Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kahit na naging maingat ka, hindi mo pa rin kayang pigilang mangyari ang isang kumplikasyon sa iyong proyekto.
Love:
Singles: May taong nagkakagusto sa iyo sa ngayon, kaya naman gawin mo ang lahat para hindi siya maturn-off sa iyo.
Money/Career:
Maaaring makuha mo nga ang trabahong gusto mo, pero mukhang mamamasahe ka naman ng malaki.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang makukuha mo ang atensyon ng maraming tao ngayong araw, kaya naman may ilan sa kanila ang maiinggit sa iyo.
Love:
Couples: Para mabawasan ang stress na dulot ng trabaho, subukan mong yayain ang iyong partner na samahan ka sa isang fitness program.
Money/Career:
Kung meron kang balak na magsimula ng iyong sariling business, maganda ang araw na ito para gawin mo na.
Lucky color: Grey
Lucky number: 9
Gemini (May 21 – Jun 20)
Bago ka umaksyon ay pag-isipan mo munang mabuti ang iyong gagawin para naman hindi mo ito pagsisihan sa huli.
Love:
Couples: Mukhang magiging busy ka ngayong araw kaya naman hindi ka ulit makakapaglaan ng maraming oras para sa iyong partner.
Money/Career:
Kung balak mong magtayo ng sariling business, makipagpartner ka muna sa isang kakilala.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 7
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Talaga namang matulungin kang tao, kaya naman bilib sa iyo ang ilan sa iyong mga kaibigan at pamilya.
Love:
Couples: Mukhang magiging malambing ka sa iyong partner ngayong araw at maaaring magtaka siya kung bakit.
Money/Career:
Magkakaroon ka ng maraming pera kung pagkakakitaan mo ang isang bagay na talaga namang hilig mo.
Lucky color: Blue
Lucky number: 10
Leo (Jul 23 – Aug 22)
Kailangan mong marealize na kung mataas ang iyong mga pangarap, mas mahihirap na challenges din ang dapat mong harapin para makamit ang mga ito.
Love:
Couples: Kailangan ng partner mo ang iyong suporta ngayong araw, kaya naman maging maunawain ka muna sa kanya.
Money/Career:
Huwag mong ipahalata sa iyong boss na nahihirapan ka na sa kanyang mga ipinapagawa sa iyo.
Lucky color: Red
Lucky number: 22
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Magrelax ka muna. Mukhang nagiging stressed ka na masyado kaya naman medyo hindi na nagiging maganda ang aura mo.
Love:
Couples: Para hindi na maulit ang inyong away, dapat ay maging open-minded kayo sa problema ng bawat isa.
Money/Career:
Kung meron kang balak na kumuha ng loan ngayong araw, gawin mo na ito.
Lucky color: Sky blue
Lucky number: 3
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Mukhang madali mong mahuhulaan ang mga susunod na mangyayari, kaya naman maiiwasan mo ang isang grabeng problema.
Love:
Couples: Panahon na para bumawi ka sa iyong partner lalo na kung masyado ka na naging busy noong mga nakaraang araw.
Money/Career:
Kung confident ka sa iyong mga gawain, tiyak na mapapansin ito ng iyong mga boss.
Lucky color: Pink
Lucky number: 21
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Ibigay mo lang ang buong effort mo sa isang bagay na talagang gusto mo at mabilis kang magiging successful dito.
Love:
Singles: Mukhang may taong makikipagflirt sa iyo ngayong araw. Tandaan mo na huwag ka basta-basta pumayag sa mga gusto niya.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa pagtuturo ang trabaho.
Lucky color: Black
Lucky number: 26
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang magiging hectic ang schedule mo ngayong araw kaya naman bilis-bilisan mo ang pagkilos para marami kang matapos.
Love:
Couples: Sorpresahin mo ang iyong partner ngayong araw. Subukan mong baguhin ang iyong outfit at tingnan mo ang magiging reaksyon niya.
Money/Career:
Kung kailangan mong magpahinga, gawin mo ito lalo na kung hindi naman ito makakasira sa iyong momentum.
Lucky color: Red
Lucky number: 29
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Huwag ka basta-basta magtiwala sa taong ngayon mo lang nakilala. Huwag kang magseshare sa kanya ng info na maaaring magamit niya laban sa iyo.
Love:
Couples: Naiintindihan naman ng iyong partner kung masyado kang busy lately, pero dapat ay nag-eeffort ka pa rin na bigyan siya ng panahon.
Money/Career:
Kung hindi ka sigurado kung ano ang dapat mong gawin, pwede ka namang kumunsulta sa ibang tao.
Lucky color: Silver
Lucky number: 10
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Ingatan mo ang iyong katawan. Kung kulang ka sa tulog, iwasan mo na ang pagpupuyat mo gabi-gabi para makabawi ang iyong katawan.
Love:
Singles: Kung may balak kang makipagdate ngayong araw, may malaking chance na hindi masyadong maganda ang mangyari dito.
Money/Career:
Kahit na masipag ka naman, madedelay ka pa rin lalo na kung walang pakisama ang iyong mga katrabaho.
Lucky color: Blue
Lucky number: 2
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Mukhang panahon na para simulan mo ang isang proyekto na matagal mo na dapat nasimulan. Maaaring maging maganda ang resulta nito ngayon.
Love:
Couples: Huwag ka na makipagtalo sa iyong partner dahil may point naman siya. Sundin mo na lang muna ang kanyang sasabihin sa iyo.
Money/Career:
Magfocus ka sa iyong trabaho lalo na’t may chance na bantayan ka ng iyong boss.
Lucky color: Red
Lucky number: 9