Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang gustong gawin ngayong araw, simulan mo na agad ito dahil tiyak na magiging busy ka na pagsapit ng hapon.
Love:
Couples: Mukhang stressed sa ngayon ang iyong partner, kaya naman huwag ka na dumagdag pa sa kanyang problema.
Money/Career:
Kailangan mo munang magtipid dahil meron ka na namang paparating na gastusin.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 6
Taurus (Apr 20 – May 20)
Habaan mo lang ang iyong pasensiya at magiging maayos din ang lahat sa huli. Huwag ka kaagad magpadala sa iyong nararamdaman.
Love:
Couples: Kung may problema ang iyong partner, subukan mong ialok ang iyong tulong at baka kakailanganin niya ito.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na may kasama kang tatamarin at ikaw ang mapipilitang tumapos sa kanyang gawain.
Lucky color: Green
Lucky number: 27
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung ayaw mong mapahiya sa maraming tao, dapat ay galingan mo para naman hindi sila madisappoint sa iyo.
Love:
Singles and Couples: Huwag kayo masyadong magpastress sa inyong mga gawain. Tandaan ninyo na meron pang mas importanteng bagay kaysa diyan.
Money/Career:
Kung hindi ka naman binibigyan ng importansya ng ibang tao, mas mabuti kung huwag ka na lang mag-effort sa kanila.
Lucky color: Orange
Lucky number: 1
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Mukhang marami ka pang mga bagay na dapat tapusin ngayong araw, kaya naman hindi ito ang panahon para magpetiks ka.
Love:
Singles: Mukhang mahihirapan ka kung sino ba talaga ang dapat mong suyuin. Humingi ka ng advice sa iyong mga kaibigan kung hirap ka na talaga.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 22
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na maging maganda ang resulta ng iyong mga gawain, kaya naman maraming tao ang hahanga sa iyo.
Love:
Singles: Huwag mo na sayangin pa ang oras mo sa mga taong hindi ka naman pinapansin. Marami pang iba diyan na mas worth it.
Money/Career:
Mukhang magiging maswerte ka ngayong araw dahil may chance na may magbigay sa iyo ng pera.
Lucky color: Purple
Lucky number: 6
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
May malaking chance na maging pasaway ka ngayong araw, kaya naman sasakit ulit ang ulo ng mga taong makakasama mo.
Love:
Couples: Kung gusto mong maging sweet sa iyo ang iyong partner, dapat ay maging sweet ka rin sa kanya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa networking ang trabaho.
Lucky color: White
Lucky number: 21
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag mong baguhin ang iyong desisyon, lalo na kung nangako ka na sa ibang tao. Huwag mong sirain ang tiwala nila sa iyo.
Love:
Singles: Bago ka humanap ng taong magmamahal sa iyo, dapat ay matutunan mo munang mahalin ang iyong sarili.
Money/Career:
Kung meron kang gustong bilhin na alahas, idelay mo muna ito dahil hindi mo naman ito talaga kailangan.
Lucky color: Blue
Lucky number: 19
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung meron kang gustong kausapin ngayong araw, diretsyuhin mo na siya at huwag ka na magpaligoy- ligoy pa.
Love:
Couples: Huwag mo na gawing kumplikado ang isang bagay na simple lang. Ikaw lang ang nagpapahirap sa iyong sarili.
Money/Career:
Bago ka pumayag sa isang deal, alamin mo muna ang pros and cons nito.
Lucky color: Black
Lucky number: 25
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang may pagbabagong darating sa iyong buhay, kaya naman huwag ka masyadong magpanic at mukhang kakayanin mo naman ito.
Love:
Couples: Kung meron na kayong anak, mas mabuti kung ipapasyal mo siya ngayong araw para naman gumanda ang mood niya.
Money/Career:
Huwag ka masyadong maingay sa iyong trabaho, dahil tiyak na may maiistorbo kang ibang tao.
Lucky color: Purple
Lucky number: 19
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mas makakabuti sa iyo kung iiwas ka muna sa gulo ngayong araw, lalo na kung ayaw mong masira ang mood mo.
Love:
Singles: Maganda ang araw na ito para bigyan ng second chance ang isang tao, lalo na kung deserve naman niya ito.
Money/Career:
May chance na maging hectic ang schedule mo ngayong araw kaya naman huwag kang tatamad-tamad.
Lucky color: Cream
Lucky number: 2
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung masyado kang maraming gawain, humingi ka ng tulong sa iba lalo na kung feeling mo ay hindi mo matatapos ang lahat ng mga ito.
Love:
Couples: Kung meron kayong tampuhan ng iyong partner, maganda ang araw na ito para tapusin na ito at magkabati na kayo.
Money/Career:
Dapat ay lagi kang updated sa mga balita at nangyayari sa iyong paligid para hindi ka palaging left out.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung kaya mo namang tumulong sa ibang tao, huwag mo itong ipagdamot sa kanila. Tiyak naman na magiging maganda ang karma mo.
Love:
Singles: Huwag ka na tumingin pa sa malayo dahil nakilala mo na ang taong nakalaan para sa iyo. Talasan mo lang ang iyong pakiramdam.
Money/Career:
Kung gusto mo talagang magkaroon ng sariling business, dapat ay mahaba ang iyong pasensiya at hindi ka mainipin.
Lucky color: Cream
Lucky number: 12