3
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang unti-unti nang nawawala ang iyong mga problema. Tandaan mo na maraming tutulong sa iyo kung hindi mo na kaya.
Love:
Singles: Huwag mong balewalain ang efforts na ibinibigay sa iyo ng iba. Magpasalamat ka sa kanilang mga ginagawa para sa iyo.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para aksyunan mo ang isang bagay at tapusin na ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 30