Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang sikretong nalaman, huwag mo muna ito ipagkalat dahil siguradong mapapasama ka sa ibang tao.
Love:
Couples: Huwag kang maging pasaway sa iyong partner. Kung pinagsabihan ka na niya, mas mabuting sundin mo na lang siya.
Money/Career:
Kung meron kang naisip na plano at sa tingin mo ay makakatulong ito sa iyo, gawin mo na ito.
Lucky color: Red
Lucky number: 10
Taurus (Apr 20 – May 20)
Kung meron kang gustong sabihin sa iyong kaibigan, ikwento mo sa kanya ito lalo na kung makakatulong ito para gumaan ang iyong loob.
Love:
Singles: Kung merong kang taong nagugustuhan, ito na ang tamang panahon para aminin mo ito sa kanya.
Money/Career:
Magpahinga ka naman kahit sandali lang. Hindi makakabuti sa iyo kung palagi ka na lamang kapos sa tulog.
Lucky color: White
Lucky number: 5
Gemini (May 21 – Jun 20)
Gamitin mo ang iyong charm para humingi ng favor sa isang tao, lalo na kung siya lang talaga ang makakatulong sa iyo.
Love:
Singles: Kung meron kang taong nagugustuhan sa ngayon, may malaking chance na siya na talaga ang nakalaan para sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Purple
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ipakita mo ang iyong talent sa ibang tao. Malay mo, ito na ang moment mo para ikaw ay sumikat.
Love:
Singles: Mukhang may taong nagpaparamdam sa iyo. Maging mapanuri sa iyong paligid para malaman mo kung sino siya.
Money/Career:
Kung ipapagpatuloy mo ang pagiging consistent sa iyong trabaho, may chance na mapromote ka nang mas maaga.
Lucky color: Green
Lucky number: 19
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Maguguluhan ka sa araw na ito. Hindi mo alam kung bakit pero parang feeling mo ay may hindi magandang mangyayari.
Love:
Singles and Couples: Maganda ang araw na ito para yayain mo ang iyong pamilya na gumala o kumain sa labas.
Money/Career:
Kung meron kang exam kamakailan, may malaking chance na pumabor sa iyo ang resulta nito.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 15
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Mukhang madedelay na naman ang iyong trabaho, pero huwag kang mag-alala dahil hindi mo naman ito kasalanan.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Maghintay-hintay ka muna.
Money/Career:
Huwag mong husgahan ang isang tao kung hindi mo naman tiyak ang nangyari.
Lucky color: Orange
Lucky number: 10
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Kung meron kang mga bagay na hindi na ginagamit, mas mabuti kung idodonate mo na lamang ito sa ibang tao.
Love:
Couples: Naiintindihan ka naman ng iyong partner, kaya huwag mo na siya pahirapan pa at isipin mo naman ang kalagayan niya.
Money/Career:
Maging patient ka lamang sa iyong trabaho. Kung magmamadali ka, ikaw lang ang mapepressure.
Lucky color: Cream
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung merong problema ang iyong pamilya sa ngayon, mas makakabuti kung uunahin mo muna itong ayusin kaysa sa ibang bagay.
Love:
Couples: Yayain mo ang iyong partner sa isang activity kung saan mag-eenjoy kayong parehas. Pagkakataon ninyo na ito para makapagbonding.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho. Huwag lang puro si crush ang atupagin mo.
Lucky color: Grey
Lucky number: 16
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Huwag ka masyadong mag-alala. Hindi pa naman masyadong grabe ang nangyayari kaya pwede pa ito maayos.
Love:
Couples: Nagiging matibay na ang inyong relasyon sa ngayon, kaya naman ipagpatuloy ninyo lang ang ginagawa ninyo sa inyong samahan.
Money/Career:
Huwag kang mahiyang humingi ng tulong sa ibang tao, lalo na kung hindi mo talaga kaya ang ipinapagawa sa iyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 24
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka na magreklamo at gawin mo na lamang ang inuutos sa iyo para hindi ka na rin mapagalitan pa.
Love:
Couples: Subukan mong yayain na sumali ang iyong partner sa isang fitness program lalo na kung napapansin mong tumataba na siya lately.
Money/Career:
Kung merong alok sa iyo na ibang trabaho, pag-isipan mo muna itong mabuti lalo na kung malayo ito sa inyo.
Lucky color: Pink
Lucky number: 3
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Magiging energetic ka sa araw na ito, kaya naman marami kang bagay na matatapos at magkakaroon ka ng panahon para makapagpahinga.
Love:
Couples: Kung hindi ninyo kayang pag-usapan ang inyong mga problema, paniguradong hindi talaga magtatagal ang inyong samahan.
Money/Career:
Mag-ingat ka sa paggawa ng iyong desisyon para naman hindi ka magkamali sa huli.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang marami kang matatapos na mga gawain ngayong araw, kaya naman magiging maganda rin ang mood mo.
Love:
Couples: Kung wala naman kayong plano ng iyong partner, mas mabuting mag-enjoy na lamang kayo sa inyong tahanan.
Money/Career:
Gawin mo ang mga bagay na inutos sa iyo, pero tandaan mo na kailangan mo rin ng pahinga kahit na papaano.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12