Aries (Mar 21 – Apr 19)
Huwag ka muna magpanic kung hindi mo alam ang dapat mong gawin. Magrelax ka at meron ka ring maiisip na hakbang.
Love:
Singles: Mukhang may tao kang magugustuhan ngayong araw. Gawin mo ang lahat para makuha siya dahil mukhang siya na ang ‘the one’.
Money/Career:
Huwag ka muna kumuha ng bagong credit card sa ngayon.
Lucky color: Silver
Lucky number: 8
Taurus (Apr 20 – May 20)
May malaking chance na maging emosyonal ka ngayong araw, lalo na kung masyadong stressed ka na lately.
Love:
Couples: Ito na ang tamang panahon para magdesisyon ka kung gusto mo pang ituloy ang inyong samahan o hindi na.
Money/Career:
Huwag ka masyadong malungkot kung mamalasin ka ngayong araw. Lilipas din naman iyan.
Lucky color: Orange
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Huwag ka masyadong magreklamo kung marami ang iuutos sa iyo. Hindi naman nila ito gagawin kung wala silang tiwala sa iyo.
Love:
Couples: Kailangan mo na magdesisyon kung itutuloy mo pa ba ang relasyon mo sa iyong partner o maghahanap ka na lang ng iba.
Money/Career:
May malaking chance na meron kang matanggap na regalo ngayong araw.
Lucky color: Blue green
Lucky number: 20
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Huwag mo masyadong pagurin ang iyong sarili. Magpahinga ka rin at matutong tumanggi muna sa paggimik.
Love:
Couples: Kailangan ay maging maingat ka sa iyong mga kilos lalo na kung ayaw mong maghinala sa iyo ang iyong partner.
Money/Career:
Kung gusto mong magpasikat sa iyong mga boss, dapat matutunan mong tapusin nang mabilis ang iyong mga gawain.
Lucky color: Green
Lucky number: 4
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Meron ka namang kakayahan para magpacute sa maraming tao. Kailangan mo lang magtiwala sa iyong sarili.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para magbonding kayo ng iyong pamilya. Mag-isip kayo ng pwede ninyong gawin na tiyak maeenjoy ninyo.
Money/Career:
Kung kaya mo namang tulungan ang isang tao, huwag mo na siyang tanggihan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Ang araw na ito ay tungkol sa pagbabago. Kaya naman huwag ka masyadong mag-alala dahil mukhang kakayanin mo naman ito.
Love:
Couples: Kung nalilito ka sa mga ikinikilos ng iyong partner, magmatiyag ka muna sa kanyang mga ginagawa.
Money/Career:
Gamitin mo ang charm mo para mapapayag ang isang tao sa iyong gusto.
Lucky color: Orange
Lucky number: 15
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung hindi mo na alam ang dapat mong gawin, marahil ay panahon na para humingi ka ng guidance kay Lord.
Love:
Couples: Huwag ka masyadong OA sa pag-iisip. Maaaring simple lang naman ang isang bagay at ginagawa mo lang itong kumplikado.
Money/Career:
May malaking chance na may taong magbayad ng kanyang utang sa iyo ngayong araw.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 14
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Okay lang naman na gumimik ka, pero dapat ay tapusin mo muna ang iyong mga gawain para hindi ka mapagalitan.
Love:
Couples: Magiging iritable ka ngayong araw at dahil dito, maaaring mainis ka sa mga ginagawa sa iyo ng iyong partner.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa engineering ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 28
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Kung gusto mong matapos kaagad sa iyong mga gawain, huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao.
Love:
Singles: Huwag mong hayaang pilitin ka ng ibang tao sa taong hindi mo naman gusto. Pagsabihan mo na lang sila.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at baka tamaan mo na ang jackpot.
Lucky color: Blue
Lucky number: 17
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Dahil sa iyong galing, tiyak na pupuruhin ka ng maraming tao sa iyong paligid. Iwasan mong maging mayabang at maging humble ka palagi.
Love:
Couples: Kung may nalaman kang bagay tungkol sa iyong partner, huwag ka kaagad mag-isip ng kung anu-ano.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagsusulat ang trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 4
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kailangan mo ng tulong at kung matatanggap mo sa sarili mo ito nang maaga, mas mabilis kang matutulungan ng iba.
Love:
Couples: Ito na ang simula ng bagong chapter sa inyong pagsasama. Gawin niyo ang lahat para maging mas matatag pa kayo.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Purple
Lucky number: 1
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Simulan mo nang maaga ang iyong mga gawain para magkaroon ka ng maraming free time pagsapit ng hapon.
Love:
Couples: Regaluhan mo ang iyong partner ngayong araw, lalo na kung nagtatampo siya sa iyo kamakailan.
Money/Career:
Kung hindi mo sure kung gusto mo talaga ang napili mong career, huwag kang matakot na magtry ng iba.
Lucky color: Light green
Lucky number: 8