Aries (Mar 21 – Apr 19)
Kung meron kang gustong sabihin sa isang tao, dahan-dahanin mo lang ito para naman hindi siya mabigla.
Love:
Couples: Hindi porke matagal na kayong magkasama ay manlalamig ka na sa iyong partner. Gumawa ka ng paraan para kiligin siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang magkakaroon ng pagtatalo sa iyong trabaho. Kung wala kang kinalaman dito, huwag ka na makisali.
Lucky color: Black
Lucky number: 2
Taurus (Apr 20 – May 20)
Mukhang may mangyayari ngayong araw na hindi mo talaga magugustuhan. Pero huwag kang mag-alala dahil hindi naman ito grabe.
Love:
Couples: Kung hindi na masyadong maganda ang nangyayari sa inyong dalawa, marahil ay panahon na para pag-usapan ninyo ito.
Money/Career:
Okay lang naman na sumunod sa iba, pero alamin mo rin at baka inuuto ka lang nila.
Lucky color: violet
Lucky number: 1
Gemini (May 21 – Jun 20)
Mukhang may malaking chance na makatanggap ka ng regalo ngayong araw at magmumula ito sa taong may crush sa iyo.
Love:
Singles: Mukhang mapapalapit ka sa isang tao ngayong araw at may chance na ma-eenjoy mo naman ang oras na kasama siya.
Money/Career:
Magiging masipag ka ngayong araw kaya naman marami kang matatapos na mga gawain.
Lucky color: Pink
Lucky number: 20
Cancer (Jun 21 – Jul 22)
Ingatan mo ang iyong bibig ngayong araw dahil may malaking chance na may tao kang maoffend sa iyong mga sasabihin.
Love:
Singles: Ayusin mo ang mga kilos lalo na kapag katabi mo ang crush mo para naman hindi siya ma-turn off sa iyo.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa construction ang trabaho.
Lucky color: Grey
Lucky number: 26
Leo (Jul 23 – Aug 22)
May malaking chance na maging seryoso ka ngayong araw, kaya naman magtataka dito ang iyong mga kasama.
Love:
Couples: Kung masyadong busy ang iyong partner, mas mabuting ikaw na lang ang mag-adjust para sa kanya.
Money/Career:
Kung ibibigay mo ang buong effort mo sa iyong trabaho, tiyak naman na magiging successful ka rito someday.
Lucky color: Lavender
Lucky number: 25
Virgo (Aug 23 – Sep 22)
Okay lang naman na tumulong sa ibang tao. Pero kung umaabuso na sila, meron ka namang karapatan para tumanggi.
Love:
Couples: Maaaring maging complicated ang araw na ito para sa inyong dalawa. Kung hindi kayo mag-uusap nang maayos, lalala lang ang problema.
Money/Career:
Kung gusto mong umalis na sa isang kasunduan, gawin mo na ito habang maaga pa.
Lucky color: Baby blue
Lucky number: 17
Libra (Sep 23 – Oct 22)
Huwag ka masyadong makulit ngayong araw. Huwag mong kikilitiin bigla ang isa sa iyong mga kaibigan at baka magulpi ka niya.
Love:
Singles: Mukhang may malaking chance na muli mong makita ang isang tao na naging part ng iyong nakaraan.
Money/Career:
Subukan mo ang iyong swerte ngayong araw. Tumaya ka sa lotto at baka tamaan mo ang premyo.
Lucky color: Yellow
Lucky number: 11
Scorpio (Oct 23 – Nov 21)
Lumayo ka sa mga taong negative mag-isip. Huwag mo ring hahayaang maimpluwensiyahan nila ang iyong mga desisyon.
Love:
Couples: Huwag kang mag-alala kung nasa malayo ang iyong partner. Tiyak naman na ikaw lang ang laman ng kanyang isipan.
Money/Career:
Huwag ka mandaya sa iyong trabaho para lamang makauwi ka nang maaga.
Lucky color: Blue
Lucky number: 1
Sagittarius (Nov 22 – Dec 21)
Mukhang panahon na para simulan mo ang isang bagay na matagal mo na dapat nagawa. Maaaring matapos mo rin ito kaagad.
Love:
Couples: Kahit na maganda naman ang intensyon mo, hindi ito magugustuhan ng iyong partner kaya naman maaaring magalit siya sa iyo.
Money/Career:
Mukhang napagastos ka na naman kamakailan kaya poproblemahin mo na naman kung saan ka kukuha ng pera.
Lucky color: Grey
Lucky number: 10
Capricorn (Dec 22 – Jan 19)
Kung meron kang balak na bumili ng sasakyan, mas mabuting bilhin mo na ito kaagad dahil makakatulong naman ito sa iyo.
Love:
Singles: Huwag kang umextra sa love life ng ibang tao. May taong nakalaan sa iyo kaya naman maghintay ka lang.
Money/Career:
Bago mo bilhin ang isang bagay, siguraduhin mo muna kung talagang kailangan mo ito.
Lucky color: Cream
Lucky number: 28
Aquarius (Jan 20 – Feb 18)
Kung meron kang pupuntahang event at hindi naman masyado itong importante, mas mabuting huwag na sumipot at matulog na lang sa bahay.
Love:
Singles: Huwag kang atat na magkalove life. Darating din iyan at tiyak na ma-eenjoy mo ang oras na kasama siya.
Money/Career:
Kung mas gusto mong magfocus sa arts, isipin mo kung paano mo ito pagkakakitaan.
Lucky color: Brown
Lucky number: 21
Pisces (Feb 19 – Mar 20)
Kung meron kang importanteng sasabihin sa ibang tao, siguraduhin mo na walang ibang taong nakikinig kundi malalagot ka.
Love:
Couples: Huwag ka na kasi maging pasaway sa iyong partner para naman hindi na kayo mag-away madalas.
Money/Career:
Magiging maswerte ang araw na ito lalo na sa mga taong may kinalaman sa journalism ang trabaho.
Lucky color: Orange
Lucky number: 19