Aries (Mar 21 – Apr 19)
Panahon na para tuparin mo ang iyong mga ipangako sa ibang tao. Huwag mo na balakin pang takasan ang mga ito.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na magkaroon ka ng bagong kaibigan ngayong araw, lalo na kung mamamasyal ka sa mall.
Money/Career:
Kahit na hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong trabaho, tandaan mo na lilipas din ito.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging maganda ang araw na ito para sa iyo, kaya naman kung may balak kang gawin, may chance na magtagumpay ka rito.
Love:
Singles: Malapit mo na makita ang taong nakatadhana sa iyo. Huwag ka na tamaring lumabas ng iyong bahay.
Money/Career:
Kung pinag-iisipan mong magresign sa iyong trabaho, marahil ay panahon na para simulan mo ito.
Lucky color: Grey
Lucky number: 12
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung merong oportunidad na dumating sa iyo, gawin mo ang lahat para makuha ito lalo na kung talagang gusto mo ito.
Love:
Couples: Intindihin mo na lang ang iyong partner. Matigas talaga ang ulo niya kaya habaan mo na lamang ang iyong pasensiya.
Money/Career:
Gamitin mo ang iyong experiences para solusyunan ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 3
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung hindi mo sigurado na makakadalo ka sa isang event, huwag ka na muna mangako at baka madisappoint lang sila.
Love:
Couples: Kung hindi ka na masaya sa inyong relasyon, ito na ang tamang panahon para gumawa ka ng aksyon tungkol dito.
Money/Career:
May malaking chance na makapag-abroad ka dahil sa iyong trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 18
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Madali mong malalaman ang mga susunod na mga mangyayari, kaya magagawa mong iwasan ang isang delikadong sitwasyon.
Love:
Couples: Maganda ang araw na ito para magsaya ka kasama ng iyong partner. Mamasyal kayo at magbonding.
Money/Career:
Tapusin mo na sa umaga ang iyong mga gawain para wala ka na masyadong gagawin pa pagsapit ng hapon.
Lucky color: Rose
Lucky number: 24
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang naman na magsaya ka, basta siguraduhin mo lang na natapos mo na ang iyong mga gawain para wala ka na dapat pang alalahanin.
Love:
Couples: Mukhang may malalaman kang bagay tungkol sa iyong partner at may malaking chance na ikabigla mo ito.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho. Maging honest ka kung ayaw mong may magsumbong sa iyo.
Lucky color: Silver
Lucky number: 12
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang may chance na makasama ka sa isang biglaang lakad, lalo na kung marami ka pang naitabing pera.
Love:
Singles: Mukhang hindi pa ito ang tamang panahon para ikaw ay pumasok sa isang relasyon. Maghintay ka na lang muna.
Money/Career:
Kung gusto mo pang mag-improve ang quality ng iyong work, dapat ay maging dedicated ka sa iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 3
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Dapat ay maging positive ka lang palagi, kahit na hindi masyadong maganda ang nangyayari sa iyong paligid.
Love:
Singles: Mukhang unti-unti ka nang nakakamove on, kaya naman mapapansin ng ibang tao na nagiging blooming ka na.
Money/Career:
Makipag-usap ka sa iyong mga boss, lalo na kung meron kang bagay na hindi naiintindihan.
Lucky color: Rainbow
Lucky number: 28
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Alagaan mo ang iyong sarili ngayong araw at umiwas ka muna sa pagkain sa labas dahil may chance na sumakit ang iyong tiyan.
Love:
Couples: May malaking chance na maging iritable ka ngayong araw at may posibilidad na dahil ito sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang ito na ang tamang panahon para simulan mo ang isang bagay na matagal mo na gustong gawin.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 2
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang may matatanggap ka na good news ngayong araw, at may malaking chance na may kinalaman ito sa pera.
Love:
Couples: Magand ang araw na ito para maging romantic ka sa iyong partner. Ipakita mo sa kanya na kinikilig ka pa rin sa mga hirit niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa gobyerno ang trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 27
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Mukhang panahon na para itigil mo muna ang iyong paggastos at magconcentrate ka muna sa pagtitipid.
Love:
Singles: Mukhang malapit mo na makita ang taong nakalaan para sa iyo. May malaking chance na matitipuhan mo siya.
Money/Career:
Magiging demanding ang araw na ito para sa iyo, kaya naman iwasan mong tamarin para hindi ka na mapagalitan.
Lucky color: Pink
Lucky number: 28
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang may kakilala ka na malapit nang ikasal. Kaya naman huwag mong kalimutan na bigyan siya ng regalo.
Love:
Couples: Subukan mong magcompose ng isang kanta para sa iyong partner, lalo na kung magaling ka namang kumanta.
Money/Career:
Magconcentrate ka sa iyong trabaho. Huwag lagi nakatingin sa iyong officemate na crush mo.
Lucky color: Red
Lucky number: 1