Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung karapat-dapat naman ang isang tao sa isang second chance, huwag mo na itong ipagdamot pa sa kanya.
Love:
Singles: Huwag mong piliin ang isang tao dahil sa kung anong mga bagay ang kaya niyang maibigay sa iyo.
Money/Career:
Kung ayaw mong mapagalitan ng iyong boss, mas mabuting huwag ka na mandaya sa iyong trabaho.
Lucky color: Cream
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang magiging hectic ang schedule mo ngayong araw kaya naman kumilos ka na kaagad para maaga ka matapos.
Love:
Couples: Mukhang magiging pasaway ang iyong partner ngayong araw kaya may malaking chance na mag-away kayo ulit.
Money/Career:
Gamitin mo ang mga natutunan mo para ayusin ang isang problema sa iyong trabaho.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 17
Gemini (May 21 – Jun 20)
Kung hindi ka sigurado sa isang bagay, huwag ka muna gumawa ng desisyon tungkol dito para wala kang pagsisihan sa huli.
Love:
Couples: Kung parehas ang inyong trabaho, magkakaroon kayo ng mas matibay na relasyon dahil naiintindihan ninyo ang isa’t-isa.
Money/Career:
Kung merong magandang job opportunity ang dumating sa iyo, kunin mo na ito kaagad bago ka pa maunahan ng iba.
Lucky color: Pink
Lucky number: 5
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Kung merong bagay na bumabagabag sa iyo, mas mabuting humingi ka ng tulong sa iyong mga kaibigan na nakakaintindi sa iyo.
Love:
Couples: Mukhang may chance na mag-away kayo ulit ng iyong partner, kaya naman magiging awkward na naman kayong dalawa.
Money/Career:
Kung may plano kang magtayo ng sarili mong business, mas mabuting simulan mo na ito kaagad.
Lucky color: Red
Lucky number: 21
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Mukhang may taong magkakaroon ng interes sa iyo. Pero mag-ingat ka lang lalo na kung hindi mo alam kung ano ang motibo niya.
Love:
Couples: Okay lang maging busy sa iyong trabaho, pero dapat ay naglalaan ka pa rin kahit papaano ng oras sa iyong partner.
Money/Career:
Mukhang may chance na matulungan ka ng iyong kaibigan kung naghahanap ka ng trabaho.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 12
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magbantay-bantay ka sa iyong paligid dahil may malaking chance na may taong magnakaw ng iyong mga ideya.
Love:
Singles: Huwag ka na magpakalunod sa alaala ng iyong nakaraan. Mahirap magmove on pero dapat simulan mo na ito kahit papaano.
Money/Career:
Mukhang may mangyayaring sagutan sa iyong trabaho ngayong araw. Kung wala kang kinalaman dito, huwag ka na lang makialam.
Lucky color: Dark brown
Lucky number: 5
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Magrelax ka lang. Wala ka dapat ipangamba lalo na kung pinaghandaan mong mabuti ang isang bagay. Magiging okay din ang lahat sa huli.
Love:
Couples: Mukhang sanay ka naman na ayusin ang iyong mga problema nang mag-isa. Pero bigyan mo rin ng chance ang iyong partner na matulungan ka.
Money/Career:
Huwag kang kakabahan lalo na kung haharap ka sa iyong boss. Dapat ipakita mo sa kanya na confident ka.
Lucky color: Black
Lucky number: 29
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Kung kaya mong tulungan ang isang tao, huwag mo itong ipagdamot sa kanya. Darating din ang araw na siya naman ang makakatulong sa iyo.
Love:
Couples: Kahit complicated ang relasyon ninyo, kung walang susuko sa inyo ay malalampasan ninyo rin ang inyong mga problema.
Money/Career:
Kung meron kang natanggap na opportunity, huwag mo na itong pag-isipan nang matagal dahil baka mawala ito sa iyo.
Lucky color: Gray
Lucky number: 11
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mas mabuting lumayo ka na lang sa mga taong ginagamit ka lang para mas lalong mapabuti ang kanilang lagay.
Love:
Couples: Mahirap man pero kailangan mong magtiis, lalo na kung sakit talaga sa ulo ang iyong partner minsan.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na purihin ka ng iyong boss lalo na kung maganda ang iyong trabaho.
Lucky color: Brown
Lucky number: 18
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Mukhang madedelay na naman ang iyong mga gawain. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman ikaw ang may kasalanan.
Love:
Couples: Kung medyo stressed ka na sa iyong partner, mas mabuting lumayo ka muna sa kanya para makapag-isip-isip ka.
Money/Career:
Kung masama ang iyong pakiramdam, mas mabuting huwag ka na lamang pumasok sa trabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Merong taong idadamay ka sa isang problema na wala ka namang kinalaman, kaya mas mabuting umiwas sa kanya kaagad.
Love:
Couples: Huwag mo agad huhusgahan ang iyong partner. Mas maganda kung magtatanong ka muna bago ka maghinala.
Money/Career:
Mukhang may pagbabago na mangyayari sa iyong trabaho, pero mukhang pabor naman ito sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 9
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang hindi na masyado magiging hectic ang iyong schedule, kaya naman magkakaroon ka na ng panahon para makapagpahinga.
Love:
Singles: Huwag ka basta-basta magagalit sa isang tao, lalo na kung hindi mo naman sigurado ang iyong narinig.
Money/Career:
Mukhang may malaking chance na magkaroon ka ng bakasyon sa mga susunod na araw.
Lucky color: Dark violet
Lucky number: 15