Aries (Mar 21 – Apr 19)
Magfocus ka sa iyong mga gawain. Kung palagi na lamang lutang ang isip mo, tiyak na wala ka talagang matatapos.
Love:
Couples: Kung handa na kayong dalawa, maaari ninyo na ilevel up ang inyong relasyon.
Singles: Magspend ka ng maraming oras sa iyong pamilya ngayong araw.
Money/Career:
Mukhang seryoso ka na sa iyong career at hindi ka na rin masyadong nagloloko.
Lucky color: Red
Lucky number: 21
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging energetic ka ngayong araw, kaya naman tiyak na marami kang magagawa at matatapos.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagkakagusto sa iyo, pero iyon lang, wala ka talagang pagtingin sa kanya. Huwag mo na lamang siyang paasahin.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa public sector ang trabaho.
Lucky color: Red
Lucky number: 23
Gemini (May 21 – Jun 20)
Simple ka lang mag-isip kaya naman kapag may taong humihingi sa iyo ng tulong sa isang kumplikadong sitwasyon, nahihirapan ka.
Love:
Singles: Hindi ka talaga makakahanap ng taong mamahalin kung hindi ka pa rin nakakapag-let go sa iyong nakaraan.
Money/Career:
Kung may taong tumulong sa iyo ngayong araw, magpasalamat ka sa kanya at ilibre mo na rin.
Lucky color: White
Lucky number: 22
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Maaaring may masabi kang sikreto ngayong araw, kaya iwasan mo na lamang maging madaldal kapag kaharap mo ang iyong mga kaibigan.
Love:
Couples: Huwag mong balewalain ang efforts ng iyong partner. Maging grateful ka sa mga ginagawa niya for you.
Money/Career:
May malaking chance na meron kang matanggap na regalo ngayong araw.
Lucky color: Navy blue
Lucky number: 21
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mag-ingat ka sa mga kakainin mo ngayong araw dahil may malaking chance na sumakit ang tiyan mo dahil dito.
Love:
Couples: Mukhang may haharapin kayong mabigat na pagsubok sa inyong relasyon, kaya naman tibayan ninyo ang inyong loob.
Money/Career:
Mukhang may taong nagdadasal para sa iyo kaya naman blessed ka talaga.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 11
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, gawin mo na ito bago pa magbago ang isip mo at maduwag ka.
Love:
Singles: Lumabas ka ng bahay ngayong araw dahil may malaking chance na ang taong nakalaan para sa iyo ay gumagala lang sa inyo.
Money/Career:
Ipagpatuloy mo lang ang pagiging masipag mo sa iyong trabaho at umiwas ka na lang sa mga taong negative mag-isip.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may taong magiging masaya for you, lalo na kung marami ka talagang natutulungan na mga tao.
Love:
Couples: Kung may away kayo, pag-usapan ninyo ito nang mahinahon. Wala kayo mapapala kung lagi kayong magsisigawan.
Money/Career:
Kung hindi na sapat ang iyong kinikita, marahil ay panahon na para humanap ka ng bagong trabaho.
Lucky color: Gold
Lucky number: 18
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Bago ka gumawa ng desisyon, pag-isipan mo muna itong mabuti para hindi mo ito pagsisihan sa huli.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para ipasyal mo ang iyong pamilya para naman makapagbonding na rin kayo.
Money/Career:
Mukhang lalaki na naman ang iyong gastusin, kaya makakabuti sa iyo kung magtitipid ka muna.
Lucky color: Green
Lucky number: 5
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung hindi ka makapagdecide, huwag mo ito i-rush. Take your time at magtanung-tanong ka sa ibang tao para makakuha ka ng idea.
Love:
Couples: Kung malayo sa iyo ang iyong partner, huwag ka masyadong mag-alala dahil tiyak naman na nag-iingat siya.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magtayo ng iyong sariling business, gawin mo na ito kaagad.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 7
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
I-check mo ang iyong email. Maaaring may natanggap ka na pala na good news at hindi mo ito napansin.
Love:
Couples: Habaan mo ang iyong pasensiya sa iyong partner ngayong araw, dahil magiging pasaway na naman siya.
Money/Career:
Kahit na meron ka ng budget pambili, mahihirapan ka namang pumili ng bagay na dapat mong bilhin.
Lucky color: Orange
Lucky number: 9
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung feeling mo ay hindi ka makakatulong sa isang sitwasyon, huwag mo na lamang ipagpilitan ang sarili mo.
Love:
Couples: Mukhang kontento ka naman sa iyong partner. Kaya itry mong kulitin siya para makita mo ang itsura niya kapag naiinis.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod sa sinasabi ng iba, pero huwag sana umabot sa point na nagiging uto-uto ka na.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 20
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Huwag mo na ipagpilitan ang sarili mo lalo na kung nakakasakit ka lang ng iba, imbes na makatulong. Huwag na matigas ang ulo.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan, huwag mo muna aminin ito sa kanya ngayong araw dahil baka malasin ka lang.
Money/Career:
Mukhang maganda ang araw na ito para magsimula ka ng isang bagay na bago para sa iyo.
Lucky color: Purple
Lucky number: 25